Chapter 17

2.1K 39 2
                                    

Chapter 17

Aki:

"—Your white blood cells continously undergo cell division. Lahat ng tao ganu’n din naman. But unfortunately, ‘yung WBC mo kasi ay hindi namamatay after they reached their maturity kaya nagiging crowded sa iyong dugo. Sa ngayon, under chemotherapy ka na nga at binigyan kita ng 3 cycles muna. Ang isang cycle ay 5days. So your 1st cycle should end today. After your 1st cycle, your body will take rest in 3-4weeks para maka-recover sa side effects ng gamot. Kaya tatagal ang therapy ng more or less 4months.

 

Titingnan natin ang response ng katawan mo sa treatment. Kapag walang pinagbago, uulitin natin uli ‘yan. I may also advice a bone marrow transplant.

 

Chemotherapy affects cells na mabilis magmultiply like the cells in the lining of your stomach, cells in your bone marrow, and hair cells. Kaya naman lagi kang parang nasusuka, nanghihina at nalalagasan ng buhok. Kung may mga gusto kang gawin, at kaya mo pang gawin gaya ng pag-aaral, do it. Baka kasi next time, exhausted ka na."

Parang nakarecord na sa utak ko ang mga sinabi sa’kin ng doktor ko. It's ringing in my ears over and over kahit may ilang oras na ang nakakalipas.

May sakit ako. May Leukemia ako.

Nu’ng tinanong ko siya kung mamamatay na ba ako—

"Hindi pa kita tinataningan, Chiaki. Meaning you still have a fat chance na gumaling. May mga gumagaling sa Leukemia. Have faith."

Have faith.

Mayroon naman ako nu’n pero natatakot ako. Iisipin ko pa lang na malaki rin ang chance na maaari akong mamatay nang maaga, natatakot talaga ako.

Ting!

Sa sobrang pag-iisip, ikinagulat ko ang pagtunog ng elevator. Nasa 27th floor na pala ako. Tahimik kong nilakad ang corridor hanggang sa nasa tapat na ako ng pinto ng unit namin.

"Yamada residence?"

"Oka-san..."

Binuksan kaagad ni Oka-san ang pinto. Hindi niya iniexpect na uuwi ako nang maaga. "Onii-chan? Masama ba ang pakiramdam mo? Nasaan si mang Nes at—"

Nilagpasan ko siya at nagtuloy-tuloy ako sa sala. Sinundan niya ako.

"Doshita no, Onii-chan?" [What's wrong?]

"Bakit ka naglihim sa’kin tungkol sa tunay kong sakit?!"

Saglit na natameme si Oka-san. "Alam mo na?"

Tumango ako.

"Kasi Onii-chan—"

Ngayon ko lang talaga hindi napigilang magtampo sa kanya. Oo, ayoko din malaman kung ano ‘yung sakit ko; pero sana sinabi niya pa rin. Nanay ko siya. Sa kanya ko dapat unang malalaman ‘yung totoo bago sa ibang tao kahit gaano pa kahirap tanggapin. Paano kung bigla na lang akong namatay tapos hindi ako handa? Tapos hindi rin handa ang mga taong malalapit sa’kin dahil hindi rin nila alam?!

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon