17

63 3 0
                                    

Pinilit kong maagang magising ng Monday. Umalis ako agad at dala ko ang kotse ko. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagdrive papuntang office dahil lagi na lang akong sinusundo at hinahatid ni Jigs. Pero dahil hindi naman na siya nagparamdam nung weekend naisipan kong takasan din siya ngayon kesa naman ako ung magmukhang iniwan diba? Pride?

Nasa daan na ko papuntang office nung biglang nagring ang cellphone ko. Si Jigs tumatawag. Hindi ko sinagot. Tapos nilagay ko sa silent mode ung cellphone ko. Hmpf!

Agad akong umupo sa desk ko at sinimulan kong iproofread ung pinagawang article sa akin bago ko ito ipasa sa editor namin maya-maya. Nagulat ako nung biglang may kumatok sa desk ko. Inangat ko ung tingin ko. Si Jigs medyo nanlilisik pa ung mga mata.

"Bakit ka ba naunang pumasok ngayon?" Iritable niyang tanong.

"May importante kasi akong ginagawa," sabi ko sabay tingin sa monitor ng laptop ko.

"Bakit hindi ka man lang nagtext o tumawag?" Demanding naman niyang tanong.

"Nagsalita naman ung magaling magtext at tumawag," sarcastic kong sagot.

"Ano un?" Tanong niyang nagtataka.

"Wala!" I snapped.

Tumalikod na lang din siya at umalis. Bakit ba ang manhid manhid nitong lalaking ito? Hindi ba niya gets? Hindi ba siya aware na nagkakaganito ako dahil dineadma na niya ako the rest of the weekend? Ganun ba talaga un? Or ako ang may diperensya? Di ba nga wala naman kami so bakit ako nageexpect na iuupdate niya ako sa mga nangyayari sa buhay niya or kukumustahin man lang oras-oras? Nakakainis! Ano ba itong pinasok ko? Paulit ulit na lang ung ganitong pakiramdam at iniisip.

Natapos ung araw na hindi ko na kinausap si Jigs. Hindi na rin siya ulit nag-attempt na kausapin ako. Nakakapikon!

Halata ata nila Karla at Julius na wala ako sa mood. Inaya nila akong mag-unwind. Wow! Monday na Monday e agad agad kailangan mag-unwind? Pumayag naman ako. Dinner lang naman daw.

Nakapili na sila ng restaurant at pumasok na kami. Pag sinuswerte ka nga naman. Nakaupo doon sa isang table malayo sa amin pero aninag na aninag ko ang mga mukha ay si Jigs at ang hipon na si Rina. Parang seryosong nag-uusap. Buti na lang ang nakatalikod ung dalawa at ako lang ang nakakakita.

Halos hindi ako makapili sa menu dahil distracted na distracted ako sa view. Hindi naman na nahalata nung dalawa na may something dahil feeling nga nila e stressed lang ako simula kanina.

Dumating na ung orders namin. Hindi ako makasubo dahil sa kakaisip kung ano naman kaya ung pinag-uusapang seryoso nung dalawa. Maya-maya pa e naramdaman kong tinatap ni Julius un kamay ko na nakapatong sa table at ayun na sinubuan ako ng kung ano man ung order niya. Sakto naman pag angat ko ulit ng tingin e nakatitig ng seryoso si Jigs sa amin ni Julius. I looked away. Maya-maya pa e umalis na si Jigs. Iniwan niya si Rina na mukhang yamot na yamot. Habang ang dalawang kaibigan ko ay walang kamalay-malay sa nangyari.

Sabay biglang naging okay na ung mood ko dahil sa nasaksihan. Kaya naman nakasabay na ako sa kwentuhan nung dalawa. Hindi na kami masyadong nagpagabi dahil may pasok pa kinabukasan. Kanya-kanya kaming uwi dahil pare-pareho kaming may dalang sasakyan. Hinatid pa ako ni Julius sa kotse ko.

"Bukas gusto mo sunduin na lang kita tomorrow?" Alok niya.

Umiling ako. "I can manage," sabi ko ng nakangiti.

Nagbabye na siya tapos hinalikan ako sa noo. Nagulat ako. Umalis siya nang nakangiti.

Bago ko pa naatras ung kotse ko paalis ng parking biglang may kumatok sa passenger side. Naaninag ko si Jigs. Binaba ko ung bintana and I gave him a questioning look.

"Sasakay ako. Buksan mo," utos niya.

Umiling ako. Pero mukhang hindi talaga siya aalis doon at hindi rin naman ako makakaalis. So inunlock ko na.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko at sinimulan ko nang iatras ung kotse palabas ng parking.

"May date ka pala kaya hindi ka nagpasundo sa akin this morning?!" Panunuya niya.

Silence.

"Sana sinabi mo na lang para hindi ako nagmumukhang tanga sa kakaisip kung bakit bigla mo akong iniiwasan," talak niya pa.

Silence.

"At talagang doon pa sa bwisit na Julius na un ka sumama," dagdag niya pa na mukhang gusto niya talagang tirisin ang walang kamalay-malay na si Julius.

Silence pa rin.

"Ano ba? Please stop the cold treatment! Kausapin mo man lang ako!" Sigaw niya.

Nabigla ako at napalakas ang brake ko.

"Don't shout at me. I'm driving," un lang ang sagot ko sa kanya.

Mas lalo siyang napikon at sinapak na niya ang noo niya sa inis.

"At saka may kotse ka naman kasi nakikisakay ka pa," pang-asar ko sa kanya.

"You think free ride ang purpose nito? Grabe! Mas mahihirapan pa nga ako kasi I would need to go back there to get my car after. Pero wala naman akong napapala sa usapang ito," sumbat niya.

"Your choice," mayabang kong sagot.

Namumula na siya sa galit I swear.

"Ano bang kasalanan ko sa'yo? Bakit mo ko pinapahirapan ng ganito?" Tanong niya.

"Hirap ka na niyan? Ako nga ung halos mamatay sa kakaisip nung weekend kung napano ka na dahil hindi ka nagpaparamdam e! Tapos makikita pa kitang nakikipagdate dun sa Rina na un! Of all girls!!!" Sigaw ko.

"Un lang?" Nagulat niyang tanong.

"Un lang para sa'yo pero sakin halos ikamatay ko na ang pag-aaalala," syempre medyo exaggerated ako.

"Listen, I did not text you nung weekend after mong sabihin na magkasama kayo ng Ate mo dahil ayaw ko kayong maistorbo sa bonding ninyo. Tapos ung kay Rina, please lang don't be jealous. Work lang un," sagot niya habang nakatitig na sa akin.

Pinark ko ung kotse ko somewhere na walang masyadong sasakyan at tao para doon na lang namin tapusin ung usapan.

Ang galing din talaga magpalusot nitong isang ito. Muntik pa akong makunsensya at concerned lang pala siya na maistorbo ako nung weekend. Wow! At ilang beses na rin niyang sinabing work lang un pero tuwing nakikita ko talaga silang dalawa na magkalapit or magkausap e ngitngit na ngitngit na ako. There is something kasi talaga na feeling ko e any moment magiging sila na! At naiinis ako!

"E kayo nga ni Julius ang sweet. May pasubo-subo pa ng food tapos hinalikan ka pa niya! I am so jealous! Ako lang dapat gumagawa ng mga un sa'yo. Diba akin ka lang?" sabi niya na punong puno ng emosyon.

Tahimik lang ako. Parang gusto kong magbunyi na nagseselos pala siya. Ibig sabihin may nararamdaman talaga siya para sa akin?

Naramdaman ko hinawakan niya ung kamay ko.

"Lagi na tayong nagkakatampuhan ngayon," sabi niya then pinisil niya ung kamay ko.

Alam ko nag-aantay siya ng reakson pero hindi ko un ibibigay sa kanya. Ayoko siyang tignan kasi feeling ko makukuha na naman niya ako sa mga titig niya. Baka mamaya niyan e halikan pa ako, sure win na naman siya!

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon