13

66 2 0
                                    

Masyado na akong nasasanay na magkasama kami ni Jigs. Dumaan ung mga araw na ganun pa rin kami. Sabay pumapasok at sabay umuuwi.

Exclusively dating? Sa part ko, it's a yes. Sa part niya, I would like to assume that it is a yes pero kinokondisyon ko ung sarili ko na maaaring hindi rin naman. Pero kelan diba? Halos magkasama naman talaga kami palagi. Pero hindi ko naman kasi masabi. Ung iba nga seryosong magjowa for a long time naghihiwalay pati mga mag-asawa ganun din. So expect the worst? Grabe! Basta I will go with the flow na lang muna talaga.

"Mahal ko, hahatid kita after work ha? Biglaan may shoot daw ngayong gabi," sabi ni Jigs nung dumaan siya sa desk ko.

"Weird," sabi ko lang.

"Huh?" Tanong niya.

"Wala. Wag na, magtaxi na lang ako. May tatapusin pa kasi ako e," sabi ko.

"Bukas mon a tapusin please. Para maihatid kita," pangungulit nya.

"No I need to finish this. Ok lang ako," I said.

"Sure?" Paninigurado niya.

"I'll be fine. Kaya ko sarili ko," I said reasurringly.

"Ingat ka mahal ko. Sorry. Biglaan. Text mo ko please para hwag akong mag-alala," sabi niya.

"Okay," sabi ko.

Kasi naman nagtataka ako ano naman ung biglaang shoot sa gabi diba? Hmpf! Hindi ko siya tinignan pero hindi niya napansin na inis ako siguro akala niya busy lang talaga ako. Akala ko ba ako ung biniro niyang manhid noon?

Nalibang ako sap ag proofread nung article ko. Hindi ko namalayan medyo late na pala. Akala ko siya ung lumapit ulit sa akin. Papagalitan ko pa sana kung bakit andito pa. Pag angat ko ng tingin si Julius pala.

"Macey, you seem uptight. Gusto mo mag-unwind?" Tanong niya na nakangiti.

Naisip ko wala namang masama. Friends kami. At dati naman talaga kaming lumalabas dalawa. Nagdidinner at minsan umiinom kahit tig-two bottles lang.

"Okay," sabi ko. Then niligpit ko na mga gamit ko at shinut down ko na ung laptop ko.

"Great!" Sabi niya at pumunta na rin sa desk niya para magligpit.

"Want to join us, Karla?" Tanong ko pag daan namin sa desk niya.

"Ay... may date ako! Sayang," sabi niya pero nakangiti.

Lokang un! Kasi naman tinutukso niya kami ni Julius dati pa kaya siguro parang nanunukso ung ngiti niya.

"Okay," sabi ko.

Lumabas na kami ni Julius at pumunta sa parking. Sumakay ako sa napakagara niyang kotse. Black na BMW lang naman. Susyal naman din kasi talaga itong kaibigan kong ito.

Pumunta kami sa isang restaurant na may live band para magdinner at just like the old times mag-two bottles at least.

"I miss this," sabi niya habang tumitingin sa menu.

"Ako din naman," sabi ko sa kanya at tumingin na rin sa menu.

I mean it. I miss hanging out with my friends. Hindi ko tinext si Jigs. Kahit na bilin niya un. At hindi ko rin tinignan ang cellphone ko kung may message man siya. Sana naman makaramdam sya diba?

Nagkuwentuhan kami ni Julius habang inaantay namin ung mga order. Nagtatawanan pa kami. I am comfortable sa kanya kahit medyo matagal na ung huling labas naming. Wala pa rin nagbago.

Dumating na ung food at nagsalo na kami. Grabe! Ang dami ko talagang namiss dahil pinaikot ko ng todo ung mundo ko kay Jigs.

After dinner, umorder kami ng isang bucket ng San Mig Light. Okay, so instead of two bottles madagdagan lang ng isa. Just for tonight.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon