27

59 2 0
                                    

"Good morning, honey!" Pagbungd ni Drew na may malaking ngiti pag bukas ko sa pinto ng unit ko.

"Good morning," sabi ko naman habang pinapapasok ko na siya at biglang hinalikan ako sa noo.

"Hindi ka nagsabing pupunta ka sana maaga akong gumising," sabi ko.

"Surprise 'to syempre!"

"Hilig mo magsurprise," sabi ko habang sinisilip ung mga dala niyang food.

"Syempre alam kong puyat ka sa Christmas party natin kagabi kaya dinalhan kita ng breakfast," sabi niya at nakangiti na naman.

Sweet din itong isang 'to. Kinikilig din naman ako sa kanya pero siguro bago palang kami kaya hindi pa kasing tindi ung pagwawala ng puso ko tulad ng dulot ni Jigs noon. Ooops... bad to compare. Sorry na.

Inayos na niya ung mga dala niyang takeout food from Pancake House.

"Let's eat, honey," aya niya.

"Thanks, honey," sagot ko naman habang umuupo sa tabi niya.

Honey pala ang gusto niyang tawagan. E di sige pagbigyan. Parang nagblush siya bigla nung tinawag ko rin siyang honey. Cute. Kinikilig din kaya ito sa akin?

"Saan ka magChristmas?" Tanong niya.

"Sa Ate ko sa Laguna," sagot ko naman.

"Sa amin na lang, dito sa Makati," aya niya bago ilapit sa akin ung pancake sa tinidor niya na willingly ko naman sinubo.

"Sige na sa amin na lang ung Christmas then sa Ate mo sa Laguna ung New Year. Pwede akong sumama kung gusto mo," pilit nya.

"Okay, sabihin ko kay Ate," sagot ko naman at kumain ako ng bacon.

"Great! Honey, ang saya ko. The best Christmas! Thank you Santa ang ganda ng girlfriend ko," sigaw niya at ako naman ay natawa kahit nagbablush na.

"Christmas shopping tayo mamaya?" Aya niya.

"Sige. Please tell me what to get your parents and siblings," sabi ko naman.

"Okay, honey. ibilhan ko din ung Ate mo and family niya."

"Then pakikilala mo rin ba ako sa Mom, Dad, and siblings mo sa States?" Tanong niya sweetly.

Pag nagkataon siya ang unang papakilala ko sa kanila. Argh. Kinabahan ako. Iba na 'to. Seryoso na. Ipapakilala na e.

"Yes, honey. ISkype natin sila sa Christmas," sagot ko.

Nakita ko namang nagtwinkle ung eyes niya. Ang saya niya ata.

"I love you," sabi niya at hinalikan ako sa lips.

Hindi ko na nakuhang makasagot. After kasi nung kiss e niligpit na niya ung pinagkainan naming at sinabihan na akong mag-ayos para makapagshopping na kami.

---

Pumunta kami sa Powerplant Mall, iwas sa dami ng taong nagshoshopping din sa ibang malls. Bale ibibili ko ung Mama, Papa, Kuya and baby sister niya. Syempre siya rin ibibili ko. Ung iba kong friends and inanak napamili ko na nung nakaraan e. Sila Ate rin napamili ko na.

Binili ko ung Papa at Kuya niya ng cap sa Nike. Magkaibang kulay lang. Then ung Mama naman niya accessories sa Mango. Ung little sister niya binilhan ko ng dress sa Zara, halos kasize ko daw e mas matangkad lang ako ng konti so sa length lang ung tinantya ko. Then siya binili ko ng watch sa Lacoste.

"Honey, sa family ko ba yan lahat? Ang laki na nang nagastos mo," sabi niyang medyo nakakunot ang noo.

"It's okay, honey. Christmas naman e. Minsan lang 'to. And first impression last kaya dapat 'wag akong mapahiya sa kanila," sabi ko sabay sumandal sa braso niyang nakapalupot sa likuran ko.

Hinalikan niya ako sa ulo. "Hinding hindi ka mapapahiya sa kanila. Ayaw ko lang mag-overspend ka. Hindi naman kailangan yang mga material na bagay na yan para magustuhan ka ng pamilya ko," sabi niya.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. He knows the right words to say para mareassure ako that we are okay.

"I got your Ate and her husband matching Yonex badminton rackets and ung pamangkin mo a V-tech toy laptop." Sabi niya na nakangiti.

Gusto kong sapakin itong si Drew. Ako daw overspending e parehas lang pala kami na may kamahalan ang mga nabiling gifts. After nung shopping naglate lunch kami sa California Pizza Kitchen.

"Honey, what do you want?" Tanong niya habang tinitignan namin ung menu.

"I like ung bbq chicken chopped salad, white pizza, jambalaya fettuccine, and strawberry banana smoothie," sagot ko na nakangiti.

"Hungry ka honey?" Tukso niya.

"Nakakapagod kaya magshop. Para sa atin naman lahat un. Except ung smoothie, order ka ng sa'yo and if may iba ka pang gusto," sabi ko.

"I know. I was just teasing you. Lalo ka kasing gumaganda pag naaasar ka. At wala na akong ibang gusto. Ikaw lang more than sapat na!" sabi ni Drew habang sqinueeze niya ung kamay kong nasa table.

Inirapan ko lang siya at lalo naman siyang tumawa. Pero grabe ung kilig ko dun sa more than sapat na.

Dumating na ung order namin at kumain na kami. Sa totoo lang nagutom naman talaga ako sa kakaikot namin.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon