8

71 1 0
                                    

Halos nakalimutan ko na nasa guest room natulog si Jigs kagabi. Parang panaginip lang kasi ang lahat lately. Sino ba naman kasi ang magaakala na magkakaboylet ako? Super pogi pa.

Naalala ko lang na andito siya nung bumaba ako at may kumakaluskos sa kusina. Wow. Nagluluto na naman ang mahal ko. Ooops... buti na lang hindi niya narinig.

"Good morning," bati ko habang sinisilip ung sopas na niluluto niya.

"Ang bango naman niyan," sabi ko pa.

Ang serious hindi ako pinapansin. Samantalang kagabi halos hindi kami makahinga sa kakahalikan. Siniko ko nga.

"E kasi walang good morning kiss kaya wala akong gana," sabi niya at nagpout pa.

Ang cute talaga nito. Try to imagine na ang cute na nya tapos nagpapacute pa. Argh!

"Hmpf!" sabi ko at kiniss ko na sa pisngi.

Ngumiti siya at agad humarap sa akin. "That's more like it," sabi niya at kiniss ako ng mabilis sa lips.

Ang aga-aga pa pero feeling ko kumpleto na ang araw ko. Iba talaga ang dulot nitong lalaking ito sa akin. Great. Just great.

Kumain kami ng breakfast. Masaya. Nagkukwentuhan at harutan habang kumakain. Parang kami talaga. Ganun.

Syempre dahil galing si Jigs sa photoshoot kahapon may extra clothes siya kaya naman diretso na kami sa work nito. Nakasakay na kami sa kotse niya at patungo na sa office. Ang gwapo na naman niya today. Everyday naman talaga gwapo ang mahal ko e. Ayan na naman. Nawili na ko sa kakatawag sa kanya ng ganun ah. At least in my mind lang muna.

"Are you happy?" Biglang tanong niya sa akin habang nagdadrive siya.

"Well, yes. Are you?" I asked back.

"Super!" Sabi niya nang nakangiti hanggang tenga.

Addict talaga 'to. Always niya pinaparating sa akin na okay kami at masaya together pero hanggang dun lang un e. Hindi ko siya maangkin kahit na ako ay kanyang kanya na. Nevertheless, masaya naman din talaga ako. At hindi ko un makakaila.

Pumasok na naman kami ng sabay. Syempre masama na naman ang tingin sa akin ng best friend kong si Karla pati na rin ng kaibigan kong si Julius. Masyado nang naagaw ni Jigs ang oras ko sa mga kaibigan ko. Hindi pa kami ulit nakakapagbonding simula last week. Dati kasi kahit kape or dinner lang lumalabas kami at least once a week after work or pag weekend.

Sinabayan niya ko ng lakad hanggang sa desk ko. "Medyo naiinis ako sa mga tingin sa'yo ng Julius na yan," bulong niya pag dating namin sa desk ko.

Sinimangutan ko. "Grabe ka. He's my friend."

"Basta! Ayaw ko sa kanya." Sabi niya na nakataas ang kilay. Hay naku! Possessive?

Umiling na lang ako.

"Later, mahal ko," sabi na lang niya at tumalikod na papuntang desk niya.

Ako naman sinimulan ko na ung sinusulat ko. May naramdaman akong lumapit sa akin. Tumingin ako at si Julius un na nakangiti.

"Macey, kumusta ka na ba? Medyo matagal na rin tayong hindi nakakapagkwentuhan ah," sabi niya at sumandal pa sa gilid ng desk ko.

Uh-oh. Naisip ko at un na nga nakita ko si Jigs na nakatingin at umiiling-iling. Kapal din nun ah. Siya nga kung nagkataon lalabas pa para gumimik with Rina. Wala siyang karapatan na pigilan ako sa mga kinakaibigan ko.

"Oo nga e. Medyo naging busy lang," sabi ko at binalik ko sa monitor ko ang tingin.

"Oh, okay," sabi niya.

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon