16

64 2 0
                                    

Panay kantsyaw nila sa office sa akin pag pasok ko. Tinakasan ko daw sila nung birthday ko. Nagpamerienda na lang ako sa office. Tapos ayun since Friday naman e inaya ko ung mga kaclose ko na magvideoke after work. Since hindi naman kasi nila type si Jigs dahil mayabang daw at playboy e hindi ko na isinama. Tinext ko na lang.

Ako: Jigs, may videoke ako with friends later.

Jigs: Paano ka uwi?

Ako: Taxi or sabay kay Karla.

Jigs: Baka kay Julius?

Ako: Ano ka ba? Kay Karla nga.

Jigs: Okay. Bakit hindi ako kasama?

Ako: Tutal naman we spent yesterday together na. Let me be with my friends naman muna.

Hindi na siya sumagot. Baka napikon or nahurt? Kaso gusto ko naman mag-enjoy with friends. Awkward kasi pag kasama siya. Hindi ko alam paanong ihandle ung friends kong ayaw sa kanya at siya. So ayun.

Nagkasayahan na nga kami ng mga friends ko. Umorder kami ng mga finger foods at beer. Nagsimula na silang magkantahan. Masaya naman ako. Pero parang may kulang. Maya-maya pa nakita kong nagbiblink ung cellphone ko.

Jigs: Nag-inom na lang ako mag-isa.

Ako: Saan?

Ayan. Hindi na naman sumagot. Naagaw ung atensyon ko sa pag-iisip nung inabot nila ung mic sa akin. Pinakanta nila ako. Sige go lang ng go kung ano man ung nakasalang. Tawa pa ako nang tawa after nung kanta. Tapos si Julius at ung isa pa naming friend na guy na si Ross ay nagduet ng Stupid Love. Ang galing! Parang gusto kong ipaulit pa.

Nakailang bote na rin ako ng beer. Medyo nararamdaman kong umiinit na ung mukha ko.

"May dadaanan tayo," sabi ni Karla sa akin tapos kong magbayad. Tumango na lang ako kahit sa totoo lang gusto ko na mauwi para tawagan si Jigs.

Sumakay na ako sa kotse ni Karla. Then nagstop kami sa isang open na lugar kung saan may banda. Naglakad kaming dalawa at napatigil sa tapat ng isang table. Nakaupo mag-isa si Jigs dun.

"Pabirthday ko na sa'yo yan. Ang kulit kasi nag-aalala daw sa'yo," sabi ni Karla at bineso ako tapos tuluyan nang umalis.

Dahan-dahan naman akong umupo sa tabi ni Jigs. Bukod sa dahli takot akong madapa e para masurprise sya. Mukhang medyo may tama na rin. Pero pag upo ko bigla naming nanukso ung babaeng vocalist nung banda. Kanina pa kasi siguro nagmumukmok si Jigs.

"Ayan tinabihan na," sabi nung vocalist bago ulit nagstart ng kanta.

Agad niyang kinuha ung kamay ko at hinalikan bago inentwine ang mga daliri namin. Siguro kanina pa un mukhang malungkot kaya napansin pati nung vocalist.

"I was worried and so jealous. Why can't I be with you when you are with your friends? Samantalang si Julius pwede," sabi niya with sad but angry eyes.

"Come on, parehas lang naman tayong ayaw ng mga kaibigan natin sa isa't isa," sabi ko sabay tumayo na.

Pagod na ako. Ayaw ko na makipagtalo. Kasi sa totoo lang ung friends din naman niya e ayaw sa akin. Kaya pag lumalabas kami palaging kaming dalawa lang. Dapat laging may sariling mundo lang kami. Kasi hinding hindi kami nagbeblend together with the others. Which is Mabuti for me. Laging date.

Sinundan niya ako. Maya-maya pa e naabutan niya ako at pinulupot na niya ung kamay niya sa bewang ko.

"I'll bring you home," sabi niya.

Ang pagkakagets ko e ihahatid na niya ako sa bahay ko. Pero literal na he brought me home. Inuwi niya ako sa bahay nila. First time kong makatungtong dito. Mag-isa pala siya ngayong weekend dahil umuwi sa probinsya ung parents niya at mga kapatid.

Dinala niya ako sa kwarto niya. Ang laki ng kama at malinis ang buong kwarto. Lalo siyang gumagwapo sa paningin ko.

"Mahal ko," tawag niya sa akin.

Lasing na ata ito. Tinignan ko lang siya.

"Jigs, rest ka na," sabi ko at medyo tinutulak ko siya papunta sa kama niya.

Nagulat na lang ako at hinila niya ako kaya bumagsak kaming dalawa sa kama niya with me on top. Tapos pinulupot na nya ung mga kamay niya sa likod ko para hindi ako makabangon. Hinalikan niya ako.

"Mahal ko, don't be afraid," sabi niya in between kisses.

Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin? Shucks! Don't be afraid may binabalak pa ata.

Nakatulog kaming magkayakap. Ang dumi na naman ng isip ko. Wala naman syang ibang binalak kung hindi halikan at yakapin lang ako.

"Good morning, mahal ko," sabi niya na nakangiti pag kagising namin.

I smiled. Grabe kung ano ung suot ko kahapon un pa rin ang suot ko ngayon. Nahihiya tuloy ako. Kasi naman dito pa ako dinala nito.

"After breakfast hatid na kita," sabi niya sabay hila sa akin para bumangon.

Ang aga naman niya pala akong papakawalan today. Nanghinayang naman ako. Akala ko buong weekend ulit kami magkasama.

"Okay," sabi ko sabay tumayo na dahil baka mahalata niya ung bakas ng panghihinayang sa mukha ko.

"E kasi may photoshoot kami mamaya," paliwanag niya.

Ayun. Kaya naman pala. Hay naku! Nakakainis. Wala naman akong magagawa. Trabaho lang. Sana nga lang walang personalan.

Pag dating ko sa bahay tinawagan ko na ung Ate ko para malibang naman ako ngayong weekend. Nagkita kami sa Makati at nag-checkin doon. Buti pinayagan siya ng asawa niya. Mag girl bonding kami.

"I missed you Ate," sabi ko sabay halik sa kanya sa pisngi pag pasok namin sa hotel room.

"Kumusta ka na, Macey?" Tanong niya habang nilalapag ung luggage niya sa malapit sa kama niya.

"I'm okay," sagot ko naman.

"Wala pang boyfriend?"

Umiling ako. Iniisip kong sabihin sa kanya pero it's complicated kasi baka mas lalo lang maging complicated.

Naglate lunch kami sa Italiani's at nanood ng sine sa Greenbelt. After nun nagpunta kami sa spa at nagpawhole body massage, foot spa at manicure and pedicure. Ang galante ng ate ko no? Sya lahat nagbayad.

"Pag free ka magbakasyon ka naman sa Laguna. Para makasama mo rin ung pamangkin mo," sabi niya.

"Yes, Ate. Kumusta na si Angela? I miss her so much," sabi ko habang iniimagine ang cute na mukha ng 4 year old niece ko.

"Ang kulit. Daldal pa rin. At ang. Hilig magtatakbo," sabi naman niya.

Napangiti ako. Sweet din ung batang si Angela. Pag sa Laguna ako natutulog sa akin sya tumatabi. Tapos nakayakap pa sa akin pag matutulog.

Nagdinner kami sa People Palace at tinuloy pa ang masayang kwentuhan. Ang tagal din kasi naming hindi nagkita. Nakakatuwa lang talaga kasi ang sarap ng food tapos ang saya ng kwentuhan naming mag-ate. After dinner nag-tea naman kami sa Starbucks. Medyo late na kaya bumalik na kami sa hotel after at natulog.

Kinaumagahan nagbreakfast lang kami sa hotel tapos umalis na rin. Babalik pa kasi siya ng Laguna ako naman uuwi na ng Quezon City.

"Bye, Ate. Thanks so much. Ingat ka sa pagdrive," sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Ikaw din, ingat," sabi niya at hinalikan din ako.

Pag dating ko sa bahay chineck ko agad ung cellphone ko. Medyo nataranta pa ako kasi naisip ko simula kagabi ko pa un hindi tinitignan. Baka lang kasi may mga message o calls akong hindi nasagot galing sa alam niyo na... mahal ko.

Grabe! Lumipas ung buong Sabado at patapos na ang umaga ng Linggo hindi pa rin ulit nagparamdam si Jigs. Ano na kaya ang nangyari dun?

Ni hindi ko nga alam kung saan nagphotoshoot. Pero sigurado ako kasama nun si Rina. Grabe! Ang sakit ng puso ko. Baka sila na? OA ba ako?

Masisisi ba ako kung ganito parati ang pakiramdam ko pag hindi kami magkasama at alam kong may iba siyang kasama kahit na ba sabihin lang niyang work un? Baka may iba pa syang hinahalikan at worse, tinatawag na mahal.

Ang sakit talaga ng puso ko. Promise!

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon