32

54 2 0
                                    

Kahit medyo may hangover pa dahil sa inuman namin sa party kagabi e bumangon na kami ni Drew. Kailangan pa kasi namin mag-grocery para sa ihahanda namin mamaya. Dali-dali akong tumayo ng kama. Naligo na ako at nagbihis. Siya rin.

"Sa labas na tayo magbreakfast, honey?" Tanong niya nung sinalubong niya ako pag labas ng kwarto ko.

"Yes," sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

Ngumiti naman siya. Nakakatuwa si Drew dahil kahit sa maliliit na gestures kong ganun e naaappreciate niya.

NagStarbucks na lang kami bago mag-grocery. Tuna pandesal and coffee and cake. Yum!

Ang daming tao sa supermarket. Mga naglalast minute shopping din. After almost two hours natapos din kami sa pamimili at nakapagbayad na.

"Honey, napagod ka na," sabi ni Drew habang tinutulak sa parking ung cart namin.

"Ikaw nga diyan, honey e," sabi ko naman at pinunasan ung pawis sa noo niya.

"I love you, honey. Kahit ano talaga gagawin ko," sabi naman niya habang nilalagay ung mga pinamili namin sa sasakyan.

Ang sweet! Syempre kinilig na naman ang puso ko.

---

Pag-uwi sa condo nagluto siya ng lunch namin. After eating nagpahinga muna kami sandali. Magkayakap kami sa kama ko. Tapos nakatulog siya. Hindi naman ako inaantok so naisipan kong magFacebook na lang.

Sa newsfeed ko may nilike si Karla na picture. Gusto kong ibato ung iPad ko pagkakita ko nun. Si Jigs ang laki ng ngiti sa tabi ni Rina na karga ung baby nila. One happy family. Wow! At kalian pa naglalike si Karla sa pamilyang un? Siguro ang galing ko talagang umarteng nakamoveon ako kaya pati mga kaibigan ko kaibigan na rin ung walanghiyang lalaking un. Ang tagal ko atang nakatitig. Hindi ko namalayan gising na pala si Drew.

"What's that, honey?" Tanong niya.

Sisilip sana siya sa tinitignan ko sa iPad.

"Ah nag-internet lang ako kasi hindi ako makatulog," sabi ko sabay takip sa iPad at nilapag ko na sa side table.

"Okay," sabi naman niya at niyakap na lang ako.

Niyakap ko rin siya. What is wrong with me? Masaya ako with Drew. That's the way it should be. Un lang dapat.

"Let's start cooking?" Sabi ni Drew nung bumangon na.

Not that I am trying to make up for my mixed emotions lately. But I really want to make-out with him. So I pulled him back to bed and I kissed him. Nagulat sya. But he obliged. He kissed me back... hungrily... passionately.

---

Ang galing palang magluto nitong si Drew. Inayos na niya ang mga ingredients na gagamitin namin sa pagluto. He was doing everything with passion. My Chef honey. Ano pa bang hahanapin ko?

Nagluto kami ng glazed ham, carbonara, fried chicken, at gumawa siya ng vegetable salad. Kaming dalawa lang naman ang kakain. Actually more on siya ung nagluluto taga tikim lang ako.

We decided na magNew Year dinner muna. Tapos umakyat kami sa rooftop ng condo. Nakatingin kami sa iilang mga fireworks na kanina pa nagsimula. Ilang minutes na lang magpapalit na ng taon.

"Happy new year! Honey, I love you," sabi ni Drew nung saktong 12am na. Bago pa ako makasagot niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan.

"I love you, honey," sabi ko naman in between kisses. Pinulupot ko ang mga kamay ko sa likod niya.

Mas lalo niya akong hinila palapit sa kanya at hinigpitan pa ang yakap at diniinan ang halik. Parang gutom na gutom siya sa mga labi ko. Kung tutuusin ilang weeks palang simula nung naging kami pero masaya naman. Parang matagal na rin. Itong si Drew kasi ay kakagaling lang sa isang breakup dun sa long term girlfriend niya. Actually one year na simula nung maghiwalay sila. Four years ung relationship nila nung babae. Bakit ko ba iniisip ito sa kalagitnaan ng maiinit naming halikan? Hmpf.

"Anong New Year's resolution mo, honey?" Bigla kong tinanong si Drew.

"Honey, wala na akong gustong baguhin sa buhay ko simula

ung dumating ka," sagot niya na nakangiti at nakatitig sa akin.

O shucks! May mas sweet pa ba doon? Niyakap ko nga at hinalikan ulit sa lips.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon