35

54 2 0
                                    

Pinagdespedida sa office si Drew. Simpleng lunch lang dahil kulang na rin sa oras. May mga kailangan pa siyang asikasuhin at kailangan pa rin niyang mag-impake.

Napakalungkot talaga ng araw na ito. Feeling ko dinukot ung puso ko mula sa dibdib ko. Umalis na si Drew patungong Singapore. Ako pa ang naghatid sa kanya sa airport. Tintatry kong magpakatatag. Pinipigilan kong umiyak pero hindi ko nacontain. Niyakap niya ako ng mahigpit at nangakong babalikan niya ako agad bago siya tuluyang umalis. Nakakatakot ang mga pangako. Tinitignan ko na lang ung engagement ring namin. Eto lang ang pinanghahawakan ko ngayon. Okay, I believe him. Un dapat un e. Believe in him.

Lahat na lang ng taong mahal ko malayo sa akin. Mga magulang ko, mga kapatid ko, at ngayon ang husband to be ko... lahat sa Skype ko na lang makakausap.

"Honey!" Sigaw niya pagsagot ko sa video call niya sa Skype.

"Kumusta ka dyan?" Tanong ko.

Pero nakikita ko naman na mukha siyang okay. Gwapo pa rin. Samantalang ako halatang halata ang lungkot. It's not fair. Siguro mas masakit talaga ung ikaw ang iniwan kaysa sa ikaw ang umalis.

"Ayos lang ako, honey. Bakit ang lungkot mo pa rin?" Tanong niya na mukhang worried na sa akin.

"Syempre namimiss kita, honey," sabi ko at nagpout.

Namula ang pisngi niya. "E miss na miss na miss na din kita. Those lips... gusto kong halikan!" Sabi niya.

Ako naman ang namula.

---

Noong unang linggo niya doon gabi-gabi kaming nag-uusap. Lagi niyang pinapaalala sa akin na mahal na mahal niya ako at sobrang namimiss niya ako. After nun medyo naging busy na siya kaya nagmemessage na lang siya minsan. Tapos nung third week napansin kong kahit message wala na. Ano ba ang nangyari sa taong un? Dumating na ba ang kinakatakutan ko?

Nagsend ako ng message sa kanya.

Me: Honey ko, it's been three days of no communication. You are making me nervous.

I waited for five minutes. Walang reply. Ten minutes. Wala pa rin. Fifteen. Atat ba ako o hindi na talaga ito makatarungan? I gave up. Nag log out na ako.

Eto na naman ako balik sa dati kong gawain. I cried myself to sleep. Call me a worrier pero hindi talaga ako makampante.

When I woke up I checked my Skype. Wala pa ring reply. This is insane! Dapat hanggang next week lang siya sa Singapore pero hindi siya nakikipagcommunicate sa akin ngayon. What is he up to?

Maaga akong pumasok sa office. I kept myself busy. Then after work nag-aya akong magchill. May mga officemates naman akong pwede so we went sa isang bar.

Uminom ako. Martini. Tequila. Beer. Sige kahit ano ang iabot sa akin tinutungga ko. I got drunk. I don't even know how I got home. Nagising ako with a terrible hangover. May messages sa cellphone ko.

Marie: Macey, in case you are wondering ako naghatid sayo sa condo. Hope you are okay.

Unknown Number: Honey, sorry.

At may iba pang messages.

Nagreply ako kay Marie para magthank you. Kinabahan ako dun sa unknown number. Honey? Sorry? Meaning si Drew un. Pero bakit siya nagsosorry?

Dali-dali kong kinuha ung iPad ko at binuksan ung Skype. May mga messages na pala doon si Drew.

Honey: Who are you? This is Drew's girlfriend. Why are you calling him honey?

Ano daw? Then may iba pang messages.

Honey: Honey, sorry. Pinakialaman kasi niya ung laptop ko.

Honey: Honey?

Honey: Offline ka pa rin honey ko???

Sino ang nakialam sa laptop niya? Bakit sila magkasama? Shit naulit na naman ung eksenang si Rina pinakialaman ang cellphone ni Jigs. Ngayon naman itong mystery girl ang laptop ni Drew. Bakit ba ang malas ko sa love life?

Nadaig na ngayon ng sakit ng puso ko ung hangover na iniinda ko kanina. Kahit isang drum ata ng beer ang inumin ko ngayon hindi mababawasan ung sakit ng puso ko.

As if by impulse tinawagan ko si Kuya Nate.

"Good morning, Macey," bati niya pag sagot niya sa cellphone niya.

"Kuya Nate, pasensya na sa abala. Sino kasi ang kasama ni Drew sa Singapore?" Diretsuhan kong tinanong.

"Ah... kasi sa business un e. Hindi ba niya nabanggit?"

"Kuya ang sabi lang niya ikaw dapat ung pupunta pero hindi ka pwede kaya siya na lang then siya na rin magtakeover nun pag balik niya."

"Macey, ung business kasi na un ah... naku.. ayaw naman kitang mag-alala. Sige sasabihin ko na. Sa kanila kasi un nung ex-girlfriend niya. Nakiusap siya sa akin na ako ung pumunta pero ayaw kasi nung ex niya makipagsettle dun sa business kung hindi siya ang pupunta. I'm sorry."

"Okay, Kuya. Salamat," sabi ko tapos inend ko na ung call.

Kasi eto na naman ang mga mata ko. Ayaw tumigil sa pag iyak. Laging automatic ang pag buhos ng luha. Walanghiyang babae! Hindi fair. May ganun pang nalalaman. Nakakainis! Si Drew naman kasi bakit hindi pa agad sinabi sa akin e di sana nung sinabi niyang sumama ako sumama talaga ako?! What to do?

Could have been another ordinary day for me. Pero I chose to complicate it. Inopen ko ang Skype ko. Syempre maraming messages ni honey ngayon ang nag-aantay na mabasa ko.

Honey: Please talk to me.

Honey: Please let me explain.

Honey: Sorry if I complicated things. If I kept mum about this business.

Honey: Nagkausap daw kayo ni Kuya. Please let me explain.

Honey: Ito ung kinakatakutan ko kaya hindi ko masabi sa'yo noon ung full details nung business trip na ito. Honey please.

Honey: Inaamin ko ginagamit niya ung business namin para balikan ko siya pero honey naman. Ikakasal na tayo.

Me: Wala ka palang pinagkaiba kay Jigs. Pinapangunahan ako, ang damdamin ko at worse e iiwan mo lang rin pala ako para sa ibang babae. Well, go on. Magbalikan kayo para maayos niyo ang business na yan. I don't give a damn! You can both go to hell!

Video Calling Honey...

Nagsign off ako. Bahala sila. Magsama silang mga marurupok na lalaki at malalanding babae.

That's it! I am officially single. Hinubad ko na ung stupid engagement ring na galing kay Drew. Ilang engagement ring pa kaya ang matatanggap at maiwawala ko? Ano ba ang mali sa akin? Bakit ganito?

I give up! Ironically, sa dami na nang nasulat kong articles and poems about love, love is not for me!

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon