Chapter 14
Krisha:
My heart leaped pagkakita ko sa kotseng nakaparada sa labas ng bahay namin. Well, hindi naman kasi ganu’n kalaki ang carport namin kaya kapag may bisita kaming nakakotse, they have to park outside. I just happen to know kung sino ang may-ari ng kotse!
"Oh, Krish saan ka ba nagpupunta?! Hindi mo pati sinasagot at mga tawag at texts ko! Pinatay mo ang phone mo!" Pinagalitan ako kaagad ni mama pagkabukas niya ng gate.
I smiled apologetically "Sorry po, Mama! Empty bat po ako." I lied. Ang totoo, pinatay ko talaga ang phone ko dahil nga slight akong may tampo kay Aki—
"Alam mo bang may bisita ka?! At two hours na siyang naghihintay sa’yo? Haynaku! Pero dito na sila magdidinner ng driver niya dahil gabi na," dugtong pa ni Mama.
What?! He waited for two hours? Agad agad akong napasugod sa loob ng bahay. Sa sala ako unang pumunta.
Naabutan ko doon si Mang Nes, ang driver ng sasakyan na nandoon sa labas. He's sitting on one of the armchairs, drinking coffee habang nanonood ng evening news. Panaka-naka din niyang chinecheck ang wristwatch niya.
"Magandang gabi po, Mang Nes! Sorry po at naghintay kayo!" nag-bow pa ako sa kanya. Nakakahiya! Napakapaimportante ko, hmp! Tumango lang siya at ngumiti. "Nandu’n yata siya sa itaas, puntahan mo na siya."
Nagmadali akong umakyat sa second floor at nagpunta doon sa may veranda. Katabi lang ‘yun ng room ko. Nakita ko siya. Nakatayo habang nakatingala sa langit. I dropped my things on the floor. There's this overwhelming feeling na biglang nagsurge sa’kin. I hugged him from behind. I bet nagulat siya pero hindi naman siya pumalag whatsoever.
"Aki.. Aitai." namissed agad? Eh, sa ‘yun talaga ang nararamdaman ko.
May license si Aki mula sa parents ko na magpunta kahit saang sulok ng bahay namin. Anak ang turing sa kanya nina Mama at Papa kaya he can assume na parang dito siya nakatira. They even gave him a room here! Katabi ng room ko. Nag-oovernight dito si Aki dati, lalo na ‘pag nasa abroad si mamita. Pero ngayon, simula nu’ng nag-high school kami, bihira na lang.
Umikot si Aki para harapin ako. He looked ill, nevertheless ang gwapo niya pa rin. Hindi na siya naka-uniform, nakacasual get-up na, so I think umuwi muna siya ng condo unit nila bago nagpunta dito.
"Aki, bakit hindi mo ako tinext kanina?" alam mong naghihintay ako, ‘di ba?
Sa’ming dalawa, ako siguro ang lumalabas na 'devoted'. If he said he loves me, I'll show him that I love him more. I'm not asking for requits. Pero sana maging sensitive naman siya?
Ngumiti lang siya. Okay, I forgive him na. "So sorry, Lucrezia. I was caught up by my classmates—"
Oo, naiintindihan ko. Loved siya ng mga classmates niya. As in they want to keep him for themselves! Mga makasarili! Boohoo.
"At ano ‘yung kumakalat na tsismis? B-in-usted raw kita?" He looked amused.
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Novela JuvenilPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?