Chapter 1

6.5K 120 19
                                    

Chapter 1

Krisha:

"—Pachelbel Canon, D major?" Amused na napatitig sa akin si Aki. Bina-browse niya kasi ‘yung mga scores na kakabigay ko pa lamang sa kanya.

"—Ah, sige na. Babasahin ko ‘to mamaya. Ja ne," ‘di pa man din ako nakasagot sa tanong niya, inusog niya ako nang bahagya at tuluyan na siyang umalis.

Hinabol ko na lang siya ng tingin. ‘Yun si Chiaki Yamada. Chi ang madalas na itawag sa kanya pero nakasanayan ko na siyang tawaging Aki since ako lang naman ang gumagawa nu’n. Half-Japanese siya. ‘Yung tatay niya ang Japanese at ‘yung nanay niya ang Pilipino. Ang dami kong alam tungkol sa kanya pero hindi kami close, hindi kami magbestfriend, at lalong hindi kami maituturing na magkababata. Kahit ganu’n, laking pasasalamat ko na at hindi kami magkaaway.

Mabait si Aki sa lahat kaya siya popular dito sa school. Pwedeng sabihing siya si Mr. Perfect. Mabait, matalino, artistahin, talentado. Kung bakit associated siya sa isang katulad ko na wallflower ng school ay simple lang, concurso partner kami.

Champion pianist siya at malaki ang contribution niya kung bakit isa akong champion violinist. Siya lang ang accompaniment ko kapag may contest akong sinasalihan. Kahit madalas na bumababa ang self-confidence ko dahil sa pressure, feeling ko panalo na ako basta siya ang kasama ko sa stage.

Ang mga magulang namin ang unang nagkakilala. Napakabata pa namin nu’n nang ipasok kami sa music workshop ng mga nanay namin na pawang mga connoisseur ng classical music. Enrolled ako sa violin class tapos si Aki naman ay sa piano class. Kapag nagkikita ang nanay niya at nanay ko sa waiting area ng workshop studio, chika max na ‘yung mga iyon.

Para sa’kin, hindi maituturing na pambihirang inborn talent ang pagiging isang musician. Kahit sino ay maaaring matutong tumugtog ng violin o piano basta may pera. Mahal ang presyo ng violin at ng iba pang musical instruments. Mahal din ang bayad sa mga private lessons at sa coach. Samakatuwid, maise-celebrate mo lang talaga ang ganda ng classical music kapag can afford ka.

Madalas ay napapaisip ako kung gaano karaming tao ang namatay nang hindi nila nalamang posibleng may talent pala sila sa musika. Masuwerte na ring ituturing na na-manage ko ang pag-aaral ng violin. Sa awa naman ay naging magaling ako sa pagtugtog nu’n, payback man lang sa pagod at gastos ni mama.

Paano nga ba kami naging contest partners ni Aki? Hindi ako ang unang nag-approach sa kanya. Nagvolunteer siya. Pero may kutob akong ang desisyon na iyon ay galing kay mamita. Mamita ang tawag ko sa nanay niya. Mamita din ang tawag niya sa mama ko.

Pareho kaming nag-iisang anak ni Aki. Natutuwa sina mama at papa sa kanya dahil walang anak na lalaki sa bahay. Natutuwa naman si Mamita sa’kin kasi wala siyang anak na babae. Close na close talaga ang pamilya namin. Sana kami rin...

Yes, dumadalaw si Aki sa bahay pero ang dinadalaw lang niya talaga ay ang mga magulang ko o kapag susunduin niya ako kapag may practice kami.

Kung may gap na sa pagitan namin simula pa lang nu’ng seven years old kami, ngayong sixteen na kami, mas lalo iyong pumapader sa pagitan namin. Bihira sa bihira kung kausapin niya ako ng more than five sentences ‘pag kaming dalawa lang at wala ang parents namin. Na-bother nga ako one time. Naisip ko kasi na baka badbreath ako kaya siya mailap sa akin. Hindi naman.

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon