Chapter 10

2.5K 46 1
                                        

Chapter 10

Krisha:

Finally, nagtext back na sa akin si Aki. Sulit ang pagpapakahirap kong i-flood siya kagabi. Ang sabi niya ay ayos lang siya at humihingi siya ng sorry sa pag-iwan niya sa akin kagabi sa JS Prom. Walang kaso ‘yun. Napatawad ko na siya. May emergency nga lang siguro.

Nagreply ako:

Gusto sana kitang bisitahin. Puwede ba akong pumunta diyan sa inyo?

At ito ang reply niya:

Wala kami sa condo ngayon. Dumalaw kami sa kapatid ni oka-san sa Laguna. Magkita na lang tayo bukas sa school. Nasa akin ang phone mo at isasauli ko.

Hindi na ako nagreply dahil baka busy na siya. Inilapag ko ang phone ni mama sa kama.

Hay,  bukas pa kami magkikita, namimissed ko na siya! Teka nga... Ano ba’ng una kong gagawin kapag nagkita kami bukas? Ah, bahala na.

"Anak, ready ka na? Aalis na tayo!" Tinatawag na ako ni mama dahil magsisimba kami. Every Sunday ay pumupunta ng church ang family namin. Nagbibigay kami ng time para magpasalamat sa mga blessings na natatanggap namin sa araw-araw.

Dati, isinisingit ko sa mga prayers ko si Aki. Natupad na ‘yun kaya mas lalo akong magpapasalamat kay Lord. Wala na akong hihilinging iba kundi world peace na lang. Pagkatapos namin magsimba, kumain kami at namasyal. At pag-uwi sa bahay, isa pang blessing ang dumating sa akin. Dumating na sa mail ang shortlist ng mga finalist na magcocompete sa taunang Nacional Concurso de Violin. ‘Yun na lang ang dream kong ipanalong competition bago ako magtatry sa international Concursos.

"Ahhh! Mama! Papa! Kasama ako sa finalist!" Nagtatatalon ako na parang baliw habang hawak ang letter. Masaya ang mga magulang ko, siyempre. Pero ang unang pinroblema ni mama ay ang posibleng conflict of schedule ko. "Kailan ba ‘yan, anak? Kung magpapractice ka ng violin, maisasabay mo ba ‘yan sa pagrereview para sa finals at entrance exam mo?"

Muli akong tumingin sa letter. "April 2? Don't worry, mama, madadaan naman siguro ‘to sa maayos na time management."

"Ano ka ba, honey? Kaya ‘yan ng anak natin. ‘Di ba, Krisha? Galingan mo, ha?"

Nagthumbs-up ako kay papa. Excited na akong ibalita ang good news kay Aki pero bukas ko na lang sasabihn.

****

Aki:

Masama ang pakiramdam ko. Para akong nahihilo na nasusuka. Kanina ay maayos naman ang pakiramdam ko bago umuwi. Pagkainom ko ng gamot, ganito na ang naramdaman ko. ‘Pag nagpatuloy ‘to, hindi na naman ako makakapasok bukas. Gusto ko nang makita si Lucrezia pero ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya, ‘yung mga plano ko para saming dalawa.

Mahilig akong magmuni-muni at hindi siya nawawala sa mga daydreams ko. Masaya na ako sa ganu’n dati dahil ‘di naman talaga ako masyadong lumalapit sa kanya.

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon