10

72 1 0
                                    

Nagbreakfast kami tapos naglakad ulit sa buhangin at nagbabad sa dagat. Ang itim ko agad. Bitin ang outing naming. Maya-maya e nagprepare na kami to go back to Quezon City. May mga kanya-kanya pa rin naman kasi kaming aasikasuhin.

"Bitin ang bonding natin no?" Sabi ni Karla habang pinapasok sa bag niya ung mga damit niya.

"Oo, tapos busy ka pa sa boyfriend mo. Kinalimutan mo na ang best friend mo," drama ko.

"Nagsalita! Ikaw nga ung mahirap na makasama lately dahil kay Jigs e," pagbara naman niya sa akin.

Ayan kasi me and my big mouth. Agad tuloy akong nabalikan. E di ako ang taob ngayon.

"Joke lang un, Karla. Ikaw talaga," sabi ko na lang.

Pahiya ako dun ah. Ngumiti na lang siya at pinagpatuloy na namin ang pag-eempake.

Simula nung nagkausap kami ni Jigs kaninang madaling araw e hindi pa siya ulit nagpaparamdam. Nagalit na ata talaga sa akin un. Tuesday ng madaling araw ang balik nila. So hanggang bukas pa ko magmumukmok sa kakaisip dun sa taong un.

"Okay ka lang?" Tanong ni Julius nung nasa sasakyan na kami. Bakit ba napakasensitive ng isang to? Agad niyang nararamdaman pag may something sa akin.

"Oo naman. Medyo napagod lang," sabi ko at nagkunwari pang ngumiti.

"You seem bothered kasi. Baka I could help," offer niya.

Gwapo rin naman itong si Julius. Pero ung gwapong good boy ang dating. Hindi tulad ni Jigs na gwapong bad boy. Haha. Ni hindi ko inasahan na sa ganung tipo pa ako mahuhulog.

"I'm okay, Julius. Thanks sa concern," sabi ko.

Hinaplos niya ang braso ko habang sinasabing, "Okay, sabi mo e. Basta pag may problem ka, dito lang ako."

Nagsmile lang ako ulit sa kanya. Grabe! Medyo kinilabutan ako dun sa haplos niya. May gusto kaya ito sa akin? Feeling naman ako no? It's raining men?

Namili kami ng mga pasalubong. Kapeng barako para sa office na lang ang binili ko. At bumili rin ako para sa akin sa bahay. Binilhan ko rin actually si Jigs. Siya kaya may pasalubong sa akin?

Nagstop over kami to have lunch. Ayun syempre panay pa rin ang kwentuhan namin habang kumakain. Parang hindi kami nauubusan nang pag-uusapan samantalang kahapon pa kami daldalan nang daldalan. Ang saya talaga ng mga ganitong moments. Namiss ko talaga itong mga kaibigan ko. Ung ibang mga kaibigan ko kaya kelan ko ulit makakabonding?

After namin maglunch e diretso byahe na kami. Medyo napaidlip pa ata ako sa byahe sabay nauntog ako kaya nagising.

"Ayan nauntog na! Baka nagising na," biro ni Karla.

Double meaning un. Gets ko! Pero sorry lubog pa rin ako sa pagkafall ko kay Jigs. Hindi ganitong klase ng untog ang makakagising sa akin. At hindi ako tulog; gising na gising ako sa katotohanan. Kailangan ko sigurong mapagod para bumigay na. Umayaw na.

---

Finally nakauwi na ako. Pagdating e humiga agad ako. Napagod din naman talaga ako sa byahe. Kinuha ko ung cellphone ko. Wala ni isang missed call, ni text. Tsk. Ako na kaya ang mauna. Sige nga.

Ako: Jigs, kumusta?

Wala pang reply nakalipas na ang fifteen minutes. Nakakainis naman. Minsan na nga lang ako maunang magtext ganito pa. Ganito rin siguro nafifeel nun tuwing nagtetext siya na hindi ako agad nakakasagot. E kaso hindi ko naman talaga sinasadyang iignore siya.

Bakit kaya ganyan ung taong un? Image niya mayabang at playboy pero pag magkasama naman kami mabait at sweet siya. Bakit kasi hindi na lang siya magpakatotoo sa ibang tao para maprove niya na mali ung tinatak nilang reputation sa kanya? Ang hirap kasi sa kanya mas lalo niya pang pinagbubutihan ung magpoprove na tama ung iba na mayabang siya. Minsan nga e nakikipagdebate pa ung isang un sa boss namin para lang patunayan na mas may alam siya. Grabe diba? Ung sa part na playboy e hindi ko pa masyadong napapatunayan. Ewan ko lang pala ngayong magkasama sila nung Rina na un.

Mababaliw na ata ako sa kakaantay sa wala. Isang text pa nga.

Ako: Mahal ko? Pag hindi ka sumagot magpapakamatay ako.

Tignan ko nga kung totoong pinapahalagan niya ako. Biglang nagring ung cellphone ko. It worked! Dapat pala kanina ko pa ginamit ung linyang un eh. Para kanina pa kami nakapag-usap.

"Hello!" Masayang pag sagot ko.

"Uhm... tulog kasi si Jigs e," sabi nung tumawag na babae.

"Sino to?!" Napasigaw ako.

"Si Rina."

Pinutol ko na ang linya. Gusto pa atang siguraduhin nung Rina na un na magpapakamatay na talaga ako kaya siya tumawag ah. Bakit ba nasa kanya ung cellphone ni Jigs? At tulog daw si Jigs. Ano un magkasama sila sa room? Magkatabi sa kama? May saplot kaya si Jigs habang natutulog? E si Rina? Baka nakabalot lang ang kumot sa kanya habang tinawagan ako at ngingiti-ngiting tagumpay.

Sumakit ang puso ko. Eto na ata ung patunay sa part na pagkaplayboy niya. Unang real heart ache ko. At wala akong matakbuhan. Ano naman sasabihin ng mga kaibigan ko? They told me so!

Nagriring na naman ang cellphone ko. Number ulit ni Jigs. Hindi ko na sinagot baka gusto na naman akong pagtripan nung babaeng hipon na un! After ng tatlong missed calls may nareceive akong message. Tadtad ako ng messages ngayon.

Jigs: Mahal ko! Answer the phone. Tinatakot mo ko!

Jigs: Mahal please.

Jigs: Please pick up the phone.

Jigs: Please.

Jigs: Let's talk. Please.

Jigs: Wait for me. Usap tayo pag dating ko if ayaw mo ngayon.

Jigs: Ang hirap ng ganito, Macey.

Jigs: Mahal ko please.........

Ewan ko sa'yo! Gago!

Sunod sunod ang tawag at text niya pero ni isa wala na akong sinagot. Umiiyak ako. Oo. Umiiyak! Bahala siya kung gusto nya isipin na lang niya na nagpakamatay na talaga ako!

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon