Chapter 22

2.1K 37 6
                                    

Chapter 22

Krisha:

"Anata..." Natutop ko ang aking bibig. Kailangan ko siyang titigang maigi dahil baka mamaya ay imagination ko lang na nakikita ko siya sa harapan ko.

He smiled faintly then held my hand. "Pumasok na tayo sa loob at baka lamigin ka."

"M-mag-oovernight stay ka ngayon rito?" Pabulong kong tanong.

He nodded.

Naabutan ko si mama na natutulog sa may sofa habang bukas ang tv. Late night news na ang show. She was curling up inside a blanket. Maybe Aki did that. Lumapit ako kay mama and I kissed her cheek. Naalimpungatan siya sa ginawa ko. "Krish, what time is it? Nandiyan na ba ang papa mo?"

"Mukhang wala pa. Itetext ko po siya. Go to your room na, mama."

Inalalayan siya ni Aki paakyat. Ako naman, pinatay ko ang TV bago sumunod sa kanila. I went to our veranda, obviously waiting for Aki. I just know he'll follow me here.

"Anata..." he called out to me. As expected. Ibinalabal niya sa’kin ang dala niyang sweater bago siya umupo sa bench. Tumabi ako sa kanya. "Kailangan na nating magpractice dahil malapit na ang concurso," giit niya.

"Ewan ko, Anata. Parang hindi na ako interesado sa contest. I have this bad feeling—"

Umakbay siya sa’kin sabay humalik siya sa noo ko. "Ano ka ba? We're invincible."

To tell me we’re invincible. I don't know what that means. Inalis ko ang braso niya sa pagkakaakbay niyon sa akin. Lumayo ako nang kaunti para magkaharap kami. "Tell me, bakit mo ako iniiwasan? What's the matter with me? Hindi ko na kasi alam kung paano ako lulugar sa’yo—I mean, there's a vast space around you pero pakiramdam ko nakatayo ako sa pinaka-dulo nu’n."

Malapit na akong maiyak pero nauna ang pagkainis nang hindi niya ako sinagot. Okay, fine. I don't have any right to get pissed. He's too good nga pala. To my surprise, he took out something from the pocket of his pants. A white silk ribbon. Kinuha niya ang isa kong kamay tapos itinali niya ang ribbon na ‘yun sa ring finger ko.

"Sorry kung hindi ko ‘to naibigay sa’yo nu’ng actual White day. Pero March pa naman, hindi ba?"

Marahan akong tumango. I was actually lost for words. He still hadn't let go of my hand. He held it up and planted a kiss at the back of my palm.

"Alam kong binibigyan kita ng heavy feelings nitong mga nakaraang araw at hindi ako manhid para hindi maramdamang nasasaktan kita. Pero—please tell me that you're going to marry me someday. Tell me that you're going to be my wife. Tell me—"

Yumakap ako sa kanya para itago ang luha ko. My love for him is enduring. What's the point of giving up now? If I am to suffer for someone, better be him than anyone else. Isang araw ay mawawala din ang lahat ng sakit. Because he's Aki. I believe in him.

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon