Chapter 12

2.1K 44 2
                                    

 Chapter 12

Rho:

Nakatanga pa rin ako sa kinatatayuan ko kahit pa matagal nang nakaalis ang jeep na sinakyan ni Lukring. Mahigpit ang pagkakayapos ko sa ibinigay niyang teddy bear. Ganyan talaga kalakas ang epekto ni Lukring sa’kin.

Naghintay ako ng jeep na dadaan malapit sa subd namin. Kaso puro punuan! Ang tagal-tagal ko nang naghihintay, eh. Nang may humintong jeep na may bakante, pinauna ko naman ‘yung matandang kasabay kong nag-aabang.

Grrr... Ganto ba kahirap pag walang sariling kotse?! Badtrip na ‘ko! Hindi pa diyan nagtatapos ang kamalasang inabot ko. Biglang bumuhos ang malakas na ulan! Basang-basa na kami ng teddy bear bago ako nakasilong sa isang waiting shed. Nababasa pa rin ako dahil malakas ang hangin at umaanggi ang ulan.

Dinukot ko mula sa bulsa ang cellphone ko. Mabuti naman at buhay pa siya kahit nabasa ng tubig. Tatawagan ko ba si manong Jun para magpasundo? Kaso abala na ‘yun. May mga anak siya at kawawa naman ang mga ‘yun kapag kinuha ko pa ang oras ng tatay nila. So, paano ako uuwi ngayon?

Ring… Ring…

"Hello, kuya? Nasaan ka? Puwede mo ba akong sunduin?"

Naguluhan sa’kin si kuya. Ang alam nga kasi niya ay nasa bahay na ako by now. "May klase pa ako hanggang 9— Eh, nasaan ka ba?"

Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako. Sinundo naman ako ni kuya Sigma, ‘yun nga lang ay pinaghintay muna niya ako nang katakut-takot.

"’Sensya na, ‘tol, heavy ang traffic! Bakit ganyan ang hitsura mo? Daig mo pa ang basang sisiw?"

‘Di ko pinansin ang side comment ni kuya. Basta naupo ako sa frontseat ng kotse niya. Wala na akong pakialam kung maglawa sa loob.

 

Maniniwala ka ba, kuya na ang lahat ng nangyaring ito sa’kin ay dahil sinunod ko ang isang babae na pauwiin ang driver ko?! Oo, matatawa ka sa katangahan ko!

"Ah— ACHOOO! Kuya, pakipatay ang aircon… Giniginaw ako!"

"Hala ka! Nagkakalat ka pa ng virus sa kotse ko! Hihinaan ko na lang ang aircon, okay? Magpunas ka! Tingnan mo ‘yung gym bag ko sa backseat, kunin mo ‘yung towel ko—"

"Ayoko nga! Ginamit mo na ‘yun tapos ipapagamit mo sa’kin. Wala kang puso!"

Sinimangutan niya ako. "Ang arte mo. Chix ka ba? Ikaw rin— ano ba ‘yang hawak mo? Teddy bear?"

Nakita na nga niya at alam naman niya kung ano, itatanong pa! Common sense naman riyan, kuya!

"Bakit, elepante ba ang nakikita mo?"

"Kung kailan ka lumaki saka ka nagkainteres sa teddy bears? Eh, pinagtatapon mo nga ‘yung mga ganyan mo nu’ng nagfirst year highschool ka na, ‘di ba?"

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon