37

54 2 0
                                    

Months passed. Napagod na rin siguro finally si Drew sa pagsuyo sa akin. Balita ko e bumalik siya ng Singapore.

Pinapadala naman ako ng office ngayon sa Malaysia para sa isang seminar. Syempre hindi na ako makatanggi. By next week aalis ako for a three-day seminar sa Malaysia.

Nagshopping ako ng mga dadalhin kong damit para sa trip ko. Nakakalungkot isipin na mag-isa ko lang ako ngayong nagshoshop ako. Pero medyo nasasanay naman na ako na ako ulit mag-isa ang gumagawa ng lahat.

---

Nakarating na ako sa Malaysia. Solo ko lang ung hotel room so walang kyeme akong agad humiga sa bed ko. Medyo napagod ako dahil nagtaxi lang ako papunta sa airport kanina. Nagparoom service na lang ako for dinner.

Kumain ako then nagpahinga, nagshower then natulog na. Ang exciting ng trip na to no? Haha.

Maaga akong gumising para magprepare sa seminar. Marami daw ung attendees, mostly Asians. May mga Pinoy din malamang. Ternong powder blue suit ang suot ko at nakahigh heels ako na black. Formal kasi dapat ung attire sa seminar na ito.

I had a quick breakfast sa hotel café then proceeded sa function room para sa seminar.

I was browsing thru the materials on my desk nung biglang may nagtap sa akin sa tabi ko. I looked up. Am I hallucinating. Jigs is smiling at me.

"Hi Macey," bati niya.

"Hi. Writer ka na?" Tanong ko.

This seminar is for writers by the way.

Umiling siya.

"Then why are you here?" Tanong ko.

Harsh ba? Nagulat lang talaga ako.

"Well, I have been signing up sa mga seminars for writers. They accept naman kasi ung aspiring writers eh. Pangatlo ko na 'to this year. And finally you're here."

"Huh?"

"Yup. Namamag-asa kasi akong makakasama kita kaya panay ang sign-up ko. See, nagwork. Finally, we are beside each other now," sabi niya na ngumingiti.

"Weird," sabi ko lang.

"Macey, I really want to talk to you," sabi niyang seryoso.

Nagkibit balikat na lang ako. Buti na lang dumating na ung facilitator.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa totoo lang. Pero pinipilit ko pa rin makinig at intindihin ung sinasabi ng facilitator kahit na bukod sa bilis at lakas ng pintig ng puso ko e panay ang kalabit at bulong sa akin ni Jigs.

"Ssshhh..." lagi kong sinasaway si Jigs tuwing bumubulong siya ng kung ano-ano.

Nung patapos na ung first day ng seminar binulungan na naman ako ni Jigs, "Dinner tonight?"

Umiling ako.

Nagpout siya. "Why?"

"I'm tired," matipid kong sagot.

Then nung nagpaalam na ung facilitator dali-dali akong tumayo at umalis na patungo sa room ko.

Ung second day ay parang ung first day lang. Kinakausap ako ni Jigs bago magsimula ung seminar then the whole time pabulong bulong siya. Minsan ay may pinapasa pa palang note. Tsk. Pero syempre iniignore ko siya. Sineseryoso ko ung seminar e.

Third and last day ng seminar.

"Macey, please talk to me," sabi ni Jigs pagkaupo ko sa place ko.

"What?" Sagot ko sa kanya.

"Closure lang. Please," sabi niya tapos inabutan niya ako ng famous paper rose niya.

"Jigs, having no closure is the closure itself," bulong ko naman.

"Macey please, it has been years."

"Un na nga. It has been years so what's the point?"

"Mahal ko, please," he suddenly whispered.

Nanigas ako. How can that even still affect me? Oh my! Kailangan nga ata ng closure.

"Macey, kahit saglit lang. Usap lang tayo please," sabi na naman niya.

"Okay," I finally agreed.

"When we get back sa Philippines, let's meet. Please give me your number," sabi niya.

Umiling ako. Mahirap na baka makuha pa ng wife niya un at magkagulo. Instead I gave him a piece of paper. Nakasulat doon ung address at ung date and time kung kailan kami magkikita to talk.

"Got it?" I asked.

Nung tumango siya inagaw ko ulit ung paper at cinrumple. Mahirap na may ebidensya. Ang hirap para kaming gagawa ng krimen.

Then I just smiled at him.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon