Chapter 4
Krisha:
"Bye, mama!" Pagkasara ko ng cardoor, pumunta ako sa window ng driver's seat at humalik sa pisngi ng nanay ko. Hinahatid niya ako lagi pagpasok bago siya didiretso sa hospital na pinagtatrabahuhan niya. Resident Dentist itong si mama sa isang kilalang private hospital.
Minsan, sinusundo rin ako ni mama ‘pag uwian. Pero madalas na nagko-commute ako pauwi. Kapag natityempohan ko si Aki sa parking, sinasabay niya ako. Mayron kasi siyang driver tuwing may pasok.
“Ingat ka, anak. Study well," last words ‘yun ni mama bago niya pinaandar ang kotse. Halfway na ako palayo sa parking area nang may maramdaman akong braso na umakbay sakin. Si Rho ‘yun nang lingunin ko.
"Good morning, Lukring. Three days na lang at JS na."
Inalis ko ang braso ni yabang at lalo kong binilisan ang paglalakad. "Alam ko ‘yun. Kaya ngayon pa lang, dapat masanay ka nang tawagin akong KRISHA."
Parang huminto sa paglalakad si Rho. Hindi ko nakita pero napakiramdaman ko lang. Ta’s hinabol niya ako. Nahawakan niya ang siko ko. "So, date mo na nga si hapon?"
"Ganun na nga," masaya kong sagot. Ewan ko ba. Gusto ko kasing magmukhang mayabang pero iba ang mood na lumabas sa’kin. Masaya ako kapag naaalala ang momentum na in-ask ako ni Aki na maging partner sa JS kahit napilitan lang siya dahil kay mamita.
Pabalibag na binitawan ni Rho ang siko ko at inunahan pa niya ako sa paglalakad.
Hmp. ‘Di niya ma-take na natalo siya. Maghanda-handa na ako dahil anytime ay pwede niya akong i-troll, siya at ang kanyang mga alagad.
Pagdating ko sa tapat ng room, naabutan ko si Rho na nasa labas pa rin. Bahagyang nakabukas ang pinto ng aming classroom. Sumulyap ako sa kanya.
"Mauna ka na. Ladies first," aniya. Iminuwestra pa niya ang kamay niya sa pintuan. Pa-gentleman kuno. Absent-minded kong binuksan ang pinto.
Pak!
May narinig akong parang kung anong nag-explode. Basta, ‘yun. Nabuhusan ako ng harina sa ulo. Umulan ng tawanan sa loob ng room.
Dinaanan ako ni Rho na parang wala lang pero huminto siya sa harap ko at iniabot ang kanyang panyo. Naka-smirk siya kaya wala akong balak na kunin ‘yun. Binuklat niya ang panyo niya at pinandong sa ulo ko.
Ang walangya! Pagkatapos akong gawan ng ‘di maganda may gana pang umarteng concern?!
"Sinabi nila na paunahin muna kita bago ako pumasok," nag-explain pa ang tukmol!
Ganun naman sila, eh. Pumapasok sila ng maaga kapag may balak silang schemes. Nagtataka lang ako kung bakit medyo delayed ang kanilang master trollz na si Rho.
Madaming beses na nila itong nagawa sa’kin. Lagi akong umiiyak pagkatapos. Mangiyak-ngiyak rin naman ako ngayon pero dahil sabi ko nga ay balat-kalabaw na ako, taas-noo akong lumakad papunta sa seat ko. Sinadya kong magpagpag habang dinadaanan ko ang mga salbahe kong kaklase.
![](https://img.wattpad.com/cover/1485259-288-k631047.jpg)
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?