20

64 3 0
                                    

Buti na lang at hindi kami nahirapan kumuha ng US Visa ni Atekahit ilang taon na ung nakalipas nung huling punta namin. Sasamahan daw niya akong pumunta ng States para na rin makabisita kina Mommy at Daddy at sa mga kapatid namin doon. Excited sila nyan dahil finally ay napasunod na nila ako. Ang dami na nilang planong gawin na family bonding.

Busy ako sa pag-iimpake. Plano ko kasi medyo matagal magbakasyon doon. Actually kung makahanap ako ng trabaho doon e pwede na rin siguro ako magstay for good. Bukas na ang flight namin. Minamadali ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko. Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko ito at dumungaw si Manang.

"Macey, may naghahanap sa iyo sa labas," sabi nito.

"Sino po?" Duda kong tanong.

Wala naman kasi akong ineexpect na bisita. Lumabas na kami nung nakaraan nila Karla at Julius. At nakatext ko na rin sila kanina.

Nagkibit balikat si Manang at umalis na.

Lumabas ako sa terrace at nakita ko si Jigs na nakaupo. Nakamasid sa kawalan. Tumayo siya nung nakita niyang papalapit ako. Tumalikod ako agad nung naconfirm kong siya un. Pero agad din naman niya akong nahila para pigilan.

"Macey, please don't run away from me. Ipaglaban mo naman ako. Ayaw ko pakasalan si Rina. Pagkakamali lang ang lahat ng un," malungkot niyang sinabi.

"Ipaglaban? Like you know what that means!" Sigaw ko.

E gago pala talaga 'to diba? May nalalaman pa siyang ipaglaban ko daw siya e siya nga itong hindi ako pinaglaban. Hindi ipinaglaban ang nararamdaman, kung may tunay ngang nararamdaman. Nagpadala siya sa takot na masaktan muli at sa kahinaan sa temptation. Buti nga sa kanya at matali siya doon sa bwisit na babaeng un! Hindi pa pala kaya mag-girl friend ah. Ano siya ngayon, asawa agad! Ha!

Hinaplos niya ang braso ko. Agad ko naman itinaboy ung kamay niya. Hindi na ako kinikilig. Nandidiri ako. Nakatayo lang kami. Hindi talaga ako umupo para mas maramdaman niyang hindi siya welcome.

"Sorry. Naexplain ko naman na sa'yo diba? Hindi ko ginusto un. Please hwag mo na akong iiwan ulit," sabi niya at napansin kong may luha nang pumapatak sa mata niya.

"Just leave, Jigs! Leave me alone! I don't need you! Get out!" Sigaw ko at tumalikod na ako.

Hinihila niya ulit ako pero tinulak ko siya at tumakbo na ako papasok ng bahay at papunta ng kwarto ko. Ramdam na ramdam ko ang mga maiinit na luha na tuloy-tuloy na naman ang agos.

"Macey, are you ok?" Tanong ni Ate nung pinasok niya ako sa kwarto dahil hindi ako lumabas para maghapunan.

"Tinatapos ko lang ung pag-iimpake, Ate," sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. Baka kasi mapansin niya ung mugto kong mga mata.

Akala ko e iiwan na niya ako pero mas nilapitan pa niya ako. "May bumisita daw sa'yo kanina sabi ni Manang at tinaboy mo daw?"

"Si Jigs un Ate," sabi ko na humihikbi na ulit.

Niyakap niya lang ako hanggang sa parang medyo narelieve na ako.

"Tara sa kitchen, you should eat then we need to rest na. Maaga tayo aalis bukas," sabi ni Ate at hinawakan niya ang kamay ko para tulungan akong tumayo.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

---

Maayos naman ang byahe namin. Excited din naman akong makasama ang pamilya ko. Nakakalungkot lang at ang talagang dahilan nang pag punta ko dito e ang pag takas. Inaamin ko tumatakas ako sa sakit. Umaasang mapupulot ko ang pira-piraso kong puso at mabuo ulit dito sa America.

"Here is our baby princess!" Sigaw ni Kuya Mateo sabay yakap sa akin at kurot sa ilong ko.

Sinalubong nila kami sa airport. Niyakap ko rin si Kuya. Dali-dali namang lumapit na rin sila Ate Joan, Mommy at Daddy. Niyakap nila kami ni Ate Jenny. Ang saya! Buo ang pamilya!

"Finally, paano ka napapayag na sumunod na dito?" Tanong ni Kuya Mateo.

Ang kulit talaga ng isang 'to. Gusto ba niya talagang sabihin ko ang totoo? Aapaw ang luha ko at baka bumaha pa nga.

"Ang kulit niyo kaya ni Ate Joan. Ayaw mo ba? Sasama na ako pag umuwi si Ate Jenny," sabi ko naman then I rolled my eyes.

"Arte! Nagtatanong lang," sabi niya at kinurot ang pisngi ko.

"Namiss ko kayo siyempre!" Sigaw ko pa at kinurot ko rin siya sa pisngi.

Close talaga kami ni Kuya. Actually lahat naman kami close. Maganda ang relationship naming magkakapatid simula nung mga bata pa kami.

"Let's eat. I'm sure too tired kayo sa byahe para makarest muna kayo after," aya ni Mommy.

"You should rest dahil marami tayong lakwatsa!" Masayang sabi ni Ate Joan na tumatalon-talon pa sa excitement.

"Next time isasama ko ung asawa at anak ko," sabi ni Ate Jenny.

"You should," sagot naman ni Daddy.

Ayun na tuloy-tuloy na ang mga salitaan. Nakakamiss talaga ung ganito.

---

Two weeks lang si Ate Jenny sa bakasyon niyang ito. Kaya naman sinulit namin un. Araw-araw kaming lumalabas para mamasyal, kumain sa iba't ibang restaurant, at magshopping. Nakakapagod pero sobrang saya.

Ang bilis ng panahon. Hindi namin namalayan. Hinatid na namin si Ate Jenny sa airport dahil ngayon ang uwi niya ng Pilipinas.

"Agad mo kaming iskype pag dating mo sa Pilipinas. Ingat kayo palagi. We will miss you," bilin ni Mommy sa kanya.

Niyakap ko siya at binulungan, "Ingat ka, Ate. I will miss you. Thanks sa pagsama sa akin dito and for keeping our secret." Tapos hinalikan ko siya sa pisngi.

Ngumiti naman siya at kinindatan pa ako.

---

Medyo nagiging okay na ako. Sana magtuloy-tuloy na lang ung ganito.

Nag-uusap kami sa Skype ni Karla. Mukhang tarantang taranta siya.

"What happened to you?" Nag-aalala kong tanong.

"Ah... Kasi ano e..." Di niya matuloy-tuloy.

"Ano?"

"Nakasalubong ko kanina si Jigs at Rina sa mall. Buntis pala si Rina medyo halata na ung baby bump niya. Tapos mukhang nagbabangayan sila. Natahimik pa si Jigs nung nakita ako," sabi niya habang kinakagat-kagat ang mga kuko niya.

Nararamdaman kong namumuo ung mga luha ko pero ayaw kong makita ni Karla ang pagbagsak ng mga ito.

"Karla, parang pangit ung reception hindi ko masyado naintindihan ung mga sinabi mo. Anong meron sa mall?" Kunwari kong tinanong sabay inend ko ang video call at inoffline ko ang status ko.

Instant naman ang pag tulo ng mga luha ko. Alam ko naman na na buntis siya. Si Jigs pa mismo ung nagsabi pero ung may nagconfirm sa akin na ibang nakakita at kaibigan ko pa, masakit pa rin pala. Akala ko naman okay na ako. Tapos sasabihin pa na nagbabangayan sila parang proof lang na totoo ang sinasabi ni Jigs na ayaw niya talaga dun. E ano naman diba? Pero parang mas masakit. Gago kasi siya! Bakit hindi niya ako pinaglaban? Buti nga sa kanya! Mamatay sana siyang miserable!

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon