2

123 3 0
                                    

Medyo hilo na talaga ako.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Karla.

Tumango ako kahit na parang lilipad na ang ulo ko sa kalasingan. Napatingin ako sa dance floor. Ayun si Rina panay ang dikit niya ng katawan kay Jigs. Si Jigs naman e nakangiti pero halatang medyo umiiwas. Aba... bago ata un ah? Diba un naman ang gawain niya mag-uwi ng babae after magparty?

"Huy!" Sigaw ni Karla sabay tapik sa balikat ko.

"Ha? Okay lang ako, Karla. Kaya ko pa," sagot ko kahit na hindi ko naman na talaga narinig ang sinasabi or tanong nya.

"Naku! Paano ka magdadrive nyan?" Tanong niya habang tumitingin sa paligid.

Diba sabi ko okay lang ako? Siguro halata sa mukha ko ang kalasingan. Sorry na I can't help it. Sabay dating naman nitong si Jigs.

"Bakit?" Tanong niya nang mapansin niyang parang worried si Karla.

"Kasi medyo may tama na itong kaibigan ko. Mukhang hindi na niya kayang magdrive," sagot niya.

"I'll drive for her then kunin ko na lang after ung kotse ko dito," offer ni Jigs.

Ngumiti si Karla at tumango. Sabay tumayo na siya. Hinalikan ako sa noo at tuluyan nang umalis.

"Here, drink water," sabi ni Jigs sabay abot sa akin ng malamig na tubig.

Nang mapansin niyang wala na rin akong lakas na hawakan ung glass e tinutok na niya sa bibig ko at pinainom ako.

Nakakahiya. Sabi ko pa naman hindi ako maglalasing para wala akong problema pauwi pero eto ako hindi ko kaya ang katawan ko. Nakakapagisip pa ako pero wala akong lakas kumilos.

"Thanks," sabi ko.

"Keys?" Sabi nya then pumalad siya sa akin.

"Huh?" Tanong ko. Humihingi ng kiss? At sa palad ang gusto nyang kiss? Nalintikan na!

"Your car key?" Sabi niyang natatawa.

I think nagets nya kung ano pumasok sa isip ko.

Natawa ako sa utak kong puno ng alcohol. Hinalughug ko ung bag ko at inabot sa kanya then he took my hand at tinayo niya ako. Dahil hindi ako stable e pinulupot na niya ang kamay niya sa waist ko then naglakad na kami palabas. Naku! Baka isipin ng officemates namin na ako ang uwi niya ngayong gabi. Helpless naman ako. Bahala na si Karla magpaliwanag sa kanila.

"Turo mo ung auto mo sa akin ha?" Sabi niya habang naglalakad kami sa parking lot.

Bakit ako amoy alak na si Jigs ang bango? Tumigil ako sa paglalakad at tinuro ko na ung Vios ko. Teka iba ata. So medyo lumakad pa kami ulit. Ayun na.

He opened the door to the shotgun seat and inalalayan niya pa ako sa pag pasok. Kaso parang nasusuka ako. Dali-dali akong bumaba ulit at sumuka sa may plant box. Hinagod ni Jigs ang likod ko at inoffer ang panyo niya. May dala rin siyang bottled water na inabot sa akin. Boy scout ata ang isang ito ah.

"Thanks and I'm so sorry," sabi ko.

"No, I'm sorry. Naparami ka ata hindi kita nabantayan," sabi niya habang tinutulungan niya ulit akong sumakay.

Gentleman din naman pala. Umupo na siya sa driver's seat at kinabit ang seatbelt ko.

"Kaya mo bang ituro ung daan pauwi?" Tanong niya.

Tumango ako at sinabi ang mga daanang papasukan namin at mga kantong lilikuan. Nakarating na kami. Since wala akong maid e binigay ko sa kanya ang susi ng bahay ko para buksan na rin un at ipark sa garahe ko ung kotse.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon