Epilogue

3.4K 101 31
                                    

Epilogue:

Krisha:

Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong tugtuging muli ang favorite piece ko. Narealize ko din na sayang kung magququit ako. Maaari kong ibahagi ang mga natutunan ko sa mga future violinists.

I wiped away my tears at inilapag ang violin sa kama. I have to carry on with life. That's what Aki wanted. Nandiyan pa sina mama, papa, at mamita na umaasa sa’kin.

"Aki... You're my angel. Please continue guiding me, wherever you are..."

I suddenly looked at the wall clock. Biglang pumasok sa isip ko kung anong mayroon ngayong araw na ito.

Shoot! Anong gagawin ko? Pupunta ba ako o hindi? Nagmadali akong nag-ayos at umalis ng bahay.

****

Rho:

Alam kong pupunta siya para bawiin ‘yung singsing kaya hihintayin ko siya kahit pa maiwanan pa ako ng eroplano. Magpapaiwan nga talaga ako ng eroplano. Iisipin ko pa lang na lalayo ako sa mga taong mahal ko, hindi ko na kaya.

Ayokong umalis. Kahit kunin nga ni Lukring ang singsing sa’kin, hindi ako lalayo sa kanya. Kahit magmukha pa akong stalker, o kahit ipagtabuyan niya ako—

Nakita ko na nga ang hinahantay ko. Hinihingal siya kakatakbo. Ang buhok niya, akala mo hindi sinuklay ng isang taon. Malalim ang eyebags niya. Nangangayayat. At mismatched ang suot na damit. Kung nakita ko siyang ganito dati, hindi ko siya titigilan sa pang-aasar. Kumaway ako para mas madali niya akong makita. "Lukring!"

Huminga ako nang malalim. Niyakap ko siya paglapit na paglapit niya. "SORRY, PERO HINDI KO IBABALIK ‘YUNG SINGSING SA'YO. HINDI RIN AKO AALIS. I WANT TO STAY WITH YOU, PLEASE—"

Halos itulak niya ako palayo. Ganu’n ba talaga niya kaayaw sa’kin?!

"Please, Lukring, please— ayokong—" to my biggest surprise, she steadied my head and then kissed me on the lips!

"Haysalamat, natahimik ka din…" Sabi niya habang nakangiti. Namula ako pero ngumiti na rin. Hinubad niya ang suot niyang band at ipinakita sa’kin ang pangalang nakaukit sa likod.

"Sira talaga si Aki. Tingnan mo, pangalan mo ang nakalagay dito."

Pinagmasdan kong maigi ‘yung singsing ni Lukring. Oo nga 'Rho' ang nakalagay du’n. Isinuot uli ‘yun ni Lukring. Why?

"Rho, you have to go."

Umiling ako. "Hindi ako aalis—"

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "I need time. Please wait for me—"

Her words hypnotized me, or something like that. Absentminded akong tumango sa kanya. Nagbalik lang ako sa huwisyo nu’ng nag-page na para sa flight ko.

"Can I kiss you before I go?" Hindi na dapat ako nagpaalam. Before she answered yes or no, I already did it. Busy naman ang lahat kaya hindi kami masyadong pinapansin.

"NICE ONE, MASTER!" may sumigaw mula sa ‘di kalayuan.

Si Santi iyon. Kasama niya si Clive na may hawak na video cam.

"Ano’ng ginagawa niyo dito?!" Naiilang kong tanong.

Ngingiti ngiti si Clive. "Eh, ‘di ba ngayon ang alis mo? Ano ba ‘yan, master!"

Tumawa si Lukring, na ngayon niya na lang nagawa ulit. Hinablot ko ang video cam na hawak ni Clive at kinuha ‘yung memory card. "Gusto kong maalala ang araw na ito. ‘Yung araw na sinugod ako sa airport ni Lukring, na mukha talaga siyang Lukring!"

Ngumuso siya pero nakitawa na rin sa’min. Iba ang araw na ito. Para bang may sudden transition. There must be an angel behind this. An angel who wants his beloved ones to be happy in living life.

I knew him.

He who thought that life doesn't revolve on just one person.

I wish I could think like him.

Fin.

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon