11

68 1 0
                                    

Nakatulog na ako sa kakaiyak. Hindi ko namalayan. Hindi na nga ako nakapagbihis e.

Nagising ako dahil may maingay sa labas. Halos nagwawala na sa kakakatok sa gate ko ung tao sa labas ah. Natakot ako. Matinong tao ba un? Baka magnanakaw.

Bumaba ako para silipin. Irereport ko sa guard house, sa baranggay or sa police station ung gagong un. May addict na ba sa subdivision namin?

Binuksan ko ung ilaw sa sala at dahan dahan akong sumilip sa bintana na matatanaw ang gate. Totoo ba ung nakikita ko?

Si Jigs ung nasa labas. Hawak ung cellphone na nakatapat sa tenga, siguro tinatawagan ako nun. Mukhang nagmumura-mura pa dahil walang sumasagot sa tawag niya. Napakaimpatient din talaga ng isang un. Pagbuksan ko ba? Dapat ata bago pa magising mga kapitbahay ko. Ala una na ng madaling araw. Baka ireklamo pa ito. Skandalo. Nakakahiya!

Dali-dali kong dinampot ung susi na nasa side table sa sala at lumabas ako para buksan ung gate. Pagkabukas ko tumakbo siya agad palapit sa akin. Akala ko sasampalin na niya ako sa galit. Niyakap niya ko. Sobrang higpit. Tapos naramdaman ko init ng pagbuntung hininga nya at ung mga luha niyang pumatak sa leeg ko. Umiiyak siya. Tumatangis.

"Don't ever do that again! You scared the hell out of me," sabi niyang parang galit pero umiiyak pa rin.

He touched my face with both his hands then kiniss niya ako sa forehead, on both cheeks, sa nose, sa chin. Bago pa siya makakiss sa lips e hinila ko na siya.

"Get inside!" Utos ko.

Pinapasok ko muna siya sa bahay bago pa ako nagsalita. Baka kasi makabulahaw kami ng mga kapitbahay kung sa labas kami magtatalakan.

"Buti nga sa'yo yan!" Sigaw ko habang nilalock ung pinto.

"What did I do to you?" Takang taka pa ang mukha nito.

Galing magdrama nitong playboy na to ah. Ano ako tanga? Pinanganak lang kanina?

"Hindi mo alam? Ano masarap ba talaga si Rina?" Parang nasusuka ako sa sinabi ko.

Nakakainis talaga! Bakit ba kasi kailangan pa ung Rina na un ang model nya sa photo shoot. Kung pwede ko lang ipakidnap un. Pero syempre hindi dahil bukod sa hindi naman ako masamang tao e galing sa maimpluwensyang pamilya ung hipon na un.

Sinapak niya ang sarili niya. Napipikon na rin ata.

"Look naiwan ko ung cellphone ko nung sa photoshoot tapos tinabi niya lang. Ewan ko kung ano pumasok sa kokote niya at kung bakit niya pinakialaman. Pinagmalaki pa niya sa akin na inasar ka. Nasampal ko nga e. Hindi ko naman ugaling pumatol sa babae pero nakakainis kasi. Sino siya para asarin ang mahal ko diba?" Pagpapaliwanag niya habang kineclench niya ung fists niya.

"Tapos iiyak-iyak sya kanina nung paalis ako. Tatawagan ka daw nya to explain. Syempre hindi ako pumayag. Tanga ba sya baka lalo mong gawin ung tinext mo,"dagdag pa nya habang papalapit sya sa akin.

"Tingin mo makukuha mo ko sa kasingunalingan mong yan?" Paghahamon ko pa habang humahakbang patalikod palayo sa kanya.

Sa totoo lang gusto ko nang maniwala kaso naisip ko dapat play hard to get muna ako. Sobrang nasaktan kaya ako tapos ganun ganun lang bibigay na naman ako?

"Kung ayaw mong maniwala ihaharap ko sa'yo ung babaeng un. Wala akong interest sa kanya. None at all. Katrabaho ko lang siya. Kung pwede nga akong nakapikit habang kinukuhaan ko sya ng photos gagawin ko dahil ayoko rin syang nakikita. Lalo na ngayon sa ginawa nya nyan," sabi ni Jigs habang naglalakad palapit ulit sa akin.

"Ako rin naman katrabaho mo lang," paalala ko sa kanya.

Niyakap niya ako at tinignan sa mata. "Pero iba ka. Iba tayo. May something. Ikaw ung gusto kong makasama. Ikaw ung gusto kong maging girlfriend pag dating ng panahon na nabuo ko na ulit ung puso ko at pwede nang ipamigay ulit. Ngayon kasi nasa gitna ka ng puso ko pero wasak-wasak pa. Ayokong gumuho un at mawala ka. Ikaw ang gusto ko. Ikaw papakasalan ko. Ikaw lang. Akin ka lang. Okay?"

Hindi na ako makapagsalita. Ano ba kasi ang sasabihin ko? Nagpakachildish na naman ako? Pero bakit hindi ba kasi niya ako tanungin kung okay lang sa akin kahit wasak pa ang puso nya? Bakit ba kasi hindi na lang naming buuin na magkasama?

Naramdaman kong mas hinihigpitan pa niya ang yakap niya. Niyakap ko na rin siya kahit na ang dami pang tanong sa utak ko. Nangibabaw na naman ang puso ko.

"O bakit andito ka na? Tuesday afternoon pa flight niyo pabalik diba?" Tanong ko.

"Syempre nagbook agad ako ng flight pauwi nung hindi ka sumasagot sa mga tawag at text ko. Tapos ng text mong un malay ko kung totohanin mo!"

"Lagot ka sa work mo," pananakot ko.

"Di bale na kesa lagot sa'yo!" Sabi niya sabay hinalikan na ako sa lips.

Ramdam ko na naman ung mabilis na tibok ng puso ko. Sobrang miss ko siya pati na ang mga halik niya. Nababaliw na talaga ako dito sa isang ito. If only I could lend my eyes to everyone para makita nila kung ano ang nakikita ko sa kanya. Siguro maiintindihan nila kung bakit ako hulog na hulog sa kanya ngayon.

"You want to eat?" Tanong ko.

"If you will cook for me," sagot niya with hopeful eyes.

Tumango ako at lumakad na papunta sa kitchen. Nagsastart na kong magprepare para sa chicken caldereta na iluluto ko. Beef sana kaso mas matagal pa lutuin un.

Niyakap niya ko sa likuran tapos binulungan, "I have better things to do with you na nasa my mind ko."

"Bastos!" Pinagalitan ko.

"Bakit? Iniisip ko lang naman imbis na magluto ka magkwentuhan na lang tayo at magholding hands or yakapan. Tsk. Ikaw ata may gusto ng iba," sabi niyang tumatawa.

Nagblush ako. Ano nga ba naman kasi ang iniisip ko? Nakakahiya. Ang galing talagang mangasar nitong isang 'to. Agad nakabawi parang hindi kami halos magpakamatay sa galit sa isa't isa.

"Ewan ko sa'yo. Dun ka nga muna. Alam ko na , you set the table while I cook," sabi kong pagtaboy sa kanya.

Kasi naman hindi ako makaconcentrate baka mahilaw ang luto ko niyan. Tumatawa siyang umalis at pumunta na para manguha ng mga plates at utensils.

Finally natapos din ang niluluto ko. Wow! Parang romantic date lang ang setting na ginawa niya. May candles at wine pa siyang hinanda. Then naglagay rin siya ng grapes at cheese slices.

"Nice," sabi ko habang nilalagay sa table ung niluto ko.

"All the best para sa mahal ko," sabi niyang kumikindat. Sweet diba?

Kumain kami. Halos 5am na pala nung natapos kami.

"Mahal ko puyat ka na niyan may pasok pa naman mamaya," sabi niya.

"Is that an invitation na mag-absent?" I asked smiling.

"Ang talino mo talaga!" Sabi niya at hinila na niya ako para mapaupo sa lap niya.

"I love you," sabi niya. Then kiniss niya ko sa lips.

Pinulupot ko naman mga kamay ko sa leeg niya. But wait... did I just hear him say that? Or nahigh na naman ako dahil sa mga halik niyang kinukuryente ang buong katawan ko. Ilusyon nga lang ba un at nagdedelirio na ako? Nevertheless, I kissed back.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon