Chapter 30
Krisha:
I find it best na magpanggap na wala akong alam. I know he's ill, and that he went out of the country para magpagamot. Hindi ‘yun mahirap malaman. But I still don't know what exactly was his illness. Hindi ko na inalam; I swear, ‘pag nalaman ko ‘yun, it'll break me into pieces.
Without consulting anyone, I decided to file a LOA sa university ko. Pinahahalagahan ko naman ang education like everybody else. It's just that everything about me can wait. Pero si Aki, hindi.
I voluntarily stopped my time so we could be together to where he's at. We spent the rest of the week practicing for our little recital.
Palagi ko siyang inaayang mamasyal, kahit sa Tagaytay lang kasi alam kong hindi niya kaya ang biyahe pa-Baguio. Pero lagi siyang tumatanggi. Gusto lang niyang mag-stay sa condo nila.
"Ayaw mo bang mamasyal?" tanong ko sa kanya nu’ng panglimang beses na niyang dinecline ang travel plans ko.
"Gusto kong magstay kung nasaan ako ngayon. Ayoko nang lumayo. I want to be at ease and spend time not for myself but for my beloved ones," aniya. "Alam mo, nakita ko na ang pinakamagandang lugar sa mundo. I'm already here… with you."
Hindi ko na siya kinulit since then. Pero nalaman kong he did travel a lot sa nakaraang dalawang taon. Nagpunta siya ng Malaysia, Singapore, China, and Italy. Ang daya daya niya. I should be there with him!
Actually, wala siyang kinukuwento o nababanggit man lang sa’kin tungkol du’n. Kay mamita ko lang nalaman. Nu’ng natutulog na si Aki, niyaya ako ni mamita sa room niya. May iniabot siya sa’king portable drive.
When I plugged it on my laptop, dadalawa lang ang nakita kong folder. Ang isa ay naka-label ng 'pictures' at ‘yung isa naman ay 'videos'. Inuna kong tingnan ‘yung mga pictures. Iyon nga ‘yung mga souvenir photos niya from his travels. Puro solos. Lahat ng shots niya, pulos siya nakasmile kahit pa halatang may iniinda siyang sakit.
Napasmile din ako pero may kahalong tears. Umabot sa 1k ang photos pero wala akong pinalagpas na tingnan kahit isa. Inopen ko next ‘yung folder ng videos. ‘Yung unang video ay kinunan habang nakasakay siya sa isang train yata.
"—Lucrezia, nandito ako ngayon sa bullet train. Nakikita mo ba ‘yung view sa likod, iyan ‘yung mount Fuji. Suteki, dane? Minsan... ipapasyal kita dito."
I really cried. Lahat ng videos niya palagi niyang binabanggit ang pangalan ko at kinakausap ako. May videos din kung saan napatawa ako. Iyong kuha nu’ng nag-aaral siyang mag-violin. Nagpo-pout siya kapag pinapagalitan siya ng mentor, or he'll mess up his hair kapag nagkakamali siya ng notes.
There's also a video where he's playing the piano.
"—Naaalala mo pa ito, Lucrezia? Ito ‘yung song na kinompose ko para sa iyo. Natapos ko na siya kaso sana hindi ka tamarin pag pinakinggan mo na. Sa sobrang haba niya, almost an hour ang duration niya, eh."
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Novela JuvenilPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?