Chapter 27

1.8K 34 0
                                    

Chapter 27

Krisha:

Tuesday. I'm supposed to be at school today.

Well, here I am; sulking inside my room. Very distant ako ngayon sa aking mga friends, my parents, at lalung lalo na kay Rho. I can't think of anyone para pagsabihan ng aking mga problema/

 

Tok! Tok!

"Krisha? May naghahanap sa’yo!" ani Amy matapos niyang kumatok.

Si Rho? Malamang. Nag-aalala na siguro ‘yun dahil magdamag nakapatay ang phone ko, offline ako, and I didn't go to school. What do I do?! HINDI KO SIYA KAYANG HARAPIN LOOKING LIKE THIS! Arrgh I'm so stupid!

Ibinato ko ang lahat ng unan ko sa sahig. But I didn't feel any better.

Tok! Tok!

"SABIHIN MO SA KANYA NA UMUWI NA SIYA! SA IBANG ARAW NA KAMO KAMI MAG-USAP!" sumigaw na ako na may halong pagkainis.

"Lucrezia... Ako ‘to."

Napatayo agad ako pagkarinig sa boses. Hindi ‘yun si Rho. Lumapit ako sa pintuan at pinihit ang seradura. "Aki?" natutop ko ang bibig ko. Nakakahiya. He caught me in my worst look ever. I'm still in my pajamas and my hair is unruly. But that's my fault anyway because I opened up for him.

Naka-beanie na naman siya. It makes me wonder kung ayaw ba niya sa skinhead niya or what. Guwapo naman siya kaya sa tingin ko lahat ng hairstyle ay bagay sa kanya. He gently pushed me inside hanggang sa nasa loob na kaming dalawa. Siya pa ang nagsara ng pinto. Pagharap niya sa’kin, niyakap ko siya. I never imagined him so thin and fragile like this.

"Aki, mahal mo pa ba ako? Kasi... kasi mahal na mahal pa rin kita."

He didn't reply. He made me sit on the bedside while he bended on his knees on the carpet. Tumingala siya sa’kin. Mukha siyang pagod pero ‘yung mga mata niya, buhay na buhay. "Huwag kang ganyan, Lucrezia. Inaasahan ka ng boyfriend mo."

Umiling ako. I am stupid. I am. I will always be. "You came back to me! Kaya ko ding bumalik sa’yo! Please... Please..." para akong batang umiiyak. Naghalo na ang luha ko pati na ang uhog ko.

Masaktan na ang masasaktan but I won't let him get away from me again. I asked God for this. Magpapaalam ako kay Rho. Alam kong hindi ako ang babaeng para sa kanya. He'll get by.

"Lucrezia, ‘wag ka nang umiyak, hindi pa ako patay. Mag-usap tayo—"

"Nag-uusap na nga tayo!" Nagwawala na talaga ako sa harapan niya. Hindi ako titigil sa pagmamaktol hangga't hindi ko nakukuha ang sagot niya. "Please, Aki! Please!"

He made me stop. Ibinaba niya ang ulo ko at hinalikan niya ako sa mga labi ko. That kiss soothed my nerves. When we parted, amused si Aki habang pinagmamasdan akong nakatameme.

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon