18

94 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw na matabang pa rin ako kay Jigs. Lagi pa rin akong mas maagang umaalis ng bahay sa umaga para hindi niya ako masundo. Araw-araw pa rin siyang dumadaan ng bahay at tumatawag tuwing hindi niya ako dinadatnan doon. Pero araw-araw ko rin hindi sinasagot ang mga tawag niya. Panay din ang iwas ko sa kanya sa office. Lagi kasi siyang dumadaan sa desk ko pero lagi akong nagpepretend na busy, may kausap sa telepono, o kaya bigla akong tatayo at kunwaring may lalapitan na officemate sa opposite direction. Ang ganda ko! Haba ng hair. Pahabol!

Nasanay na ako sa araw-araw na routine na yun. Hanggang dumating ung araw na hindi na siya tumawag. At minsan nalate pa nga ako ng gising pero hindi naman na rin siya dumaan ng bahay. Hindi na rin siya nagpapansin sa akin sa office. Umiiwas na rin siya. Siguro nagsawa na un after all almost one month na rin ang nakalipas na araw-araw niyang ginawa un at wala siyang napala.

Nadurog ang puso ko. Ang sakit pala lalo kapag nalaman mong nag-give up na ung taong akala mo e susuyuin ka forever. May forever ba? Wala nang sumusundo at naghahatid sa akin. Wala nang humahalik at yumayakap sa akin. Wala na ring tumatawag ng mahal ko. Ano ba itong pakiramdam na ito? Parang dinudukot ung puso ko.

Sabagay bakit ko naman kasi maiisip na susuyuin niya ako forever e wala naman kami diba? Isa pa ako ung iwas nang iwas tapos ngayon finally hindi ko na kailangan umiwas dahil hindi na lumalapit e magrereklamo pa ako? Tsk. Ang gulo. Babae nga pala talaga ako. Magulo ang isip. Napakagulo ng damdamin.

At sa mga panahong ito narerealize kong talagang mahal ko na si Jigs. Mahal na mahal. Pero sobrang nasasaktan ako kaya hindi pwedeng ipagpatuloy un. Basang basa na ang mukha ko ng luha. Hindi ko na namalayan na sobrang umiiyak na pala ako.

Gusto kong libangin ang sarili ko. Nagbukas ako ng Facebook. Bad idea dahil bumungad sa newsfeed ko ang mga litratong pinost ni Rina na nakatag si Jigs. Parang isang gimik. Nagsasayaw sila. Dikit na dikit. Sobrang ngiti si hipon. Si playboy naman halatang lasing na lasing. Hinagis ko ung iPad ko sa kama. Tapos tinabunan ko ng unan ung mukha ko. Lord, take me please! Hindi ko na kaya itong sakit. Nagmumukmok ako tapos siya nambababae lang pala! Life is not fair!

Kaya naman pala hindi na siya ulit nagpaparamdam sa akin kasi hindi na niya kailangan ng kahalikan. Malamang higit pa dun ung nakukuha niya ngayon sa babaeng un. Pucha! Ang sakit talaga! Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi kami nag-usap ng maayos. Pero mas naiinis ako kasi hinayaan kong ung emotions ko ang magcontrol sa akin kaya umabot sa ganito. Ayoko na! Wala na dapat akong pakialam.

Nagdecide akong pumunta sa isang bar nung gabing un. Mag-isa ko lang. Para mag-enjoy at panandaliang makalimot sa nararamdaman ko. Nakasleeveless ako na red na short dress. Taray!

Umupo ako at nag-order ng isang margarita. Ineenjoy ko ang malakas na music at nakatingin ako sa mga taong nagsasayaw sa dance floor. Mas naging upbeat ung music kaya naman nagwawala na ung mga nagsasayaw. Umorder ulit ako ng margarita. May mga lalaking dumadaan-daan sa table ko at ngumingiti. Nginingitian ko lang din.

"May I join you?" Tanong ng isang matangkad na chinito sa akin habang nakawide smile kaya naman halos wala na ung mga mata niya.

Tumango na lang ako at ngumiti din.

"I am Keno Chen," sabi niya sabay nag-offer ng kamay.

Tinanggap ko naman. "Macey Palanca."

Nagkwentuhan kami. Okay na rin kesa wala akong kausap.

"From where are you?" Tanong niya. Inglesero pa ah.

"Quezon City. You?"

"Quezon City also. Do you come here often? First time kita nakita dito e," sabi niya na nakangiti.

"Not really," sagot ko naman.

"I knew it! Kasi kung dati ka pa pumupunta dati pa kita nakilala. Sa ganda mong yan," bola pa niya.

Is he hitting on me? Tsk...

Nakatatlong shot ng tequila na kami nung tinanong nya ko, "Want to try ung body shot?"

He has a naughty smile at medyo namumula na. May tama na siguro ito.

"Ha?" Nabigla kong tanong.

Dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam ko kung ano ang body shot. Grabe naman! First meeting namin gusto agad ganun? Sabagay bar kasi ang pinuntahan ko kaya ganito ang crowd.

Palapit na siya sa akin na hawak ung container ng salt. Nangatog ako at plano ko siyang itulak pag lapit niya o di kaya ay tatayo ako at tatakbo. Nagulat na lang ako nung biglang may tumulak sa kanya at hinila naman ako nung tumulak sa kanya.

"Are you out of your mind going to this place alone wearing that?" Sigaw sa akin ni Jigs.

Galit na galit siya at hinihila niya ako palabas ng bar.

"Buti na lang andito lang ako and the moment I saw that you were alone binantayan na kita!" Dagdag pa niya.

Sisigawan ko na rin sana siya nung biglang napansin kong may sumusunod sa amin. Tinitigan ko muna ng mabuti kahit na medyo napapapikit na ang mga mata ko epekto ng alcohol. Si Rina!

"Ano bang ginagawa mo dito at hinila mo pa ako paalis dun? Nag-eenjoy lang ako ah!" Sigaw ko.

Pero deep inside laki ng pasasalamat ko at nailigtas ako ng isang to. Nakakatakot naman kasi talaga ung poging chinito na un. Napakaaggressive.

"Isa pa, ayun ang girlfriend mo oh! Sinusundo ka!" Dagdag ko habang tinuturo ko si Rina na nashock dahil hindi niya inakalang napansin ang pag sunod niya.

"Nag-eenjoy? Halos kainin ka na nung nakitable sa'yo! Gusto mo bang marape? Sana ako na lang pala hindi na ako nagpigil! Manhid ka talaga!" Sigaw niya.

Inignore niya talaga ung fact na andun si Rina nag-aabang. Did I hear it right? Ginusto niya akong anuhin... pero nagpigil lang siya. Wow! Serious siya? Kaya pala ni playboy magpigil!

Sasampalin ko sana siya pero wala akong lakas. Naparami na naman kasi ung ininom ko. Nung nagstep ako para lumapit sa kanya at saktan siya physically nagwobble ung binti ko at natumba ako. Pero bago pa ako maglanding e naiangat na ako ni Jigs.

"Go away Rina! I will bring Macey home!" Sigaw niya kay Rina na parang nagtataboy lang ng makulit na bata.

At nilagay naman niya ung kamay ko sa balikat niya at pinulupot ung kamay niya sa bewang ko para iguide sa paglalakad papunta sa kotse niya. Paano na kotse ko? Naisip ko pa talaga un ah.

Kahit lasing na ako kitang kita ko ung pag change ng mukha ni Rina from hopeful na nag-aabang to wasak na wasak. Buti nga! Malanding hipon ka! Siguro ang sakit sakit ng puso nung isang un ngayon. Kung ako nga makita ko lang sila na magkasama durog na durog na. Paano pa siya na tinaboy pa? Kawawa!

Pero choice naman nya yan. Ako rin naman. Hay naku! Jigs make up your mind. Buo na kaya puso nya?

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon