9

97 2 0
                                    

May out of town photoshoot si Jigs so naisipan kong maghangout with Karla and Julius. Nagsabi ako sa kanya sa plano ko. Wala naman siyang nagawa kung hindi umoo kahit mukhang masama sa loob niya. E siguro panakip niya un para hwag din ako magselos dahil kasama si Rina sa out of town na un. Three days masosolo ni hipon si gwapong mayabang na playboy!

Hindi na namin ulit napagusapan ni Jigs kung ano kami sa isa't isa. Basta lagi pa rin kaming magkasama at masaya naman kami together kahit minsan may mga hindi maiwasang tampuhan at bangayan. Pero nangingibabaw naman ang kilig moments.

Bago umalis si Jigs e dumaan muna siya sa bahay.

"Mahal ko, mamimiss kita ng sobra. Hindi na ata ako sanay na hindi ka makasama sa isang araw," sabi niya habang niyayakap ako ng mahigpit.

"Mamimiss din kita," sabi ko habang sinasalubong ang halik niya.

"Ingat ka pag lalabas kayo nila Karla at Julius ha? Kay Karla ka lang didikit," bilin niya.

"Opo. Be good," sabi ko naman na nakangiti.

Ngumiti din siya. Sa totoo lang wala pa naman akong nababalitaan lately na ibang babae niya. O magaling lang siya magtago?

"I will, mahal ko. Pag balik ko pakasal na tayo. Akin ka lang ha?" Sabi niya at hinalikan ulit ako bago tuluyan nang umalis.

Sumakit na naman ang puso ko. Nalulungkot dahil iiwan ako ng mahal ko pero sa kabilang banda e parang naeexcite din sa pangako ng mga susunod na bukas. Ngayon mas naiintindihan ko na ung mga love love na yan. Kasi ngayon first hand experience na talaga.

Sinama ni Karla si Drake. So ano ito? Double date? Kami ni Julius ang partner? Napagdesisyunan namin na magovernight sa beach tutal naman e Sabado ngayon. Pupunta kami sa Batangas.

Si Drake ang nagdadrive so sa harap nakaupo si Karla at kami naman ni Julius sa likod. Simula palang agad ko na nasira ung bilin ni Jigs na kay Karla lang didikit. Kasi naman hindi ko naman alam na kasama si Drake sa lakad namin. Tsk. Nakatingin lang ako sa labas habang bumabyahe kami.

"Parang diring diri ka naman at ayaw mong madikit sa akin," sabi ni Julius habang hinihila ang balikat ko.

Tumingin ako sa kanya. "Grabe ka naman. Nagsasight seeing lang ako," palusot ko.

"E kasi simula nung naging close kayo nung Jigs na un e panay na ang snob mo sa amin," reklamo niya.

"Correct ka dyan Julius," pambubuska ni Karla. Pagtulungan daw ba ako.

"Baka inlove," singit naman ni Drake.

"Uy grabe kayo kung mapagtulungan niyo ko. Baba na ko. Uwi na lang ako," nagpapaawang sabi ko.

"Hmpf! Basta enjoy na lang tayo ngayon. Kalimutan muna yang Jigs na yan," sabi ni Karla.

"Mabuti pa nga," sabi ko na lang. Pero sino ba ang niloko ko? Malilimutan ko ba talaga ung mahal ko?

Nakarating na kami sa beach. Ang ganda! Kumuha kami ng two-bedroom villa. Buti naman at kami ni Karla ang magkasama sa room. Akala ko nung una e gusto nilang magsolo ni Drake. Kinabahan nga ako baka ipagsama kami ni Julius.

Kumain muna kami ng lunch tapos ay nagready na para pumunta sa dagat. Nagsuot ako ng two piece pero nagshorts din ako at may pampatong na manipis na sleeveless top. Si Karla naman ay nakatwo piece din at manipis na parang mini dress ang pampatong.

Naglakad na kaming apat sa may buhangin. Holding hands si Karla at Drake. Kami naman ni Julius ay sabay maglakad.

"Kumusta ka na ba talaga, Macey?" Tanong ni Julius habang tinititigan ako.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon