Chapter 6
Krisha:
"Krisha, uuwi ka na ba? Punta muna tayong mall, sige naaa!" kinukulit ako ni Marie habang inaayos ko ang gamit ko.
Hayun, uma-aura na naman siya dahil may kailangan siya. ‘Pag wala, no signal. Hindi mo siya makikitang nakadikit sa’kin ‘pag pinag-iinitan ako ng mga kaklase namin.
"Next time na lang, Marie. Dadalaw kasi ako sa kaibigan ko."
Humalukipkip siya. "Hmp... Kaibigan-kaibigan ka diyan. If I know si Aki ang dadalawin mo, ‘te!"
Heeeh?! Alam kaagad? Sabagay, alam naman ng madlang publiko na Concurso partners kami.
"Oh, eh, kaibigan ko naman si Aki, ‘te, ‘di ba?" Katwiran ko kay Marie.
Pinalo niya ako sa braso pero mahina lang. "Kailan pa naging kaibigan ang tawag sa first love mo?"
"Shhhh—" luminga-linga ako sa paligid namin. Paalis pa lang rin ng room sina Rho dahil nagharutan muna sila. "Huwag kang maingay at baka marinig ‘yan ng mga trollz!"
Bakit ba ako natatakot na malaman nilang may gusto ako kay Aki? Ano pa bang pantitrip nila ang hindi ako nakasurvive?
"Sige na nga, ‘te." Bumalik na si Marie sa desk niya at kinuha ang bag.
Hinintay kong makalabas muna ng room ang lahat ng classmates ko bago ako lumabas. Ganu’n na ako eversince. Vigilante ako pagdating sa mga mahilig mamatid kapag hindi mo tinitingnan ang dinadaanan mo. Du’n lang talaga nila ako nabibiktima sa pintuang may harina.
Naghihintay na ako ng jeep sa may sidewalk nang may humintong kotse sa harap ko. Bumaba ang salamin sa may passenger's seat at lumabas ang lamig galing sa aircondition. "Sumabay ka na sa’kin, Lukring," ani Rho na nakadungaw sa nagbukas na bintana.
Maniniwala na sana ako sa himala; kaso iba pa rin talaga ang woman's intuition. Baka mamaya niyan, dalhin lang niya ako sa lugar na ‘di ko alam. Ililigaw niya ako tapos iiwan du’n nang mag-isa!
Ngumiti siya nang nakakaloko. "Mukhang masama ang naiisip mo, ah? Hindi kita ililigaw, ano? Pero posible ‘yun kung wala akong kasamang driver."
Click!
Bumukas ang pinto ng kotse. "Sakay na!" utos ni Rho.
"Eh, dadalawin ko si Aki..." halos binulong ko lang ‘yun.
Sumimangot si Rho. Bumaling siya sa matandang driver. "Tara na, manong." Sinarado niya ang pinto ng kotse pati ang salamin.
Hindi pa nakakalayo ang kotse ay pumatak na ang ulan. Ambon pa lang naman iyon. Ngunit paano kapag lumakas?! Wala akong dalang payong ngayon! Nilabas ko sa bag ang jacket ko. Necessity ‘yun sa school dahil todo kung mag-aircon sa room ang mga classmates ko. Pinandong ko ‘yun sa ulo ko.

BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?