Chapter 7
Krisha:
The day before our prom night, dumating na ‘yung pinagawa naming gown na si mamita ang nagpadesign. Ni-rush ‘yun nang bonggang-bongga dahil last minute lang kami napapayag ni mamita na umattend ng JS.
"Oh, anak, dahan-dahan naman!" Pinagalitan ako ni mama dahil bigla kong hinablot sa kamay niya ‘yung box ng gown. Excited na kasi akong isukat ‘yun. Nagmamadali akong umakyat papunta sa kuwarto ko. Inilapag ko ‘yung box sa kama saka ko ‘yun binuksan.
Royal red and black ang motif ng gown. Puno ng intricate black design ang red tube bodice. Black ang chiffons sa skirt na may mga nakatahing red roses na gawa sa silk sa bandang itaas ng mga iyon. May partner na mahabang itim na gwantes ang gown at itim na wide-rimmed hat with a big red ribbon. Ang ganda! Para akong Victorian princess kapag sinuot ko ito!
Sinukat ko na nga ang gown. Maingat ako sa pagsusuot niyon. Nang mai-zipper ko na ang likuran, tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. It was breathtaking, fantastic!
Mas nadagdagan ang excitement ko sa notion na makakasama ko si Aki buong gabi. Ano kaya ang masasabi niya kapag nakita niya ako na suot ‘to? Kilig!
"Krisha? Naisukat mo na ba ‘yung gown? Patingin nga ako?" Narinig ko ang boses ni mama sa labas ng room.
"Pasok po, mama."
Binuksan ni mama ang pinto. She remained standing at the doorway to observe me. "Wow! Dalagang-dalaga na ang baby ko, ah? You're so beautiful and lovely in that gown!"
"Mama naman, eh!" Na-shy naman ako sa papuri niya. Pero nakakaflatter. Straightforward pa naman si mama. Basta pag napangitan siya, sasabihin niya talaga nang walang kagatol-gatol. Yumakap ako sa kanya. Minsan na lang ‘to mangyari. Lagi na kasi siyang busy ngayon.
"Tama ang sabi ng mamita mo, ikaw ang mapipiling prom queen."
"Hindi naman po mahalaga ‘yun sa’kin." Ang mahalaga sa’kin ay partner kami ni Aki!
"Naku, anak, ‘wag ngang ganyan ang pananaw mo sa buhay? Dapat always aim for the best."
Heto na naman si mama. Über siya sa pagka-goal achiever. Sabagay, lagi siyang best. Consistent honor student siya nu’ng nag-aaral pa siya. Maganda pa at sopistikada. Kabaligtaran ko. Ako kasi, kuntento na lang kung ano ang kinalalagyan ko at kung ano ang meron ako.
Kung may goal man ako sa buhay, masasabing common na goal lang ng isang common na tao: ang makatapos ng college, magkaroon ng maayos na trabaho, at magkaroon ng masayang pamilya.
Kung may pansariling greatest dream naman ako, ‘yun ay ang maging bride ni Aki. Simpleng dream lang ‘yun na tatawanan lang ng iba. Pero seryoso ako! Pangarap ko siya. Pangarap ko na makasama siya, ‘yung kaming dalawa na talaga…
Pinagdarasal ko lagi na sana siya na nga.
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
أدب المراهقينPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?