3

105 3 0
                                    

Buong weekend magkukulong lang ako sa bahay. Natatakot akong baka pag lumabas ako e makasalubong ko si Jigs kung saan.

Naalala ko pa mga pinag gagawa ko nung nalasing ako. Nakakahiya. Grabe pati first kiss ko nakuha at napamigay ko dahil sa kalasingan. Buti na lang kahit na kilalang mayabang at playboy un e hindi ako tuluyang pinagsamantalahan.

Ano naman kaya sasabihin ko dun pag nakita ko sa office sa Monday? Hindi ko na lang din papansinin. Kunwari walang nangyari. Hay... Syempre sigurado naman wala lang sa kanya un. Ang dami na nun nahalikan I am sure. At malamang e higit pa sa halik pinag gagawa nun sa iba.

Bumangon na ako kahit medyo hilo pa. Gutom na kasi ako. Magluluto na ako para sa brunch ko, late na rin naman. Nagluto na lang ako ng instant na crab and corn soup at nagfried chicken. Hindi na ko nagluto ng kanin. Sapat na sa akin un.

Kumuha ako ng fresh milk sa ref at uminom ng isang baso. Maganda daw un pantanggal ng hangover. Ewan ko lang.

Habang kumakain ako tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko un at nakitang ang dami ko na palang unread messages at missed calls.

Unknown Number: Gising ka na? Eat well. Panigurado gutom na gutom ka niyan. Si Jigs pala 'to.

Aba... at may patext text pa.

Ako: San mo nakuha number ko?

Jigs: Sorry ninakaw ko kagabi habang lasing ka pa.

Ako: Hmpf! Eto kakain na ko. Salamat.

Jigs: Good. Then rest well.

Hindi na ako nagreply. Baka akalain pa niya e gustong gusto ko ung nangyari. Isa ung pagkakamali at un lang un. Nagkataon lang na siya ung tumulong sa akin. Nothing more. That's it.

Nagshower ako after kong kumain. Magbabasa na lang ako dahil hindi ako makakalabas ng bahay ngayon. Lakas tama pala ang tequila. Naparami nga lang talaga siguro ako. Sabagay e hindi naman kasi talaga ako manginginom. Social drinker lang.

After kong magbasa e nanood ako saglit ng news. Syempre gusto ko naman makita ang mga nangyayari sa paligid. Sakto naman entertainment ang segment. Aba akalain mo at nafeature ang ibang mga kuhang litrato ni Jigs sa TV. Magaling talaga ung isang un. Batiin ko kaya? Feeling close naman ako nun. Hwag na lang pag nagkita na lang kami sa office. Sure naman ako babatiin siya ng mga kasamahan namin.

Teka lang bakit ba lagi ko siyang iniisip ngayon? Nakakainis naman ung ganito. Nakakainis naman ako. Ayoko sa mayabang na un. Hay naku!

Makapagsulat na nga lang. Kinuha ko ang laptop ko. Ayan nakatitig ako sa blank page. Isip isip kung anong maisusulat ko. Nagsimula na akong magtype. Maya maya pa eto na ang kinalabasan ng pagsusulat ko...

Love? Thinking of the wonders of love makes me dizzy all the time. Sometimes it comes unexpectedly. In the place you least expect to find it. n the person you never thought you'd fall for. In the situation you never thought you'd be in.

Wait lang... parang hindi ko gusto ang tema ng sinusulat ko. Eew... parang nagpapatungkol naman ito sa nangyari sa amin ni Jigs. Delete! Hindi naman sa nafall ako sa kanya. Baka lang maconnect. Kainis! Ayoko na. Lahat na lang nang naiisip ko at nagagawa e nacoconnect ko sa kanya. Argh... ayoko na talaga! Maling mali ito.

Hindi na lang muna ako nagsulat ulit. Wala pa siguro ako sa tamang kaisipan. Baka epekto pa ito ng alcohol. Grabe naman pala. Bakit kasi nagparty pa kami? Nakakatawa pala ung ganito. Para lang akong tanga. Siguro kung nakikita ako ng mga kaibigan ko ngayon na dating pinagtatawanan ko e sasabihin nila "I told you so".

Grabe ka naman Macey. It was just a meaningless kiss. Ano bang nangyayari sa akin? Ayoko na. Stop! Si yabang un.

Itutulog ko na lang ito ulit. Ano-ano kasi ang pumapasok sa utak ko. Pero ang problema, hindi rin naman ako makatulog talaga. My gulay... what happened to me? Sabay tunog ng cellphone ko.

Jigs: Will you go to mass tomorrow?

Ano naman pakulo nito?

Ako: Yes.

Un lang ang matabang kong sagot.

Jigs: Will you let me go with you?

Ah... ano ba yan? Alam ata niya na hindi ako matahimik sa kissing namin kahapon kaya talagang nananadya. Hindi ko nga nireplyan. Feeling close naman si yabang!

---

Nakatulog pala ako. Malapit na mag gabi. Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Gutom na naman ako. Gumawa na lang ako ng tuna sandwich at kumuha ng apple. Binuksan ko ang TV sa living room at doon ako kakain. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Sa news flash kasi pinakita na naman ung mga litratong kuha ni Jigs the Great. Kinakalimutan ko nga ung tao tapos ganito pa napapala ko. Funny ng life no?

Natapos din akong kumain at manood ng TV. Bumalik na ako sa room ko at umupo sa working desk ko. Magsusulat na muna ako. Parang mas okay mga naiisip kong isulat ngayon. So tinuloy tuloy ko lang. Hindi ko namalayan lumipas na pala ang isang oras.

Nag-open muna ako ng Facebook. Aba akalain mo at inadd akong friend ni Jigs. Talaga naman. Baka nasarapan na rin ito sa halik ko ah. Sige nga at iconfirm ko. Ayan, friends na kami.

Pumunta ako sa account niya para iview ang wall niya. Aba at ang daming pictures ang pinost ng hipon na nakatag si Jigs. As if naman bagay sila. Eto namang si Jigs e inaccept pa kaya nakalantad tuloy si hipon sa wall niya.

Parang hindi na ata maganda ang tono ko ah. Kasi naman nakakairita talaga ang mukha nitong si Rina. Palagay ko kahit solo picture lang niya e ayaw kong makita. Pansin ko nga sa mga magazine ung pictures nya palaging nakatagilid tagilid siya or nakatalikod. Kasi nga she has the body. Hmpf! Ayoko na nga munang magFB. Matutulog na lang ulit ako.

Nagising ako ng Sunday morning dahil may tawag nang tawag sa cellphone ko.

"Hello?"

"Naku! Sorry nagising kita." Sabi ni Jigs sa kabilang linya.

"Bakit?"

"Uhmm.. nasa labas ako ng bahay mo. Thought we could go to mass together?"

Hindi ko nga siya nireplyan kahapon diba? Lakas talaga nito.

"Hello?" Sabi niya ulit dahil hindi ako sumasagot na.

"Nakahiga pa ako e."

"Antayin kita. Okay lang?"

"E matatagalan ako."

"Pwede naman ako makinood ng TV?"

Wala na akong nasabi. Nagtoothbrush ako ng mabilis at pinagbuksan siya ng pinto.

"Good morning!" Bati niya habang pumapasok sa bahay.

Tumango lang ako.

"Gusto mo pagluto kita ng breakfast habang naliligo ka?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Ah basta!" Sabi niya at dumiretso na sa kitchen ko.

Ayos talaga itong lalaking ito. At home agad?

Umakyat na ako sa kwarto ko. Ano naman kaya ang isusuot ko nyan? Teka bakit ba ako namumroblema e hindi naman ito date. Tsk.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon