33

50 3 0
                                    

Habang tumatagal e mas lumalalim ang relationship namin ni Drew. Magkasama kami araw-araw. Ilang beses na rin kaming umuwi ng Laguna kina Ate at ako rin ilang beses na rin niyang sinama ulit sa kanila sa Makati.

Masaya ako sa relationship namin dahil never pa kaming nag-away. Not that I am asking for it. Minsan may mga petty na tampuhan pero un lang. Sweet pa rin si honey as usual.

Parang kailan lang Christmas Party sa office namin at nun ko siya sinagot. Ung ang galing niyang pinlano na siya si Brad Pitt at ako si Angelina Jolie. Perfect match nga naman. Akalain niyo first year anniversary na namin ni Drew ngayon.

Honey: Will pick you up later for dinner. May tatapusin lang ako.

Un ang text ni Drew sa akin. Medyo inis ako ha? Anniversary namin baka nalimutan niya. Akala ko pa naman whole day namin icelebrate dahil natapat ng Saturday tapos bigla naman siyang may gagawin. E usually pag weekend morning palang andito na siya sa condo. Minsan nga Friday night dito na siya natutulog. Kung bakit naman first year anniversary pa namin dun siya may gagawin?

Ako: Okay.

Un lang ang matbang kong sagot ko. Baka naman may kailangan lang talagang ayusin. Hindi ko na papalakihin. Tinititigan ko ung regalo ko sa kanya na nasa side table. Isang malaking box na nakawrap. Ang laman nun ay twelve gifts na nakakapagpaalala sa akin about him or vice versa. Kung hindi lang kakalat dapat may tuna sandwich din dun dahil un ang una naming pinagsaluhan noong bago-bago pa ako sa office. May caricature ni Brad Pitt and Angelina Jolie sa gifts ko sa kanya. Cute. Admit it, I'm sweet.

Then may text ulit ang sweet kong boyfriend.

Honey: 'Wag na magtampo ang honey ko. Dinner then I will stay sa condo mo.

Uy alam ata niya ang nararamdaman ko. Kabisado na talaga nya ako. Super sensitive.

Ako: Okay nga. Ingat, honey.

I read a book then watched TV. Then after lunch nagpaganda na lang ako habang inaantay ko si Drew. Nagbabad ako sa bath tub then nagready na para sa anniversary date namin. Nagsuot ako ng spaghetti strap floral dress. Medyo nagmakeup din ako; light lang kasi hindi magugustuhan ni honey pag sobra.

Hindi ko na namalayan ang oras. Maya-maya pa may nagdoorbell. Nagspray ako ng pabango bago lumabas ng kwarto at nagbukas ng pinto.

Pagbukas ko ng pinto wala namang tao. Pero may napansin akong long stemmed red rose sa floor. Pinulot ko at nakita kong may note.

Honey, see you sa rooftop. I love you.

Ano na naman kaya ang pakulo nitong lalaking ito? Ang bilis ng pintig ng puso ko. Pumunta ako sa room para kunin ko ung gift ko sa kanya. Syempre kung may surprise man siya dapat masurprise ko rin siya.

Finally, I reached the rooftop. Maliwanag dahil sa mga lantern na nakapaligid. Pag tapak ng paa ko doon agad may tumugtog ng violin. Tapos andoon si Drew nakatayo inaantay ako. May nag-abot pa sa akin ng isang bouquet ng white roses. Then naglakad ako papunta kay Drew. Shucks! Parang kinakasal lang. Ung groom ko inaantay ako. I smiled. I can see him smiling with eyes twinkling. Ito pala ang pinagkakaabalahan niya kaya hindi siya pumunta ng morning sa akin. Oh my! Ang super sweet ng boyfriend ko.

"Honey, happy anniversary. I love you," bati ni Drew habang hinahalikan ako sa pisngi.

"I thought you forgot, honey. Happy anniversary. I love you," sabi ko habang inaabot ung gift ko sa kanya.

He took it then kissed me on the lips.

"Thanks, honey ko," sabi niya.

Then pinaupo niya ako sa nakaset na table for two. Pag upo ko bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Honey, I have spent twelve wonderful months with you. I could not really ask for more. You have been nothing but the best. You are the reason I breathe. You are the reason I live. You are the reason I smile. You are my everything. And now I am pushing my luck. I am asking you to spend our lifetime together. I love you. I love you very much. Honey, please marry me?" Sabi ni Drew tapos kinuha niya ung kamay ko at isinuot ung isang two-tone ring with diamond.

Hinawakan ko ung mukha niya with my two hands. I bent to kiss him. Isang long lingering kiss sa lips.

"Honey, I would love to marry you. You made me whole. You compete me. I love you," sabi ko tapos hinila ko siya para makatayo na.

We ate ung dinner na pinrepare niya. Then he opened my gift. Natuwa naman siya.

"The bride and groom," sabi niya habang tinataas ung mga caricature nila Brad Pitt at Angelina Jolie.

"Yes, honey ko," sabi ko naman na nakangiti.

After ng anniversary and engagement date namin pumunta na kami sa unit ko to rest.

"I love you very much, honey. Thank you for saying yes," sabi niya at hinalikan ako sa forehead.

"I love you, too," sagot ko at niyakap ko siya.

Sobrang saya ko talaga ngayon. Ako ang talagang wala nang mahihingi pa. Hinigpitan ni Drew ang yakap niya sa akin.

"I love you, honey, my wifey," sabi niya tapos hinalikan niya ako sa lips.

Did he just call me wifey? Oh my! Mas may nakakakilig pa ba dito?

The Other One Who Went AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon