Chapter 18
Krisha:
Kahit pa nakatulog ako nang may negative thoughts kagabi, I woke up so early thinking if last night was only a dream. Minsan kasi ‘yung mga wishes ko, ni-wish ko lang talaga but I actually never expect them to happen. Lumabas ako ng room at nag-standby sa next room kung nasaan si Aki.
Pinihit ko ang doorknob. Bukas naman siya. Sumilip ako sa loob. Natutulog pa si Aki. Nakatagilid siya at yakap niya si Ms. Bear. Sobrang cute nilang tingnan kaya hindi ko napigilan ang sarili ko, pumasok ako sa loob at lumapit sa kama. Hinawi ko ang buhok ni Aki. I decided to kiss him on his forehed.
I was about to go out of the room nang maramdaman kong may humigit ng braso ko. Nilingon ko si Aki at ngumiti sa kanya. "Ohayo... Bumangon ka na kasi may pasok tayo."
Naupo siya sa kama, ganu’n din ako, tapos yumakap siya sa’kin. He's been super kaduper quiet lately. Parang balik na naman kami sa dati naming set-up. Nag-ring ang phone ko (Jeez, why did I pocketed it in the first place? THIS EARLY MORNING?!) at nasira ang moment namin.
"Sasagutin ko lang ‘tong tawag dahil baka importante. Maghanda ka na for school, ha? Mamaya tatawag na si Mama for breakfast." Bago ako lumabas ng room, I saw him nod.
Si mamita ang tumawag. I went to the veranda and answered the call. "Hello po, mamita?"
Siguro ay matagal-tagal rin bago siya sumagot. I can hear her sobs. Umiiyak si mamita? But why? "Aka-chan, ‘wag mong sasabihin kay onii-chan na ako ang tumawag, please. Kamusta na siya? Okay lang ba siya?" Why is she like this? Nakakapanibago.
"O-Okay lang po siya. Ahm, mamita? May problema po ba kayo ni Aki?" tanong ko.
Narinig kong muli ‘yung hikbi niya. "Nagtampo kasi siya sa akin at ayaw niya akong kausapin…"
That explains why Aki is here. "Mamita, ‘wag na po kayong umiyak... I'll help you. Gagawa ako ng paraan para makipag-usap na sa’yo si Aki."
Bago ko ibinaba ang tawag, I just knew mamita did smile. Hindi ko na inusisa kung ano ang issue nila ni Aki pero sa tingin ko ay mabigat ‘yun para magdecide si Aki na ‘wag umuwi ng bahay nila.
"Oh, Krish, anong oras na at nakatanga ka pa diyan? Maligo na! Prepare for school!" Nadaanan ako ni Papa. Nakabihis na siya at pababa na ng hagdan.
"Ah, eh... Sabi niyo nga po!" I dashed back to my room para gawin ang mga sinabi ni Papa. Masaya akong kasama namin sa breakfast table si Aki. How long was it since the last time na nagbreakfast siya kasama namin? Ang alam ko, 6th grader pa kami noon.
Mama drive us to school. Quarter to 7 kami nakarating sa parking. "Study, well kids!" she waved us goodbye before she hit the road again.
Humarap ako kay Aki nu’ng wala na sa paningin ko ang kotse ni mama. "Anata, mauna ka na sa room mo."
Ilang ako na makasabay isya papasok ng senior building. Unusual na sabay kaming maglakad ni Aki sa umaga. Uulan ng tsismis at babaha ng wrong speculations. Or so I thought. He gently shook his head. Hinawakan niya ang kamay ko. Siya ang nauna sa paglalakad at halos mahila niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/1485259-288-k631047.jpg)
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?