Chapter 28
Rho:
"Kuya, are you sure about that?" tanong ko ulit sa kuya ko. Nandito ako sa hospital, sa emergency kung saan siya nakaduty. Pansamantala siyang nagbreak para kausapin ako. Pinuntahan ko siya agad nu’ng tumawag siya. Ang sabi niya kasi nakita niya si Lukring dito mismo sa emergency kanina. Nakapajama lang daw iyon pero may mga bahid ng dugo. Kinabahan ako at naging balisa.
"I'm dead sure, Rho. Atleast isang minuto ko siyang tinitigan, eh. And I'm wearing my contacts—"
"Ano’ng nangyari sa kanya? Ayaw niyang magreply sa’kin, eh. ‘Pag tumatawag naman ako nakadivert sa voicemail."
Tinapik tapik ni kuya ang braso ko. "Don't worry, hindi napaano si bunso. Inihatid lang niya ang isang pasyente dito. Siguro umuwi na ‘yun sa kanila."
I jerked away his hand. "EH, BAKIT MO PA AKO PINAPUNTA DITO KUNG OKAY NAMAN PALA SIYA?!"
"Oh, easy ka lang, Rho. Pinapunta kita dito kasi baka interesado ka sa taong sinamahan dito ni bunso."
Oo, nagkainteres nga akong bigla. Sino ang sinamahan ni Lukring sa ospital na duguan? Parents? Kaibigan?
"Sino, kuya?"
Umiling siya. "Hindi ko kilala personally. Pero nagkataong friend ko ‘yung attending physician na umasikaso sa kaibigan ni bunso—"
"Sandali!" putol ko. "Kaibigan?"
"Malamang. Bata pa kasi ‘yung patient. Kaedaran niyo lang. Nagtanong ako sa friend ko kung ano ‘yung sakit ng pasyente. Ang sabi nasa final stage na raw ng leukemia ‘yun. Isinugod sa emergency dahil nagwithdrawal. ‘Pag kasi terminal na ang cancer, dinodroga na. Nakakaawa nga, eh. Ang bata pa nu’n kung tutuusin—"
Tuloy-tuloy si kuya sa pagkukuwento na parang wala lang; pero sa’kin malaki ang impact ng lahat ng narinig ko. Kilala ko na kung sino ‘yung kinukuwento ni Kuya. At saka terminal leukemia? Alam ko na dati na may sakit ang taong ‘yun. Pero wala sa hinagap kong ganu’n pala katindi ang sakit nu’n.
"Rho, nakikinig ka pa ba?" iwinasiwas ni kuya ang kamay niya sa harap ko.
"Ahh... Oo naman! Nandito pa ba ‘yung pasyente na ‘yun? Alam mo ba kung saan ang ward?" siguro alam niya ‘yan. Si kuya pa.
Pinuntahan ko ang ward na sinabi ni Kuya. Nang nasa tapat na ako ng ward, hindi ko malaman kung kakatok ba ako o aalis na lang. Sumilip muna ako sa glass ng pinto, nagbabakasakaling makapagdesisyon na ako.
Si Chi Yamada nga talaga ‘yung pasyenteng tinutukoy ni kuya. Nakaupo siya sa kama habang may kausap na babae. Mayamaya ay inakay siya ng nurse at inilipat sa isang wheelchair. Inalis na rin pati ang dextrose. Lumayo ako sa pintuan dahil palabas na sila. Tumalikod ako at nagkunwaring papunta sa next ward.
"—Sigurado ka ba, onii-chan? Kahit overnight man lang?" narinig kong tanong ng babaeng kasama ni Chi. ‘yun ata ang mommy niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1485259-288-k631047.jpg)
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?