1

163 4 1
                                    

Hindi naman sa tibo ako pero wala lang talaga akong kahilig-hilig masyado sa lalaki. Hindi gaya ng ibang babae dyan na pag may nakitang gwapong lalaki e hindi na magkandaugaga at nagkakandarapang gumawa ng eksena para mapansin lang.

Naexperience ko rin namang makipag date date nung college ako. Pero siguro dahil napapansin ng mga nakakadate ko na walang patutunguhan at sayang lang ang oras at pera nila sa akin e hindi na humihigit sa dalawang beses ang labas namin.

Maganda naman ako pero baka they find me boring. Wala kasi akong time makinig sa mga rants or pagbibida nila kaya puro nod lang ako at half smile pag ganun na ang sitwasyon.

Minsan nga may naasar sa akin, si Aaron ata un, tinanong pa ako kung pipi daw ba ako. Hahaha... nakakatawa. E sana bumili na lang siya ng robot at pinrogram na isagot sa kanya na pinakamagaling siya, pinakagwapo, at siya na lahat ang superlative sa buong mundo!

E kung tinatry na lang sana nila akong kilalanin talaga diba? Hindi ung gusto nila marinig lang nila mula sa akin ung gusto nilang marinig. Hindi ako pinalaking bolera. Hay!

Ang dami ko nang naidaldal. Oo nga pala, my name is Macey Palanca. Writer ako sa isang napakasikat na magazine.

I write about love. Ironic noh? Kala mo kung sinong expert ang hindi nila alam e puro imagination at observation ko lang mga sinusulat ko. But it works. Lucky me.

Sabagay marami rin naman talaga akong experience (or stock knowledge) sa love na yan. Ako kaya ang takbuhan ng mga kaibigan kong luhaan tapos mabroken hearted... tapos magpakatanga at nauwi sa wala ang lahat ng pagdudusa nila.

Hay... Kaya alam na alam ko ang mga sitwasyon ng mga loveydovey na yan. Pati na mga style na bulok ng mga lalaki kabisado ko na rin kaya walang lusot mga yan sa akin pag dating ng panahon na magkalalaki ako sa buhay.

Eto na naman ako. Kinakausap ko ang sarili ko sa tapat ng life-size mirror ko. Ako lang kasi mag-isa sa bahay. Ang mga magulang ko, isang ate, at isang kuya ay nasa America. Mga two years na sila doon. Pinapasunod nila ako pero mas gusto ko mamuhay muna mag-isa dito sa Pilipinas. Makabayan! UP graduate kaya ako. Ung ate ko namang isa e nasa Laguna may asawa at anak na. Kaya eto ako mag-isa sa bahay namin sa Quezon City.

Tinititigan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Naka little black dress ako at medyo nakamakeup. May party kasi kami ng mga officemates ko sa isang bar sa Eastwood. Siyempre kahit papaano e kailangan ko naman pumorma. Ung mga kasamahan ko e palaging mga nakadress to kill un e. Ayoko naman mapagiwanan.

Lumabas na ako ng bahay. Dinala ko na lang ang black Vios ko. Hindi ko naman balak maglasing kaya pwede pa kong magdrive mamaya para hindi ko na problema ang pag-uwi.

Pumasok na ako sa bar. Ang daming tao pero parang wala pa kong nakikitang kakilala. Pumunta ako dun sa reserved area. Mukhang un ang para sa company namin.

Bumungad naman agad sa akin si Jigs Anarcon, ang isa sa pinakamagaling naming photographer. Aba at nakangiti pa siya. Nagsmile back na lang rin ako kahit pilit lang.

May reputasyon kasi itong isang to. Super yabang at babaero pa! Ung tipong may makikilala lang siya sa bar e kayang kaya na niyang iuwi maya-maya. Ayoko ngang madikit sa kanya. Tsk...

Hala! Tumayo siya at palapit na sa akin. Mukhang wala na akong choice. Mahirap naman maging bastos.

"Hello Macey," sabi niya.

Aba at kilala pala ako ng isang to kahit na marami siyang babae. Sabay nilead niya ako sa table kung nasaan siya kanina. Well, since siya palang naman ang kilala ko e sumama na ako.

"Nagdinner ka ba?" Tanong niya sabay lagok sa San Mig Pale Pilsen niya.

Tumango ako. Alam ko kasing inuman talaga ito kaya bago ako nagbihis kanina e nagquick dinner na muna ako.

"Good," sabi niya sabay abot sa akin ng San Mig Light galing sa kakadaan na waiter.

Ang galing din nito e no paano niya ako napag order ng hindi ko napansin? Mabilis kaya pala mabilis rin nakakahit sa babae.

"Thanks," sabi ko at pinunasan ko ang bibig ng bote.

"Ayaw mo ng glass with ice?" Tanong niya na parang nagtataka.

Siguro e mga pademure lahat ang nakakadate nito. Or high maintenance? Nako! Gwapo kasi.

Umiling ako.

"Cool!" Sabi niya.

"E kasi nawawala ang tunay na lasa ng beer," sabi ko sabay ngiti.

Tumango siya at nakangiti pa rin. Parang cute naman pala siya pag nakangiti.

Ayan na... parang tinurn on ko ata ang switch ng kayabangan niya.

Nagsimula na siya magkwento ng mga karanasan niya sa pag-inom. Kung nakakailan syang bucket mag-isa niya. Nakakainis sana namatay na lang siya sa kalasingan nung mga panahon na iyon kesa ako ung nahihirapan ngayon sa pakikinig. Kasi naman kahit na ang lakas ng music e dinig ko pa rin mga pagbibida niya dahil halos makain na niya ang tenga ko sa lapit ng bibig niya. Nakakadiri. Hindi ko naman siya matulak palayo.

Oh my! Thank goodness talaga. Eto na at nagsidatingan na mga kasamahan namin. Nagpaalam muna ako sa kanya at pumunta sa best friend kong si Karla.

Ayun umupo kami ng mga girls at nagsimula nang magsipag girl talk. Sa totoo lang minsan feeling ko anti-social ako. Dahil may mga panahong gaya nito na hindi ko naeenjoy. Weird ba?

"Ang hot talaga ni Jigs," dinig kong sinabi ni Rina sa kabilang table.

Isa si Rina sa mga regular models namin. Sexy siya pero walang mukha. Hipon. Sama ko ba? Kasi naman kung makareact sa hitsura ng mga lalaki e akala mo may ibubuga. Sabagay balita ko e laging willingly niya namang binibigay ang magandang hubog ng katawan niya sa mga nanghihingi.

Tumingin tingin ako sa paligid. Nahuli kong nakatitig si Jigs sa akin. Ngumiti siya. Laglag panty naman kasi pala talagang ngumiti un. Tinaas ko na lang ang kilay ko to acknowledge his smile.

Nasa pangatlong bote na ko ng beer. Then nagpaserve sila ng tequila. Nakaapat na kaming shot nun. Lumalalim na ang gabi. Sumasayaw sayaw kami dahil talaga naming nakakaindak ang mga tugtugin. Lumapit si Jigs sa akin at nararamdaman kong sinasayawan niya ako sa likod ko.

"Ang ganda mo pala," binulong niya.

Ginanahan ata ako lalo sa pagsayaw sa sinabi niya. Gumiling giling pa ako. Ngumiti din ako sa kanya. May nag abot na naman ng shot ng tequila. Tinungga namin ng sabay ni Jigs ung amin at nagtawanan pa kami. Hindi na kami nag-lemon. Nagsayaw na lang kami ulit.

Aba... ganito ba niyang nakukuha ang mga babae niya? Umiling ako. Hindi ako bibigay. Mag-eenjoy lang ako.

Ayan sumisingit na si Rina. Sinasayawan si Jigs. Ngumingiti lang si Jigs pero bahagya niyang hinahawi si Rina para makalapit ulit siya sa akin.

"Jigs, upo muna ako. Pagod na rin ako," Sabi ko.

Iniwan ko siyang nagtataka at sinasayawan ni Rina. Pero pagod naman na talaga ako at parang tinatamaan na ata ako. Nakarami na rin ako. Kailangan ko magpawala ng tama. Magdadrive pa man din ako.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon