23

62 2 0
                                    

Sinundo ako ni Ate Jenny sa airport. Agad-agad ko siyang tinawagan thru Skype nung nagbook ako ng flight pauwi. Another secret na naman namin ito. Punong-puno na ang Pandora's box namin. Buti na lang at pumapayag siya sa mga pakiusap ko na sa amin muna itong dalawa dahil parehas namin ayaw mag-alala ung mga magulang at mga kapatid namin. Lalo na at malayo kami sa isa't isa.

Tinulungan niya rin akong maghanap ng condo unit sa Makati. Halos buong araw kami nag-ikot. Hindi pa rin kasi ako ready na sa Quezon City umuwi. Bukod sa baka mahanap ako ni Jigs doon e marami rin naman kasing memories doon na ayaw ko munang balikan. Baka lalo akong mabaliw.

"Will you be okay here?" Tanong ni Ate habang tinitignan namin ung napili kong fully furnished unit.

Maganda naman itong one-bedroom unit. Kumpleto. Medyo mahal pero kumportable naman. Malapit sa lahat na kabihasnan dito sa Makati. Easy life. Ay more of easy living pala.

"Yes, Ate. Salamat talaga. You are my savior," sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng napakabait na Ate.

"Syempre naman sino pa ba ang magtutulungan?" Sabi niya at hinug ako.

Ang sweet nya. Natouch ako.

Pinakuha rin niya sa driver nila ung SUV at pinahatid dito sa Makati para may magamit ako. Buti na lang talaga at close kami ni Ate kaya may takbuhan ako. Kinukumbinsi rin niya sana ako noong una na sa Laguna na lang muna magstay with them pero ayaw kong maging alalahanin pa nila ako ng asawa niya. Magiging pang gulo lang ako sa tahimik na buhay nila doon.

I spent one week na walang ibang ginawa kung hindi maglibot sa Greenbelt at Glorietta. Minsan naman e umaabot ako sa Powerplant. Nagshoshopping ako at nood ng sine mag-isa. Minsan naman pumupunta ako sa mga may live band pag gabi para magchill. Finally nafeel ko na masyado ko na naenjoy ang single at bum life ko. Though syempre deep inside marami pa rin akong issues na tinatakasan lamang.

I started looking for a job sa Makati. I dressed smart and nagwalkin ako sa mga buildings sa Makati at nagsubmit ng resume. Though I could do it onlineI chose na ganito. Wala rin naman kasi akong ibang gagawin. Nakakaburyong mag-isa sa condo. Hindi ko pa kinikita ung mga dati kong kaibigan. Hindi pa ako ready pag nangumusta sila.

Finally after a week natanggap ako as a (ano pa nga ba?) writer. Agad naman ako nagkaroon ng bagong friends. Salamat naman. Cool din naman kasi ung mga kasamahan ko sa trabaho. So weekly we go out to unwind and chill. Minsan nga twice or thrice a week pa. Kaya enjoy na ako sa new life ko!

---

Kung kailan naman kakasabi ko lang sa sarili ko na naeenjoy ko na rin ang bagong buhay ko sa Makati e biglang may panira na naman. Feeling ko nga minsan e parang sinumpa naman ako. Pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Ang lupit! Isang gabi kasi habang kumakain ako ng takeout food ko at nanonood ng TV may short portion dun sa entertainment news na nagpakita ng wedding ng photographer na si Jigs sa model Rina. Wala na atang ibang makuhang scoop itong channel na ito kaya kahit hindi naman sikat na sikat si Jigs at lalo na si Rina e nafeature pa.

Halos ibato ko ung remote control sa TV. Kahit na inaasahan ko naman un iba pa rin talaga pag totohanan na pala. Iba pa rin pala talaga pag nakita mong nangyayari o nangyari na. Hindi ko na natuloy kainin ung food ko. Parang nasusuka ako na ewan. Hindi na naman ako makakilos. Kumikirot ang puso ko. Gusto kong sumigaw! The universe is so cruel!

Kahit kailan talaga walang paninindigan itong si Jigs. Look, may nalalaman pa siyang proposal sa akin nung sinundan niya ako sa US nun tapos may nangyari pa sa amin doon at may nalalaman pa na siya lang daw dapat ang aangkin sa akin ng buong-buo pero ngayon kinasal na siya kay Rina. Nagpaangkin na siya ng tuluyan sa Rina na un. Funny diba? He proposed to me only to get married to another girl.

Wait lang... diba ito naman ang sa tingin kong tama? Diba doon ko naman siya pinagtutulakan? And hello, paninindigan kaya ito. Finally, pinapanindigan na niya ang magiging nanay ng anak niya. Nawa'y magkaroon sila ng isang dosenang mga anak. Hmpf!

Do I sound bitter? I just did not realize na may kakayanan pa pala siyang masaktan pa rin ako nang paulit-ulit kahit na magpakalayo man ako. Indeed I can escape the person that is the cause of all my hurt pero never kong matatakasan ung sakit na dulot nung taong un. Niloloko ko lang talaga ang sarili ko. I wish walang ganitong complications. Tsk. I hope pag gising ko bukas o sa makalawa wala na akong nararamdaman.

Buti na lang at weekend so okay lang na nagkulong ako sa bahay at medyo nagmukmok. Probably si Jigs at Rina nasa honeymoon ngayon kahit na malapit na siyang manganak. Tapos eto ako iiyak-iyak. Nag-eemote at hinahayaang walang kapagurang masaktan ang puso. Pangako bukas hindi na ako ganito! Gagawin ko ang lahat para bukas hindi na ako ganito.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon