5

91 1 0
                                    

Naloko na! Monday ngayon; nakaligo na ako at halos kalahating oras na rin ang nakalipas pero eto ako undecided pa rin kung ano ang isusuot. Hindi naman ako ganito dati ah. Nakailang try na ko ng mga damit ko pero parang walang sakto sa panlasa ko ngayon. Panlasa ko nga ba o sa iniisip kong panlasa ni Jigs? Grabe! I'm making my world revolve around that mayabang! Nakakainis na talaga ako.

Almost 10am na ko nakarating sa office, buti na lang at flexi time kami. Late nga lang ako makakauwi niyan mamaya. Nadaanan ko ang desk ni Jigs pero busy siyang nagbibida sa mga officemates namin tungkol sa mga pictures niyang nafeature nung nakaraan. OMG! Oo nga pala hindi ko man lang siya nabati tungkol dun. Nakakahiya naman buong araw pa naman kami magkasama kahapon.

"Macey! Bakit late ka? Nabati mo na ba itong si Jigs?" Sigaw ni Karla habang nakataas ang kilay sa akin.

Syempre biglang nabaling sa akin ang atensyon ng madla. Ang galing talaga ng best friend kong ito!

"Uhm... congrats, Jigs," sabi ko na lang nang nakangiti.

He grinned and winked at me knowingly.

Parang gusto ko na magsaksak ng puso. Hindi ko na kinakaya ang mga emosyon na naidudulot nitong lalaking ito sa akin. I silently left habang busy pa sila sa pagbobolahan. Kukuha muna ako ng coffee sa pantry.

Hindi ko namalayan e sinundan pala ako ng mokong na iyon. Nagulat pa ko ng bigla niya kong hinablot at nilock ang pinto ng pantry. Dahil sakto naman na walang ibang tao dun.

Tinaas ko ang kilay ko para itanong kung ano na naman itong ginagawa niya.

"Walang congratulatory kiss? Nalungkot kaya ako kahapon buong araw tayo magkasama tapos hindi mo man lang ako binati tungkol dun," sabi niya habang nagpapout.

Shucks! Hahalikan ko na talaga 'tong pacute na ito. Actually super cute nga e. Nakita ko na wala pa namang paparating na kalaban kaya sinunggaban ko na siya. Hehe...

Just a quick smack on the lips and then sabi ko na lang while smiling, "Sorry na nalimutan ko lang. Nabusy kasi tayo kahapon eh."

Ngumiti ang loko at binuksan na niya ung pinto para umalis. Napangiti rin ako. Kahit ata hindi ko lagyan ng sugar ang brewed coffee ko nyan e parang magiging arnibal pa rin sa panlasa ko un. Ang tamis umibig!

Nung lunch e kinantyawan nilang manlibre si Jigs. E syempre dahil may taglay na kayabangan e go naman. Sa Seafood Island nag-aya at magboodle fight daw kami. Pasimple pa siya na sa tabi ko pumwesto nung andun na. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Kaasar lang kasi baka hindi ako makakain ng tama nito. Maconscious ba?

Nung andyan na nga ang mga pagkain e nagsihugasan na kami ng mga kamay para sa isang matinding boodle fight. Ayos! Ayun ang loko e medyo nagpapasweet. Pero malamang e hindi naman nahahalata ng mga tao sa paligid namin. Panay ang abot sakin ng mga pagkain. Pinaghihimay pa ko ng isda at pinagbabalat ng hipon. O diba? Parang lalong sumarap ung mga pagkain sa panlasa ko. Nalagyan ng Jigs flavor e.

---

Halos nag-uwian na ung mga kasama ko. Syempre ako magstay pa dahil babayaran ko ang pagiging late ko kanina. Akala ko mag-isa na lang ako nang biglang may kumaluskos.

"Manong?" Tawag ko. Baka si kuya guard or si kuya janitor un.

Walang sumagot. Biglang may naghagis sa desk ko ng tatlong paper roses (literal na gawa sa puting bond paper). Galing! Pero syempre napatayo ako sa takot. Sabay lapit ni Jigs na tawa nang tawa.

"Grabe ka! Aatakihin ako sa puso sa'yo eh!" Sigaw ko.

"Ang cute mo kaya. You should have seen your face," biro niya pa sabay niyakap ako bigla. "Sorry na," sabi niya sabay kiniss ako sa noo.

"Tama na," sabi ko. Medyo tinulak ko siya para makatakas ako sa yakap niya.

"Galit ka na sakin, mahal ko?"

"Tse! Huwag mo nga akong minamahal mahal ko dyan!" Pinagalitan ko nga. As if naman kaya niyang panindigan ung pag tawag niyang un sakin.

"Bakit? Masama ba? E sa totoo naman ah?" Sagot niya at ayan niyakap na naman ako.

Ay babae ka... bakit ba ang bilis kong matunaw sa lalaking ito? Alam ko naman niloloko niya lang ako e. Nung isang araw practice pa tapos biglang ngayon sasabihin niya totoo. Hay naku!

"Tayong dalawa na lang dito," sabi niya na may malaking ngiti. Parang naughty actually ang ngiti niya.

"Tumahimik ka nga diyan! Aalis na ko," sabi ko habang nilalagay ko na mga gamit ko sa bag.

Biglang niyakap niya ko sa likod at bumulong siya sa tenga ko, "Be mine, Macey."

Bago pa ako makasagot e inikot na niya ako at hinalikan sa lips. Nakakapanlambot ang mga halik niya ngayon. Niyakap ko na rin siya at syempre ginantihan ng mga halik. Gantihan lang yan para patas.

---

"Bukas ng umaga dadaanan na lang kita. Hwag ka na magdala ng kotse. Ihahatid rin kita pauwi," sabi niya pagkahatid niya sa akin sa kung nasaan nakapark ung kotse ko.

"Hindi naman kailangan," sabi ko nang humihikab.

Grabe naman mapapagod pa siya sa pag drive at ano naman gagawin ko sa kotse ko kung hindi ko gagamitin diba? Pero nakakatempt ang offer niya. Ang pogi naman ng driver ko pag nagkataon. Teka, totoo kayang basta driver sweet lover? Haha... it's for me to find out.

"Basta!" Sabi niya at pinagbuksan na ako ng pinto. Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Ingat ka," sabi niya at umalis na rin papunta sa kotse niya bago ko pa masabi na mag-ingat din siya.

Ang bilis talaga ng lalaking 'to. Gusto siguro e siya parati ang may last say. Hmpf!

Habang nasa byahe e iniisip ko kung ilang taon na akong walang boyfriend. Well, hindi naman talaga ako nahirapan sa pag compute dahil nga since birth naman e. Pero maligayang maligaya ang puso ko dahil nitong mga nakaraang araw e parang kotang kota naman ako sa kilig. Hwag lang sanang mapagod ang puso ko sa kakatibok at minsan ay parang nagkakarera pa at hwag din namang maging permanenteng jelly na ang mga tuhod ko. Exag ba? Pagbigyan na ang first timer. Late bloomer eh.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon