21

73 4 0
                                    

Natanggap ako bilang writer sa isang local newspaper sa States. Sinwerte ako dahil maganda ang experience ko sa Philippines. Ung company na rin ang nag-ayos ng papers ko para makapagstart ako agad.

May daily column ako and I write about anything and everything under the sun. Minsan, actually mas madalas, about love ang topic ko. Para sa akin un naman kasi ang madaling makakuha ng mga readers. Parang common language ba ang love. Minsan naman about family, friends, and life in general. That keeps me busy and happy. And I get paid.

Marami na rin akong naging friends dito dahil na rin sa work ko. Mga Americans at may iilang mga Asians din. We often go out sa mga bars to party. We do house parties din. Yes, I am a certified party girl now. And I enjoy life so much!

Nanliligaw sa akin si Scott, isa siyang banker. Nagkakilala kami through a common friend, kasamahan ko sa work. Mas matanda siya sa akin ng two years. He is good looking. He has green eyes, dark brown hair, and the most kissable lips. Actually, he is seriously good looking.

"Hey babe," tawag niya sa akin pag labas ko ng building.

Sinundo niya kasi ako. May date kami. Halos gabi-gabi na nga kaming nagdedate. Sweet itong isang to at galante.

"Hey! Have I kept you waiting for long?" Tanong ko. Medyo nalate kasi ako ng labas dahil may tinapos pa akong revision ng article.

"It's fine. You are here now," sagot niya at hinalikan ako sa pisngi.

Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan ng kotse niya. He never gets tired of me. A real gentleman.

Nagdinner kami sa isang fancy restaurant. Romantic nga e. May roses, candles, wine, at may mga tumutugtog din ng violin. We ordered lobsters. Perfect date!

Nasa loob na kami ng kotse niya. Masaya ung romantic dinner namin. Punong puno ng kwentuhan at tawanan. Buti na lang at nasanay na rin akong makipag-usap sa mga foreigners. Hindi na nosebleed. Hehe.

"Macey. Babe, we have been going out for like over a month now. This is something new for me. Usually I just play around with girls. You know just lay them down and leave. But with you, it's totally different. I want your smile to belong to me. I want your eyes to twinkle only for me. I want you only calling my name. I really really like you," sabi ni Scott sabay hinalikan ung kamay kong hawak niya.

Mabait siyang tao. Gwapo at sabi ko nga gentleman. Nahuhulog na rin naman ako sa kanya. Pero iba e. Pero naisip ko it's worth the try. It would help me move on pa lalo. User ba ako nito? Is this what they call rebound?

I squeezed his hand and gave him my sweetest smile.

"Thanks, Scott. You have been nothing but good to me. And I really appreciate everything you have done. Everything you have shown. And I like you, too."

"Really?" Parang gulat na natuwa siya.

Kitang kita ko ang ningning ng mga mata niya. Medyo naguilty ata ako. Totoo naman na mabuti siya at nagpapasalamat ako sa lahat. Like ko siya pero hindi ako sigurado kung ung pagkalike na un e more than friends. Ang sigurado ko lang e hindi tulad nang naramdaman ko para kay Jigs ito.

Tumango ako. He cupped my chin and he got closer to me. Nagbend siya at hinalikan na ako sa labi. Soft and gentle. Medyo bumilis din naman ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko pa siyang ngumiti habang hinahalikan ako. I kissed him back. Then he hugged me tightly. We kissed more bago niya pinaandar ang kotse niya at hinatid ako sa amin.

"Babe, next time we should do something more fun," sabi niya at kinindatan pa ako bago ako tuluyang lumabas ng kotse niya.

Ngumiti na lang ako. Kinabahan naman ako sa more fun niya. Naisip ko kung magiging willing ba akong ibigay sa kanya un? Deep inside naisip ko na sana naibigay ko na un kay Jigs dahil sa kanya sigurado akong mahal na mahal ko siya at hindi ako manghihinayang o magsisisi na sa kanya ko un naibigay. Pero ganun talaga ang buhay ung sa iba ung kinuha niya dahil pinoprotektahan daw niya ako kaya siya nagpigil noon. Ang daya diba? May nalalaman pa siya dati na hindi siya handa at hindi siya buo kaya hindi niya pa kayang ibigay sa amin ang commitment ng totoong relationship. Pero bukas makalawa ikakasal na siya. Siyempre shot gun wedding. Nabuntis ba naman niya si Rina. Si Rina na model niya. Si Rina na taong hipon. Si Rina na inlove na inlove sa kanya at hahamakin ang lahat magkatuluyan lang sila. Si Rina na anak ng isang maimpluwensyang tao na kayang kayang ipapatay ung gagong Jigs na un.

---

"May boyfriend na ako!" Sigaw ko kina Ate Joan pag pasok ko ng bahay.

Napangiti naman si Ate Joan at agad tinadtad na ako ng mga tanong. Tuwang tuwa sila. Pero syempre hindi ko muna ipapakilala sa kanila. Dito kasi hindi masyadong uso ang meet the family agad-agad.

Since weekend ngayon e nagdecide kami ni Scott na magpunta sa park. Super holding hands kami ni Scott na naglalakad. Tumatawa pa kami dahil sa pinagkukwentuhan namin. Feel na feel ko ang sweetness naming dalawa. May nakita ako sa malayo na parang familiar sa akin. Ayaw kong tanggapin sa isip ko na siya un pero habang papalapit nang papalapit e naconfirm ko na nga.

Si Jigs nakatitig sa akin ng masama. Bumaba pa ang tingin niya sa naghahawakan naming kamay ni Scott at napailing pa siya. Without removing my gaze sa kanya e hinila ko naman si Scott at hinalikan sa lips. Nagulat siya but he responded well. After our kiss nakatitig pa rin ng masama si Jigs sa amin. Sabay umirap at nagwalk out nung nagmeet ang tingin namin. Buti nga sa kanya! Mamatay siya sa selos! Impakto!

Pag-uwi ko sinalubong ako ni Mommy.

"May dating officemate ka daw na dumaan dito kani-kanina lang. Pinabibigay niya ito sa iyo," sabi niya habang may inaabot na package.

"Thanks, Mom," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

Tumalikod na ako at medyo nginig ang mga tuhod na dumiretso sa room ko para buksan ung package. As soon as I closed the door e dahan-dahan ko nang inunwrap ung box. Pag bukas ko puro puting papel na rosas (ung gawa niya) ang sa taas. Then kinapa ko sa loob at may nakuha akong isang maliit na red box. Sa ibabaw nito ay may note:

"Mahal ko, please marry me. Right here, right now."

Nashock ako sa nabasa ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ung maliit na box. Isang white gold ring na may diamond. Engagement ring? He just proposed to me! Stupid asshole! Ang bride niyang binuntis niya parang tangang nakaabang sa kanya sa Pilipinas habang andito siya sa Amerika nagpopropose sa babaeng ni hindi niya kayang maging girlfriend noon!

Nanginig ng tuluyan ang mga tuhod ko. Kasabay ng pag bagsak ko sa kama e ang pag bagsak ng mga luha ko.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon