14

74 2 0
                                    

Umupo ako sa sofa at pinupunasan ko ung mga luha ko na ayaw naman tumigil sa pagbuhos. Si Jigs naman dumiretso sa kusina. Gutom kaya ung isang un? How caring diba? Ako nagmumukmok dito tapos siya ano? Wala lang?

Nagulat na lang ako nung binalikan niya ako tapos pinainom ng tubig. May dala rin siyang basang towel at pinunasan ang mukha ko. Sweet na naman? Ano papahulog na naman ako? Nagging cycyle na ata namin ang ganito. Okay, away, pasweet, okay na naman.

Ayaw pa rin tumigil ng mga luha ko at paghikbi. Hindi ko na kasi mapigilan. Gulong gulo kasi ako. Ang tagal kong tinatago ung pakiramdam kong un. Ung uncertainty kaya naman nung nagkaron na ng chance e buhos na!

Niyakap ako ni Jigs. Tinutulak ko siya pero hinihigpitan niya pa lalo ung yakap niya hanggang sa nawalan na ako ng lakas na pumiglas pa. Naramdaman ko tumutulo na rin ung mga luha niya at naririnig ko na humihikbi na rin siya. Ganun lang kami. Magkayakap na umiiyak. Walang nagsasalita. Parang mga baliw no? Pero sa totoo lang parang narelieve ako sa yakap niya. Ganun ata talaga ung cause ng kaguluhan sa damdamin mo ay siya lang rin ang solusyon para kumalma ito.

Pumikit ako. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa mga bisig niya. Dala na rin siguro ng sobrang pagod na ang mga mata ko sa kakaiyak. Nararamdaman ko naman na he truly cares for me sa way na inaalagaan niya ako. Pero hindi naman ako sigurado kung ung care na un e madadala kami hanggang sa huli.

Nagising ako na nakasikat na ung araw. Nakahiga na ako sa kama ko. Binuhat siguro ako ng isang to kagabi dahil ang huling naaalala ko e ung magkayakap kaming umiiyak sa sofa.

Nung bumaling ako sa kama nakita ko siya na nakaupo lang sa tabi ko at pinapanood akong matulog. Mugto rin ang mga mata niya.

Hindi ako nagsalita. Hindi rin siya nagsalita. Tumalikod ako at tinakpan ko ng unan ung ulo ko.

Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko at niyakap niya ako sa likuran. Naramdaman ko rin ung tibok ng puso niya. Ang bilis. Ang lakas. Parehas kami na parang magkakarera ang mga puso. Mainit ung hininga niya sa batok ko. Dahilan kung bakit nagtindigan ang mga balahibo ko. Naramdaman ata niya un. Medyo nilayo niya ung ulo niya.

"Mahal ko, pwede na ba tayong mag-usap?" Tanong niya.

Hinarap ko siya.

"Wala naman na akong ibang sasabihin. Un na un," sabi ko na medyo paos pa ang boses ko dahil sa kakasigaw nung nag-away kami.

"Nakikipagbreak ka na sa akin?" Tanong niya.

"Sira ka pala e! Hindi naman naging tayo e," sabi ko na medyo irita na at tinalikuran ko na siya ulit.

Hinila niya ulit ako paharap sa kanya. Parang galit na malungkot ang mga mata nyang mapula-pula pa.

"Ilang beses ko na sinabi na mahal kita pero ayaw mo naman kasing maniwala," paninisi niya.

"So ako pa ngayon ang may kasalanan?" Tanong ko.

"I did not say that. Naiintindihan naman kita. Syempre ikaw ung babae natural lang na maisip mo na kung mauwi sa wala ito ikaw ung talo. Pero gusto ko malaman mo na totoo naman na mahal kita. I love you. I am not perfect but I want to love you perfectly. Hindi ko palang kaya. I told you masyado akong nasaktan sa past relationship ko. Hindi pa ako buo."

"You are so damn selfish. Gusto mo nakareserve ako para sa'yo. Paano kung hindi na dumating ung sinasabi mong time na mabubuo ka? Or paano kung mabuo ka na pero pag dumating ung time na un hindi na ako ung gusto mo? Tell me, paano? However we look at it wala pa ring kahihinatnan ang lahat ng ito," sagot ko sa kanya.

"So will you be my girlfriend? Will you accept me and make my heart whole again?" Biglang tanong niya na nakatitig sa mga mata ko.

Ay... hindi naman ako handa. Teka lang, please Macey hwag ka munang magpakatanga. Kotang kota ka na. Konting kahihiyan naman para sa sarili mo. Un ba ang solusyon biglang gigirlfriendin ka na nya, Macey naman. Isip-isip din. Para akong baliw na nagtatalo ang puso at isipan.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon