30

55 3 0
                                    

Ayun at dinala ako ni Drew sa Laguna. Ang sweet talaga nito. Sobrang natuwa ako. Iniisip ko kasi nung tinanong nya ko baka gusto nya magdate kami. Buti naisip nya pamilya ko.

"Ayaw ko kasing malungkot ka sa Pasko. Alam ko miss mo na pamilya mo," sabi niya nung nagpark siya sa tapat ng bahay nila Ate at inalikan niya pa ako sa noo.

Medyo naguilty ako. Alam kong naisip niyang nalungkot ako nung moment na natahimik ako dahil sa hindi ko sinasadyang pag-aalala kay Jigs. Tsk. Pero masaya naman ako dahil isa itong patunay na talagang sensitive siya sa mga nararamdaman ko.

"Thanks, honey ko," sabi ko at hinalikan ko siya sa lips bago kami bumaba ng sasakyan.

Ready talaga siya kasi bitbit niya rin ung mga gifts namin. Siguro pinlano na niya 'to.

"Merry Christmas!" Salubong ni Ate Jenny sa amin.

"Ate, Kuya, baby, meet Drew my honey," pasweet ko namang pagpapakilala sa kanila.

Pag pasok namin sa bahay nila e inabot na ni Drew ung mga gifts namin sa kanila. Syempre tuwang tuwa ung pamangkin ko. Then si Ate may binigay din sa akin at akalain mo pati kay honey na halatang natuwa naman.

"Thank you," sabi niya na nakangiti.

Ang gift nila sa amin ay dalawang set ng couple shirt. Cute! Then tig-isang pabango.

"Ang cute Ate!" Sigaw ko habang binulatlat ko ung shirt.

Hinalikan ko pa si Ate sa pisngi sobrang tuwa ko. My always supportive ate.

"Buti naman nagustuhan mo," sabi niyang tumatawa.

"Merry Christmas baby. Utang muna ung sa'yo," sabi ko habang hinihimas ung tyan niya.

"Six weeks na pala akong preggy," sabi niya na mukhang masayang masaya.

"Dito pa rin kami sa New Year?" Tanong ko sa kanya, baka kasi mag-iba sila ng plano since buntis si Ate.

"Baka kasi maghotel na lang kami nun. Iwas sa ingay ng mga fireworks. Alam mo naman ang pamangkin mo natatakot pa sa mga paputok tapos kailangan ko rin agad makapagrest nun dahil buntis," sabi niya.

"Un nga naisip ko. Okay lang Ate, kina Drew na lang siguro kami ulit or sa condo," sabi ko.

Mukhang masaya naman si Drew sa sudden change of plan. Hmm... ano kaya ang balak?

Naglunch na kami. Pinaghanda kami nila Ate ng lechon kawali, paco salad, sweet and sour fish, at fried chicken. Busog na naman kami ni Drew. Hwag niya kong ikahiya niyan pag lumobo na ako sa kakakain namin.

A little after lunch ay umalis na kami kina Ate para bumalik sa Makati. May pasok na kasi kinabukasan. Sa condo ko matutulog si Drake. Sa sofa na lang siya. Para makapahinga rin agad. Napagod siya sa pagdrive e. Ayaw naman kasi niyang palitan ko siya.

Buti na lang ay pinadalhan kami ni Ate ng mga pagkain. May pinabaon siyang ham, baked macaroni, at chicken rolls. Un na lang ang dinner namin.

"Honey, para na tayong mag-asawa nito," sabi ni Drew habang naglalagay ng mga plato sa dining table.

"Grabe ka naman makafast forward," sabi ko na nakangiti.

"Sabagay, two weeks palang mula nung sinagot mo ko," sabi niya sabay lapit sa akin at hug mula sa likuran.

"Kain na tayo, honey," sabi ko nung matapos kong initin ung mga food namin.

"Saan tayo sa New Year?" Tanong ko habang kumakain.

"Gusto mo ba punta tayo ng Singapore?" Mukhang natuwa pa siya sa idea niya.

"Kaso napakashort naman nun. Bitin. Hindi ako pwede magleave nyan e," sabi ko na nanghihinayang.

"Sabagay..." sagot naman niya. "Dito na lang tayo. Ipagluluto kita," sabi niya na nakatitig sa akin.

"O sige," sabi ko naman na full of excitement.

"Tapos suot natin ung isa sa mga couple shirt na galing kay Ate," dagdag pa niya.

"Ang cute nun honey," sagot ko naman.

Para kaming mga batang excited.

Kinabukasan ay back to the real world na kami. May pasok na pero parang madali namang natapos ung araw dahil festive mode pa ang mga tao.

"Bukas yearend party natin. Make sure na makakaattend lahat," reminder ni Marie bago kami nagkahiwa-hiwalay.

"Honey, punta tayo? Usually sa bar ung party," sabi ni Drew.

"Gusto mo ba honey?" Tanong ko naman habang pasakay na sa Strada niya.

"Sige tapos sa condo mo na ako ulit matutulog dahil the next day mag-grocery tayo for New Year's eve," sabi naman niya.

Grabe talaga ung pakiramdam ko. Alam mo ung biglang naging complete. Nung isang araw wasak na wasak pa ang puso ko e. Pero dahil sa sweetness ni honey ay unti-unti nang nagkakadikit-dikit ang mga piraso at nabubuo na. Grabe na ngang makatibok ulit e. Todo pintig! Love na love ko na talaga si honey.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon