12

65 1 0
                                    

Umidlip kami saglit. Magkayakap kami sa sofa sa living room. Ang sarap lang ng feeling. I feel loved and protected ngayong moment na ito. Sana laging ganito talaga. Naalala ko pa ung linya niya na nasampal niya si Rina dahil sino ba siya para asarin ang mahal niya. Kilig na naman. Then add pa ung "I love you" niya. Ayan na lumulutang na ako buti na lang nakayakap siya sa akin kung hindi baka tuluyan na akong umabot sa ceiling.

Nagising ko ata siya sa pag galaw ko.

"Good morning mahal ko," sabi niya at hinigpitan niya ung yakap niya sa akin at nadiin ang katawan ko sa kanya.

"Good morning," sagot ko naman at niyakap ko rin siya.

"Let's go to Tagaytay para masulit natin ung time together," aya niya. "But I have no car, can we use yours?" Dagdag niya pa. Kasi nagtaxi lang siya from the airport hanggang sa bahay ko.

Ang sweet ng pag sugod niya no? Masaya pala talaga when you kiss and make-out. Oops, I mean kiss and make-up. Hahahaha.

"Of course," sabi ko at umupo na ako. Naexcite ako. Magdedate na naman kami.

Then nagprepare na kami to go. Naligo siya sa bathroom sa guest room at ako naman sa kwarto ko.

Dinala namin ung SUV. We sang along love songs during the whole travel. Mga in love lang?

"I'm so happy mahal ko," sabi niya habang nagdadrive.

May malaking ngiti pa siya at kumikislap ang mga mata niya. I wonder if he is so happy dahil nabola na naman nya ako. Nauto. Grabe ako no? I think that's the problem with me. Sulong pero always naghohold back. Can you blame me?

"Me too," sabi ko at hinaplos ko ung kamay niyang nasa manibela.

Ngumiti siya at napaangat ung kamay niya. Nakiliti ata.

---

Naglunch kami sa Antonio's Garden.

"I could not ask for more mahal ko," sabi niya na nakangiti. "Great food, great place, great company. I love you."

Mas lumalawak na ngayon ang gamit niya sa salitang love. Dati kasi sa tawag lang niya sa akin. Lately panay na rin ang I love you niya.

"Ako rin mahal ko," sabi ko at hinawakan ko ung kamay niya since magkatabi kaming kumakain.

"Ang sarap pakinggan," sabi niya at hinalikan niya ung kamay ko.

Ang sarap din naman kasi talagang sabihin. Kahit minu-minuto pwede kong sabihin un. Hindi ako mapapagod. Siguro mas masarap kung totohanan na itong relationship na ito. Lagi naman kami magkasama at nagdedate; naghoholding hands, yakapan, at bonggang bonggang halikan pa nga. Ung kulang lang talaga e ung totohanan na masasabi mo sa buong mundo na boyfriend mo siya at girlfriend ka niya.

Although sa office naman e halata na ng mga kasama namin na may something sa amin. We neither confirm nor deny na lang. Minsan nga e tinutukso na kami or hinahanap sa isa't isa pag hindi makita. Siguro issue nyan ngayon na parehas kaming nag-absent.

After namin kumain we went to Our Lady of Manaog at Tierra de Maria. We prayed together. Napakapeaceful. Sobrang saya lang din ng feeling ko. Silently pinagdadasal ko na hwag sanang matapos ung araw na ito. Hehe.

Tapos nun namasyal kami sa Puzzle Mansion. Lagi kaming magkaholding hands or ung kamay niya nakapulupot sa akin habang umiikot kami at inaappreciate ung collection ng mga puzzles. Nakakamangha. At ung puso ko naman ayaw tumahimik. Kulang na lang e lumabas na sa dibdib ko. Pero okay lang sa akin kahit lagi akong bulabugin ng puso kong nagwawala. Wag lang itong masali sa collection ng puzzles dito. Ayoko mabroken hearted. Promise.

Tumambay kami saglit sa park. Nagyakapan lang kami habang nagkukwentuhan. Then umuwi na rin kami.

"Mahal ko, pwede ba akong matulog ulit sa inyo?" Tanong niya pero diretso pa rin ang tingin niya sa daan.

"May damit ka pa ba para bukas pang office?" Tanong ko naman. Pero naisip ko kung wala pwede naman kaming dumaan sa bahay nila para kumuha.

Yup, ganun na ako kaaddict sa kanya. Kung pwede ko lang siya itago sa bulsa ko. Para maya't maya kinukuha ko at hinahalikan.

"Yes, so is that a yes?" Sabi niya na nakangiti.

"Oo naman," sabi ko.

Ang galing talaga. Answered prayer, hindi nga matatapos ung araw dahil sa bahay siya matutulog.

Sa totoo lang parang hindi ko na alam ang gagawin ko pag wala siya. Parang laging may kulang pag hindi ko siya kasama. Nung mga araw nga na nasa Palawan sila nila Rina e takot na takot na ako sa possibility na baka pag balik nila dito e sila na. Un kasi ang wala namin, bukod sa label... security... assurance. Tsk. Napakalaki na pa naman din ng nainvest kong feelings dito sa samahan namin. Sana naman hindi ako mabankrupt sa huli.

Bago kami umuwi nagtake out na lang kami ng pizza, pasta, at chicken wings sa Yellow Cab.

"Magmovie marathon tayo?" Sabi niya habang sinasakay sa likuran ung mga tinake-out namin.

"Sige," sabi ko na nakangiti.

Masaya ako kasi we will spend more quality time together. To make up para sa days na hindi kami nagkasama at lalo na syempre dahil nagkaron kami ng slight na hindi pagkakaintindihan.

---

Pagpasok sa bahay e nilagay na niya sa table sa entertainment room ung mga pagkain. Nanguha rin siya ng ilang softdrinks at beer in can at nilagay sa maliit na cooler na may ice. At home na rin siya sa bahay. Natuwa naman ako.

Binuksan ko ung aircon at sinara ung blinds ng room. Medyo dinim ko rin ung mga ilaw para mukhang nasa movie house kami.

Kumakain kami habang nanonood ng First Love (A Little Thing Called Love). Ilang beses ko na rin un pinanood pero lagi pa rin akong natutuwa pag pinapanood ko ulit.

Panay ang tingin niya sa akin habang nanonood. Naaamaze ata siya dahil kahit halos kabisado ko na ung movie e naluluha pa rin ako sa ibang part at kinikilig naman sa iba.

"Ang cute mong manood," sabi niya habang inabutan ako ng Coke. At ninakawan pa ng halik.

Uminom ako at hinampas ko siya. "Sshhh..." Sabi ko.

Nafifeel ko kasing umiinit ung pisngi ko sa sinabi niya. Lagi na lang akong pinapakilig nito. Ung puso ko never na natahimik simula nung nagkadikit kami nito.

Nung busog na kami nanood na lang kami ng tahimik. Unti-unti niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap.

"Tayo kaya hanggang sa huli, mahal ko?" Bulong niya sa tenga ko.

Hindi ako sumagot. Gusto kong sabihin na oo pero malay ko naman talaga diba? Syempre gusto ko oo!

Siguro ay nararamdaman nya ung pagaalinlangan ko kaya naman hinigpitan niya ung yakap sakin at hinalikan ako sa ulo.

"I love you," bulong na naman niya.

Tahimik lang ako. Kahit na alam ko sa sarili ko na mahal ko siya, mahal na mahal, e ayaw ko pang sabihin sa kanya un. But I am sure na he feels it. Actions speak louder than words kaya. I just don't want to confirm yet. Labo ko no? Pakiramdam ko kasi pag sinabi ko na sa kanya un mabibigyan ko na siya ng lisensya na saktan ako.

"Hindi ka na naman naniniwala," sabi niya pa at pinisil ang ilong ko.

After nun nagplay naman siya ng nakakatakot na movie. Nagtago lang ako sa ilalim ng kumot. Ayaw ko nung mga ganun e. Pinagtatawan pa niya ako. Pero hinahug naman niya ako para daw hindi na ako matakot. Ang sweet talaga nito. Akin ka na lang mahal ko.

Nakatulog ako habang nanonood siya nung horror movie niya. Buti na lang at sofa bed itong nasa entertainment room namin kaya kasya kami dito. At natulog na rin pala siya sa tabi ko. I love you, Jigs, mahal ko.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon