36

54 2 0
                                    

Panay pa rin ang message at tawag sa akin ni Drew pero hindi ko pinapansin. Kasi naman diba bakit kailangan niyang isikreto sa akin na business partner niya pala ung haliparot niyang ex? Lagi na lang bang ganun ang dahilan ng mga lalaki? Takot sa rejection? Takot siyang mareject ko pag nalaman kong ang business trip niya e pagtrabaho sa ex niya? Nice!

At ang nakakatawa pinapadala ako ng office sa Singapore next week for a seminar. Well, syempre I declined. Sabi ko next time. Baka naman kasi magkita-kita pa kami doon at mabuo ang love triangle.

"Macey, how is Drew?" Tanong nung isang officemate ko.

"Still in his business trip," sagot ko naman na malamya.

So palaging ganun lang tuwing may mangungumusta sa kanya. Sorry guys wala na ang Brad Pitt-Angelina Jolie office love team ninyo.

Iniisip ko kung magreresign ba ako ngayon at pumunta na naman sa ibang lugar. Pero naisip ko lagi na lang ba akong tatakbo pag may ganito sa buhay ko? Siguro it's about time na rin na talagang harapin ko ang mga bagay-bagay. Aja!

Pag dumating si Drew kakausapin ko siya. Alangan namang dalawang closure ang ipagkait ko sa sarili ko diba? Walang closure kay Jigs... walang closure kay Drew... baka naman mabaliw na ako ng tuluyan nun.

Fifth week na ngayon since nung umalis si Drew pero until now hindi pa daw siya bumabalik ng Pilipinas. Nasarapan na ata dun ah. Kalma lang, Macey.

Pilit kong inaayos ang sarili ko bawat araw. Iniiwasan ko na ang pag-iyak. Dapat lagi lang akong matatag. Ako ang pumili nito. Sinabi naman niyang babalikan niya ako pero dahil dun sa sinikreto niya sa akin e pinili kong wag na siyang pansinin. Tanga na talaga ata ako?

Isang buwan na naman pala ang nakalipas. Stronger na ako. I no longer cry myself to sleep. Nagulantang ang thoughts ko nung biglang may nagdoorbell. Sino naman kaya un ang aga-aga?

Inopen ko ung door ng medyo irritable. Nagulat ako. Si Drew ang nasa tapat ng pintuan ko.

"Yes?" Un lang ang nasambit ko.

"We need to talk," sabi niya.

"Okay, come in," sagot ko naman.

"Macey, bakit? Why did you give up on me ng ganun ganung lang?"

"Are you serious, Drew? Ganun ganun lang? E halos gumuho ung mundo ko. Alam mong hindi ko kaya na wala ka noon dahil sinanay mo ako na sa bawat araw at sa bawat ginagawa ko kasama ka. Tapos biglang babaguhin mo ung buhay ko dahil kailangan mong umalis para sa isang business na ipupursue mo. And worse sa iba ko pa malalaman na ung ex mo ang kasama mo sa business na un. Why did you not tell me everything? Pakiramdam ko nun iniwan na naman ako. Pinagpalit na naman ako. And worse you did not trust me. You betrayed me."

"Tanga ako. I was afraid na hindi mo ako paniniwalaan pag nalaman mong ex ko ung business partner ko."

"That's bullshit, Drew! Ganun ba ako kashallow sa paningin mo?"

"It's not that. Dahil kung ako ung mapupunta sa lugar mo at ikaw ang kakailanganing makipagdeal ulit kay Jigs, hinding hindi ko un kakayanin."

"Exactly. Pero kung kinausap mo ako at pinaintindi mo sa akin un beforehand siguro naintindihan ko. I repeat, you did not trust me, Drew. Agad mo akong jinudge sa kung ano man ang pinapaniwalaan mo."

"Macey, I am sorry. Honey?"

"Please, Drew. It's not that easy. If we don't trust each other now, nothing will work for us."

"Sorry, honey. Please."

"Dahil sa ginawa mong pagsikreto Drew mas lalong dumami ung mga iniisip ko nung wala ka. Nakakabaliw isipin na baka nagbalikan na kayo kaya hindi mo sinabi sa akin. Alam mo un? Kaya naturuan ko na ang utak ko na wag kang isipin at ang puso ko na wag na itibok ang pangalan mo. I am okay now. Please Drew. Hindi ko kinaya nung sinabi ni Kuya Nate na ung ex mo ang kabusiness mo. Nadurog ang puso ko. Tuluyang gumuho ang mundo kong pinaikot ko sa'yo. But I am okay na. So please just go," mahinahon kong sinabi.

"Liligawan kita ulit honey," sabi niya.

Umiling ako. "That's stupid. Crazy."

Tinulak ko na siya palabas ng unit ko.

Pinapadalhan ako ng flowers ni Drew halos everyday. Minsan naman chocolates. Pero sa ngayon ay talagang ayaw ko muna. Napagod na ang puso ko. Mababaw ba ako?

Akala ko kasi iba si Drew kay Jigs e. Pero dahil sa ginawa niya parang nirefresh lang niya ung pinaramdam na sakit sa akin ni Jigs noon. Akala ko pa naman siya ung tutulong sa akin na tuluyan nang mabura si Jigs sa puso ko pero siya pa lalo ung nagpalalim sa sugat na dulot ni Jigs. Maghihilom pa kaya un?

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon