Chapter 29
Krisha:
Wednesday. Wala pa rin akong balak pumasok kahit maaga akong bumangon at nakisabay sa breakfast ng mga magulang ko.
Kung tutuusin dapat pagalitan na ako nina mama at papa sa ginagawa ko; pero nakakapagtakang hindi man lang nila ako sinisita. Very very understanding parents ba talaga sila o nagiguilty sila over something that’s why they’re giving me consent?
Alam kong alam nila na bumalik na sina mamita at Aki. They just don't open anything to me.
Tling!
I purposedly dropped the fork I'm holding. Malakas ang tunog na likha nu’n lalo't tumama sa babasaging plato. "Ma, Pa, let's talk, please. ‘Wag tayong ganito—"
Nahuli ko silang nagsulyapan bago lumingon sa’kin. "What about?" tanong ni mama.
"About Aki. You've been in touched with mamita and him over the past two years. Bakit niyo ‘yun itinago sa’kin?!"
"Krish, it's for the better. Kahit minahal namin ang batang ‘yun na parang tunay na anak, wala na kaming kayang gawin para sa kanya. Pero para sa’yo, mayroon. Marami. Ayaw ka naming masaktan. Ayaw ka niyang masaktan."
There it goes. Nag-ring nang paulit-ulit sa mga tainga ko ang sinabi ni papa. Umalis ako ng komedor nang hindi man lang sumagot.
Si Aki. Si mamita. Sina mama at papa. Lahat sila sinasabing ayaw nila akong saktan. Pero hindi ba nila alam na sa ginagawa nila, they're giving me twice the pain. Parang alam ko na kung ano ‘yung pilit nilang itinatago. I know. Nirerepress ko lang. I'm just in a denial stage.
I left the house earlier than my parents did. I went back to the hospital kung saan isinugod kahapon si Aki. Wala na daw siya nu’ng nagtanong ako sa receptionist.
Aki went back here in the Philippines but I felt I lost him again. Sinasanay na ba niya ako? Ah, no! Don't think about that, Krish!
Nagdecide akong dalawin siya sa condo nila. Pagbaba ko ng 27th floor, ibang music ang sumalubong sa’kin. It's not from the usual piano, but a solo violin. Isang Chopin for violin ang tinutugtog: Tristesse.
Pinatapos ko muna ang tugtog bago ko pinindot ang buzzer. Si Aki ang nagbukas ng pinto para sa’kin. He's still in his pajamas.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Nasaan si mamita?" magkasunod kong tanong.
"Maayos na ang pakiramdam ko. Si oka-san, may binili lang saglit," he answered. We went to their living room. Sarado ang pianoforte at nakapatong sa ibabaw nu’n ang isang violin.
"Ikaw ‘yung tumugtog ng Tristesse kanina?"
He nodded sheepishly habang kinuha niya ang violin. I was amazed to learn that he can play violin too. "Nag-aral kang mag-violin?"
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?