Chapter 15

2.1K 48 2
                                    

Chapter 15

Aki:

Nagiging base ko na yata itong banyo. Habang tumatagal palala nang palala ang nararamdaman ko. Palagi akong napapatakbo sa banyo, gaya ngayon. Tapos ay dudukwang sa sink at hihintayin kung may isusuka ako o wala. As usual, wala.

"Onii-chan? Daijobu?" kinatok ako ni Oka-san.

'"Hai." pinilit kong sumagot. Naramdaman ko ulit ‘yung urge na sumuka. Same, wala ulit. Wala naman talaga akong isusuka dahil wala pa naman akong kinakain. Binuksan ko ang faucet at pinaagos ko ang tubig. Pag-angat ko ng ulo ko, may nalaglag na mga hibla ng buhok.

For five minutes, blangko akong nakatingin sa nalagas kong buhok bago sila tuluyang naagos ng running water. May mali talaga dito.

"Onii-chan, ano ba? Kara nukedasu!” [Lumabas ka na diyan!] Pinagtaasan na ako ng boses ni oka-san. Nag-inhale, exhale ako bago ako lumabas ng banyo.

Hinagod ni Oka-san ang likod ko. "Hindi ba maganda ang pakiramdam mo? Tatawag ako sa school para—"

"Iie. Papasok ako ngayon." [Iie-No]

Valentine's day at gusto kong makasama si Lucrezia. 1st Valentine's day namin ito nang kami. Inakay ako ni Oka-san sa breakfast table. Pinilit kong kumain kahit wala akong gana. Umiinom ako ng gatas nang iabot sa’kin ni Oka-san ‘yung mga dapat kong inumin na gamot. Ang iba du’n ay Vitamins, I recognized them. Pero may tatlong tabletas na hindi pamilyar sa’kin. Iniinom ko naman sila simula nang simulan akong painumin nu’n ni Oka-san. Pero ngayon, kailangang aware ako kung para saan ang mga gamot na iniinom ko.

Inihiwalay ko sa palad ko ‘yung tatlong hindi ko recognized. "Para saan ‘tong mga gamot na ito, Oka-san?"

Nahuli ko ang anxious expression ng nanay ko. "Ah, ‘yung isa para sa nausea. ‘yung dalawa, para sa Anemia mo."

‘Yun ba talaga? Ininom ko naman ang mga gamot. Hindi ako umalis kaagad ng bahay. Hinintay kong matapos maghugas ng plato si Oka-san. Kunwari ay inaayos ko ang song sheets ko sa may piano.

"Oh, bakit hindi ka pa bumababa? Baka hinahantay ka na ni Mang Nes. Malelate ka niyan."

"Saglit na lang po." sagot ko.

"Pasok na ako sa room ko, Oni- chan. Itetext kita every hour, magreply ka para alam kong okay ka, ha?"

Tumango ako. Nakiramdam ako saglit. Nang narinig kong nagsara ang pinto ng kuwarto niya, dumiretso agad ako sa may dirty kitchen. Binuksan ko ang trashbin. Nakita ko kaagad ang mga blister foils na pinaglagyan ng mga tablets. Kinuha ko ang mga ‘yun at inilapag sa mesa. Inilabas ko ang iPhone ko at pinicturan ko sila sa anggulong malinaw kong mababasa ang mga generic names. Hindi naman sa pinagdududahan ko ang nanay ko (‘di naman siguro niya ako nilalason ) pero may kutob kasi akong may itinatago siya sa’kin tungkol sa kung ano ba talaga ang tunay na sakit ko. Kapag tinatanong ko kasi siya ngayon, iniiba niya lagi ang usapan. At mas madalas na niya akong mapagtaasan ng boses.

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon