Chapter 2
Krisha:
Haay… Late na naman ako… ano ba ‘yan? Nagkukumahog ako sa pagpapalit ng PE uniform. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa locker ko bago ako pumila sa likod ng mga kaklase ko. Compared sa teacher ko sa Math, mabait-bait naman ang PE teacher namin. Katapat ko sa pila si Rho na nauna ng konti na dumating kaysa sakin.
"Okay, guys, since kumpleto na tayo… let's start!" pumalakpak pa si Miss para makuha ang attention namin. Pumunta siya sa chair niya kung saan nandu’n ang kanyang netbook na may nakakonektang speakers. Binutingting niya ang netbook at ilang saglit nga ay may narinig nga kaming tugtog.
"Waltz ang lesson natin for today. Tamang tama since malapit na ang JS Prom!"
Kuh… JS Prom. Hindi ako umattend ng JS Prom last year. Wala kasi akong partner. Kailangan ko nu’n dahil siguradong mao-OP ako sa mga kaklase ko na ‘to.
Si Aki rin hindi ay umattend noon. Kabaligtaran ng sa’kin ang reason niya. Nahirapan yata siya kasi marami ang nag-a-ask sa kanya na maging date.
"—Master, pustahan tayo na magiging date ni Lukring sa JS si hapon!" Luminga sa gawi namin ang kaklase naming nasa harap ni Rho. Master ang tawag ng mga kaklase kong lalake kay Rho for-I-don't-know-the-reason-why.
Inirapan ko sila. "Tumigil ka, Santi, ha?! Pati sa on-going class dapat nang-aasar?"
"—Paano naman kaya niya mapapapayag maging date ‘yun, eh butangera ‘yang si Lukring," sinabi ‘yun ni Rho with an evil grin. Napuno ng dugo ang pisngi ko. Asar na asar ako. Ano'ng word ‘yung BUTANGERA?! Shucks!
"Excuse me lang! Kayang-kaya ko kayang mapapayag maging ka-date si Aki!" Ano ba ‘tong pinagsasabi ko? Parang kusang lumalabas sa bibig ko.
"Sige nga, pustahan?"
Alam kong tinotorment ako ni Rho para ipahiya. Kaya hindi ako dapat magpatalo s kanya! "Sige ba!" Ang tapang ko lang!
"Kapag napapayag mo si hapon, hindi na kita tatawaging Lukring—"
Aba, maganda ‘yan!
"—Pero kapag hindi mo siya napapayag, ako ang magiging date mo sa JS."
Napanganga ako sa sinabi niya... Siya, magiging date ko sa JS?! Yari ako nu’n! Malamang na i-ba-bash at i-to-troll niya lang ako nang bonggang-bongga!
"Kayong dalawa riyan sa likod, daldalan kayo nang daldalan! Come here in front!" Sureball akong sa amin nakatingin ang teacher namin. Pati mga kaklase ko kasi ay nagsilingunan na rito! Patay!
Cool na cool namang tumayo si Rho at lumapit sa harap. Kinakabahan man ako, sumunod na lang ako.
"Stand in front of each other. Kayo ang magdedemo sa klase ng basic steps ng ituturo kong waltz."
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
TeenfikcePaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?