22

65 3 0
                                    

Nagising akong sobrang hapdi ng mga mata ko marahil ay dahil nakatulog na pala ako sa pag-iyak kagabi. Hawak-hawak ko pa ung box na may engagement ring. Binato ko ito sa kama at tumayo na ako para maligo.

Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari sa akin. Nakakairita! Pero walang ibang pwedeng makaalam dito. Kung tutuusin napakadali lang naman patahanin ng puso kong nagwawala. Just say yes and run away with Jigs. The end. Happy ending pa at last.

Pero hindi matanggap ng pride ko na habang nagkukunwari siyang nababaliw sa akin noon e may tinitira siyang iba. At mas higit pa ang pag tira niya doon kaya nabuntis pa. Kawawa naman ung magiging anak niya. Although parang ang sarap sabihin dun sa babae na buti nga sa kanya! Pasalamat siya may kunsensya ako dahil kung papairalin ko lang ang pagmamaldita e kumagat na ako sa mga boladas nung si Jigs.

Sa totoo lang palagay ko ay hindi pwedeng sabihin ni Jigs na kasalanan nung babae lahat ang nangyari. Dati pa namang halatang halata na gusto siya noon pero hindi siya umiwas. Lagi niyang excuse na work lang naman un. Ayan tuloy siya ang natrabaho nito. At pwede ba namang mangyari un na isa lang ang may gusto? Syempre mutual un. Ouch!

Natapos ang araw na hindi ko namalayan. Punong puno kasi ang utak ko ng kung ano-anong palaisipan. Nagdecide na lang akong pumunta sa bar mag-isa to unwind. I need a break. I must take a break. I told Scott na I am going out with friends tonight.

I ordered for a margarita, which I finished na wala pa atang five minutes. So I ordered for another. Medyo napapaindak na rin ako sa malakas na tugtog sa bar. I drank it all. Another one. Finished bago pa matapos ang isang kanta. Medyo nagiging light headed na ako.

May humila sa akin at parang nililead akong sumayaw. I danced na rin habang lumalakad kami. As in todo dance na kahit na hindi ko alam kung sino itong kasayaw ko dahil nakatalikod pa siya sa akin habang hinihila niya ako. Nung nasa gitna na kami ng dance floor finally ay humarap siya sa akin.

Tumigil ang mundo ko. Wala na akong ibang narinig kung hindi ang malakas at mabilis na pintig ng puso ko. Napakamapaglaro ng tadhana. Si Jigs nakatitig sa mga mata ko at mas mukha pang miserable sa akin. He hugged me. Literal na hindi ako makagalaw. I am frozen.

"Let's dance," aya niya sabay ngiti.

Natuwa ata siya sa reaksyon ko. Paano niya nagagawa ang sudden shift ng mood niya? Pero sabagay kahit nakangiti na siya kita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakisayaw na rin ako. Siguro epekto na rin ng alcohol. Tinodo ko na lalo. Bumigay na ako. No holding back.

Maya-maya pa e hinila na niya ako palabas ng bar. Lasing na ako. Nakailang margarita pa kasi ako bago kami umalis. Inalalayan niya akong sumakay sa rented car niya. Nagtatawanan pa kami. Hindi ko alam saan kami patungo. Fuck! For once I will just go with the flow! Tama na ang palaging pagiging uptight and serious. Sorry Scott, my rebound guy!

Tahimik na kami all throughout ng byahe. Pati sa elevator ride walang usap-usap. Dinala niya pala ako sa hotel kung saan siya nagstay. Pag pasok namin sa room nilock niya ung pinto nang dali-dali and he hugged me tightly.

"I missed you!" Bulong niya.

Ang init ng hinihinga niya sa tenga ko. Nakakakiliti.

He kissed me. Intense. Nakakagunaw ng mundo. I hugged him back and responded to that kiss. That kiss na muling pumukaw sa damdamin ko para sa kanya. That kiss which proved how much we missed each other.

"I'm sorry," bulong niya ulit.

Tahimik pa rin ako. Marahil in denial sa nangyayari ngayon. Then he kissed me more hungrily. Nararamdaman ko ang pagcaress niya sa likod ko. Tapos hinaplos niya rin ang pisngi ko. Maya-maya pa ay unti-unti na niya akong tinutulak sa kama habang hinahalikan pa rin ng mariin. May kakaibang excitement akong naramdaman.

"I love you mahal ko," sabi niya bago sinalakay na naman niya ang labi ko ng mga halik niyang takaw na takaw sa akin.

Hinalikan niya ako sa leeg pababa.

"You are mine alone," bulong niya habang inundress na niya ako.

Totoo naman un. Kahit minsan ay hindi naman ako naangkin ni Scott. I just needed someone to be with habang tinatakasan ko ang katotohanan between me and Jigs.

"Hindi ako makakapayag na may ibang aangkin sa'yo. Akin ka lang ng buong buo," bulong niya pa habang siya naman ang nagtanggal ng mga damit nya.

Gago lang talaga diba? Mag-aasawa siya tapos ako sa kanya pa rin? Bahala na. Just for tonight. Hindi man kami makasal e maghoneymoon na kami.

Then he kissed me again. I kissed him back. I can feel ung heat ng katawan niya. Ayan na naman ung sensation... ung excitement na parang sasabog ako. Hindi ko siya pinigilan. Diba sabi ko naman hindi ako magsisisi dahil sigurado akong siya ang mahal na mahal ko kaya willing na willing ko itong ibibigay sa kanya? Tanga na kung tanga. Ngayon lang naman.

"I will be gentle," bulong niya pa at hinalikan na naman ako na halos hindi na ako makahinga.

And it happened. Not once. Not twice. Hindi ko na alam ilang ulit basta walang kapaguran namin iyong inulit-ulit hanggang mag-uumaga na pala. Humiga na siya finally sa tabi ko at niyakap ako. Huminga siya ng malalim. Pumikit pa saglit pero bakas ang kakaibang ligaya sa mukha niya.

"Let's rest mahal ko," bulong niya at hinalikan niya ako sa noo.

Nakatulog na kami na walang saplot. Magkayakap. Parang honeymooners talaga.

Nagising ako. Tinitigan ko siya habang nakangiti siyang natutulog. Masyado atang nasarapan ito ah. This is so wrong! Oo mahal namin ang isa't isa pero magkakaanak na siya. Nagpadala ako ng todo sa emosyon ko at nadagdagan pa ng pagpapalakas ng loob ng ispirito ng alak. Nanghihina ang pakiramdam ko dahil siguro masyado kaming naging maaksyon. Pero dahan-dahan na akong bumangon Pinulot ko ang mga damit ko at pumasok sa bathroom para magbihis.

Buti na lang at tulog na tulog pa rin siya. Hindi kami pwedeng magkita after nung nangyari sa amin. Baka saan pa mapunta ung usapan namin. Nakapagdesisyon na ako. Hindi kami pwede.

Umalis na ako. Kailangan kong magtago dahil alam na niya kung saan kami nakatira baka sundan niya ako. I went home first.

"Mom, may biglaan akong conference na kailangan attendan sa Japan," sabi ko habang nagmamadali akong mag-impake.

Nung nasa cab ako kanina nagbook na ako ng flight. Ang totoo uuwi ako sa Pilipinas. Swerte naman ako at meron ako agad nakuha. Magstay na lang ako sa airport habang aantayin ung flight ko. Buti na lang marami na akong ipong pera at kaya ko sustentuhan ang mga pinag gagagawa ko sa buhay ko. Ang palagi kong pagtakbo sa katotohanan.

"Napakabiglaan naman ng alis mo," malungkot na sabi ni Kuya Matteo habang pinagdadrive niya ako papuntang airport.

"Oo nga e. Mamimiss ko kayo," sabi ko.

E ganito talaga ako e. Ms. Runaway. Laging tumatakas sa mga bagay-bagay. Takot harapin ang problema. Iwas kung iwas.

Hindi ko mapigilang umiyak habang nakasakay ako sa eroplano. Ang totoo ramdam ko pa rin si Jigs. I am so sore parang andun pa rin siya. Pero ang pinakamasakit e ung puso ko. Inabuso ko na naman kasi. Alam ko nang nasasaktan e hinayaan ko pang malulong para lang tumakbo palayo ulit.

Kaya ayan nadurog naman ngayon ang dati ko nang pira-pirasong puso. Kasi naman imbis na nakapag-usap kami para magkaclosure e lalo pa naming pinatindi ung complication. Kaya ngayon hindi na kami pwedeng magkita muli; moreso mag-usap.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon