25

65 2 0
                                    

Talagang binabantayan ako ni Drew. Nakaalis na ung mga kasamahan namin. Ako nagpepretend pang may tinatapos. Siya naman hinarap ung upuan niya sa desk ko para siguro wala akong takas. Syempre nacoconscious naman ako sa panonood niya sa akin.

"Huy! Doon ka nga humarap," sabi ko at tinuturo ko ung sa may computer niya.

Tumawa lang siya at patuloy pa rin akong tinitignan. Maya-maya pa nagligpit na ako. Bukod sa wala naman talaga akong tatapusin e hindi ako makaconcentrate sa pagpretend dahil pinapanood niya talaga ako. Seryoso pala siya na okay lang siyang mabulok.

"Tara na nga!" Aya ko sa kanya tapos kong magligpit.

"O akala ko ba gagabihin ka sa tinatapos mo? Naexcite ka sa date natin?" Pang-aasar niya.

"E kasi ayaw kong may nanonood sa akin pag may ginagawa ako. Maaga na lang ako bukas. Anong date ka dyan?" Sabi ko habang pasakay na kami ng elevator.

Tumawa na naman siya. Naisip niya siguro wagi siya.

"This way, Ma'am," sabi niya habang nililead ako sa parking at pinagbuksan pa niya ako ng itim na Strada niya.

"Bakit sa BGC mo pa gustong pumunta?" Tanong ko out of curiosity lang naman.

Binuksan niya ung radio bago ako sinagot, "Para maiba naman."

Kumakanta-kanta pa siya kasabay nung pinapatugtog. Maganda naman ang boses niya.

Finally nakarating na kami at nakapili ng restaurant. Nag-order kami ng steak at salad.

"You want some wine?" Tanong niya sa akin.

"No," sabi ko. Parang ang romantic naman kasi kung magwine pa kami.

"Okay, if ayaw mo," sabi niya then inabot na sa waiter ung menu.

"So, what's your hate story?" Tanong niya na nakatitig sa akin.

"Serious ka pala na gusto mong malaman," sabi ko na tumatawa.

"Syempre. I better prove you wrong. Lalaki ako at ayaw kong mapasama sa paningin mo," sagot naman niya.

"Hmm... ganito kasi yan. But I'm warning you. Too long ung story na ito," sabi ko bago ko tinuloy.

"Oo nga. Kahit hanggang bukas pa yan makikinig ako," sabi niya at ngumiti na naman.

"Well, before going to the US may something ako dito sa Pilipinas. Something? Someone? Whatever?! Kasama ko siya before sa work sa Quezon City. Writer din ako dun then photographer naman siya. I guess our start wasn't good. Kilala siya na babaero and mayabang. Then one time may party ung office sa bar then I got drunk. He took care of me. Hinatid niya ako sa bahay," sabi ko.

Nagstop ako to drink some water. Nanunuyo na ung lalamunan ko sa kakasalita. Timing naman dumating na ung order namin.

"You want to eat first before mo ituloy yan?" Tanong ni Drew.

Napakaexpressive ng eyes niya. Parang puno ng concern ngayon.

"Okay, I can eat and talk alternately," sabi ko then sumubo muna ako ng salad.

Tumango naman siya at sinimulan na rin ang pagkain niya.

"In short, we spent too much time together pero walang label ung relationship namin. We hold hands, we kiss... shucks! Why am I telling you lahat ng ito? Ung mga friends ko nga dati hindi alam 'to. Baka mag-iba na tingin mo sakin niyan?" Bigla kong sinabi dahil narealize ko na too much info na ata ang sinisiwalat ko.

Pero sa totoo lang magaan loob ko sa kanya e. Parang I can tell him everything talaga.

"Crazy. Isa lang naman ang tingin ko sa'yo. Hindi na magbabago un," sabi niya.

"Ano?" Tanong ko habang sumusubo ng steak.

Muntik pa akong mabilaukan sa sinabi niya, "I like you, Macey."

"Mas gumaganda ka pa pag namumula ka," dagdag niya na tumatawa.

"Ah ewan ko sa'yo. Hindi ko na nga itutuloy ung kwento," sabi ko at kumain na.

"Madaya," sabi niya at tumawa.

"Inaasar mo kasi ako e," sabi ko at nagpout.

"Game na tuloy mo na," sabi niya.

"Hmph. Basta un. Magulo. He tells me that he likes me. Even loves me pero hindi pa daw niya kayang ibigay ung commitment dahil kakagaling lang niya sa masakit na breakup. Kahit walang label always siya nagseselos pag may ibang lumalapit sa akin. Then lahat ginagawa niya to make sure na okay ako at wala akong iba. So parang kami naman talaga wala lang label. Walang monthsary etc. Then may nangyari. Nakabuntis siya ng model na patay na patay sa kanya. Gusto niya kami pa rin pero ayaw ko. Bahala siya. Hindi niya ako kayang panindigan noon na maging girlfriend tapos kung kelan nakadisgrasya siya doon niya gugustuhin na magkalabel ung relationship namin. Lumayo ako pumunta ako sa US sa magulang ko at mga kapatid na andoon. Sinundan niya ako. Kaya eto ako ngayon naghanap ng bagong buhay sa Makati."

"Uhm... Jigs ba ung name ng photographer na yan?" Tanong ni Drew.

Nagulat ako. "Heck! You know him?"

"Not really. Nakita ko lang sa news minsan na kinasal sila nung model na Rina at buntis nga. So I assumed lang," sagot niya nakatitig sa akin.

Tumango ako.

"Well, naririnig ko din dati sa mga photographers na nakakasalamuha niya na napilitan nga lang daw siya magpakasal dun sa nabuntis niyang model dahil maimpluwensya ung family," dagdag niya pa.

"But is that possible Drew? Na mahal niya ako pero hindi niya kaya magcommit tapos biglang ayan may asawa na siya," tanong ko.

Wow! Even soliciting his point of view. Ang gaan talaga ng loob ko dito.

"Well, siguro hindi naman niya talaga sinasadya ung makabuntis siya sabi mo nga patay na patay ung babae kaya baka nung nagkaroon ng pagkakataon e nangyari na un. Hwag mo na lang ako tanungin tungkol dun. Biased ako. Syempre gusto ko siyang siraan para makalimutan mo na siya ng tuluyan," sabi niyang nakangiti.

"Tutulungan kitang makalimutan siya," dagdag pa niya.

Bumilis bigla ung tibok ng puso ko.

After dinner hinatid na ako ni Drew. Hindi ko na siya pinababa ng sasakyan. Gusto niya pa sana akong ihatid sa unit ko.

"Thanks, Drew. Okay na ako dito," sabi ko at binuksan na ung pinto ng sasakyan niya.

"Thanks, Macey, for opening up and spending time with me," sabi niya.

Tumango ako bago ko sinara ung pinto. Lumakad na ako papasok sa building.

Gumaan naman ang pakiramdam ko. Iba rin talaga pag nailalabas mo ung mga saloobin mo. Nararamdaman ko ung irregular heartbeat ko. Hindi ko alam kung ung nagpapabilis ba nito e ung memories ni Jigs o ung mga ngiti at titig ni Drew.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon