7

87 1 0
                                    

Halos nag-uwian na ang mga kasama ko. Syempre ako bukod sa mag-eextend dahil late na naman kaninang umaga e inaantay ko pa si Jigs. Kasi naman pauso pa nito na may pasundo at hatid pang nalalaman. Tumunog ang cellphone ko. Syempre naexcite ako.

Jigs: Mahal ko, katatapos lang ng shoot. Nag-aayos lang then puntahan na kita.

Ako: Okay, kala ko nalimutan mo na ako.

Ay... ang pacute ko naman ata. Dibale na. Ngayon lang naman e. Inip na ko sa kakaantay. At syempre agad naman siyang sumagot.

Jigs: Hindi posible un! Ikaw lang laman ng utak ko e. Unless magka-amnesia ako.

Alam na alam talaga nito ung kiliti ko. Syempre kilig na naman ang lola niyo. Para akong tangang ngiting ngiti dito. Hay... kung pwede lang na laging ganito lang ang feeling.

Ako: Ingat ka.

Jigs: Kelan kaya maulit pag tawag mong mahal ko sakin?

Naku! Hindi ko alam ang isasagot ko. Ang corny naman nito. Gusto pa may tawagan. Tsk. Hmmm... Ganito kaya talaga ang mga playboy? Pakagat? Tapos pag bigay na bigay ka na; ung next girl in line naman ang bobolahin niya.

Ano ba itong pinasok ko? Labo ko no? Kilig na kilig ako pero dudang duda rin. Kahit sino naman siguro mapunta sa ganitong sitwasyon ganito rin ang mafifeel. Kasi walang kasiguraduhan. Masaya kung sa masaya pero hindi alam kung hanggang kailan. Napatagal na naman ang pag-iisip ko. Nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sakin sa likuran ko.

"Hindi ka na sumagot, mahal ko," bulong ni Jigs sa akin.

Inangat ko ung ulo ko para tignan siya. Wrong move. Nagtama ung mga labi namin. Napangiti pa siya bago hinalikan ako ng tuluyan. Ay... mukhang right move pala.

Ayee! Pawi ang boredom ko sa pag-aantay sa kanya. Kahit antayin ko siya gabi-gabi kung ganito ang premyo ko mukhang willing ko namang gagawin iyon. Grabe! Nakakaaddict pala talaga ang kissing. Baka may gayuma ang laway nitong isang 'to ah.

"Let's have dinner then I'll drive you home," sabi ni Jigs habang naglalakad kami sa parking.

"Okay," sagot ko naman.

Napansin kong napakunot ang noo. Then he added, "Nag-aya kasi mag-inom ung mga lalaking models then kasama rin daw ung mga babae. Susunod na lang ako. Unless gusto mong sumama or pipigilan mo ko."

Syempre tempted akong pigilan siya. Pero pag ginawa ko un baka maturn off naman siya. At takot din akong isipin niyang seryoso ako sa aming dalawa. Teka, may aming dalawa nga ba?

Basta! Alam ko gusto ko kami lang magkasama pero ayokong malaman niya un na manggagaling sa akin. At ayaw kong maisip niyang nag-eexpect ako na may patutunguhan ung mga halikan namin. Ang gulo ko na talaga. Ganito pala ung feeling na nagkakagusto ka sa isang tao. Ung parang nalolove mo na pero hindi pwede.

"You can drive me home now. May food naman ako dun para makasunod ka na sa kanila," sabi ko.

Trying my best not to sound hurt or plastic. Not to show any emotion. Dapat walang effect sa akin ang kahit ano. Dahil naglalaro lang naman kami diba?

Umiling siya.

"Why do I get the feeling na tinataboy mo ko? Selos ka na naman?" Sabi niya.

Sabay hug sa akin at kiss sa ulo ko bago buksan ung pinto ng kotse niya.

Pag sakay namin nakangiti siya. Nakakaloko ung ngiti niya.

"Hindi na ko susunod sa kanila. Let's just have dinner then hang out sa place mo," he said at nagtwinkle pa ang eyes niya.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon