Chapter 5
Aki:
Pagkatapos ng klase ko, bumalik kami ni oka-san sa ospital para kunin ang results ko ng CBC (Complete Blood Count) at Iron tests. Hindi na kasi namin ‘yun nahintay kahapon nu’ng nagpacheck-up kami dahil may lakad si oka-san.
"Mrs. Yamada, we have to talk. Kung puwede, tayong dalawa muna. This is very confidential." ‘Yun kaagad ang sinabi ng doktor ko pagpasok pa lang namin sa opisina niya.
"May problema po ba?" tanong ni oka-san. Umupo ako sa couch pero siya nanatiling nakatayo.
Humawak sa braso niya ang doktor. Balisa iyon at kita kong sumimangot pagtingin niyon sa’kin. "Dun po tayo mag-usap, misis."
Lumabas sila ng office kaya naiwan akong mag-isa. Binuksan ko ang PSP ko para ipagpatuloy ang nilalaro kong game. Pagkalipas ng mahigit sampung minuto, bumukas ang pinto at pumasok si oka-san. Kasunod niya ang doktor ko. "Onii-chan, let's go!" galit ang tono ni oka-san. Bakit kaya?
"—Mrs. Yamada, believe me. Me and the coder did an extensive deliberation about the matter. Pero I would advise you to seek for a second opinion—"
Nilingon ni oka-san ang doktor. "YES! I'LL DEFINITELY ASK FOR A SECOND OPINION! You don't know what you're talking about!"
"Very well, Mrs. Yamada. But I must tell you, the CBC already tells-it-all. Now, kung patatagalin niyo pa ‘yan, baka ang anak niyo rin ang mahirapan."
"SHUT UP, OKAY?!"
"Oka-san, yamete kudasai." [Ma, please stop it.] inawat ko na si oka-san. Hindi naman siya temperamental at bihira siyang magalit. Nakakapagtaka ang inaasal niya ngayon.
Inakay ko siya palabas ng office. Hinintay kong makasakay kami ng kotse bago ko siya tinanong. "Oka-san, may problema po ba? Bakit mo inaway si Doc?"
Tulala siya.
"Oka-san? Kaya mo po bang magdrive?"
Lumingon siya sa’kin. Du’n lang nawala ‘yung emptiness ng mga mata niya. "Oo naman, onii-chan. Tara na."
Pag-uwi namin sa bahay, halos hindi na siya umalis sa couch katabi ng landline. Maya't maya niyang idinadial ang bawat number na mahintuan niya sa directory.
Naupo ako sa harap ng piano namin at tumugtog ako. Sana ay kumalma na si oka-san. Hindi kasi niya sasabihin ang problema kapag stressed siya. Sinasarili niya palagi. Sinasabi na lang niya ang tungkol du’n kapag nagawan na niya ng paraan.
Driiin—DRIIIN!
"Onii-chan? Bakit ka tumigil? Nakikinig ako."
Nanigas bigla ang mga kamay ko— may nararamdaman akong makirot!
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?