Chapter 3

3.3K 87 6
                                    

Chapter 3

Rho:

"RHO?! RHO?!"

Hinubad ko ang headset na suot ko at pinakinggan kung sino ang tumatawag sa’kin. Kung kasambahay lang, ‘di ko papansinin.

Bam! Bam!

"RHO, OPEN THIS DAMN DOOR!" Ah. Si Daddy pala.

Tumayo ako mula sa cushion at pinagbuksan ko siya ng pinto. "Yes, Dad?"

Salubong ang kilay niya habang nagpapasalit-salit ng tingin sa’kin at sa kanyang PC tablet. "Hindi ka raw um-attend ng review center?!"

"Tinatamad po ako," simple kong sagot.

"Forchristssake naman, Rho!"

"—Dad, please! Papasa ako ng entrance exams kahit ‘di ako magreview center. At isa pa, ayokong mag-aral sa PLM!"

Iritableng kumumpas-kumpas na sa hangin ang freehand ni Dad. "THERE WE GO AGAIN! Ikaw bata ka, sinasayang mo ang talino mo! Look at yourself! Consistent honor ka nung elementary, pero ngayon, ano?! Bulakbol! Puro palakol ang grades at nasa lowest section pa nga!"

Kasalanan ko ba kung nakakatamad mag-aral? Kasalanan niya iyon! Bata pa lang ako, pinu-push na niya ako na pag-aralan ang mga lessons na masyadong advance para sa edad ko. Kaya ngayon, ‘yung mga itinuturo sa school, matagal ko nang alam. Sinasadya kong paramihin ang mali sa mga exams dahil mas gusto ko sa lower section.

Kapag nasa higher section ako, parang gusto ko laging manapak, eh! Puro mga grade conscious ang mga kaklase pero kopyador naman. Kapag hindi ka beneficial sa kanila, ‘di ka nila kakaibiganin. A bunch of losers.

Kringg! Kringgg!

Bumandera ang ringtone ni Daddy. Kliyente na naman niya iyon, malamang. Sinagot niya ‘yun kahit hindi pa kami tapos mag-usap. "Yes, hello, Gov? Ah... Hold on a sec—" tinakpan niya ang mouthpiece ng kanyang iPhone bago tumingin sa’kin. "—hindi pa tayo tapos, Rho!"

Technically, tapos na kami. We always end up our conversations with a phonecall mula sa longlist ng mga kliyente niya. Sinarado ko na ulit ang pinto.

Kahit kulang ako sa pansin ng tatay ko, hindi ako galit sa kanya. In fact, masaya nga ako dahil hindi niya ako masyadong pinakikialaman. Crucial lang talaga siya na makapasok ako sa alma mater niya gaya ng kuya ko na med student sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila under College of Medicine.

Dalawa lang kaming magkapatid ni kuya Sigma. Wala na ang mommy namin, namatay noong pagkapanganak sa’kin.

Si Dad, hindi na nag-asawa ulit. May mga nagiging girlfriends siya pero sandali lang. Wala daw siyang time. Bukod kasi sa pagiging kilalang lawyer ng mga pulitiko at artista, may minamanage siyang law firm at master ng isang kilalang fraternity. Sa pagkaloyal niya sa fraternity niya, pati pangalan namin ni kuya, initials na pang-fraternity.

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon