Chapter 9
Krisha:
"So, ano, babalik tayo sa hotel pavillon para magsayaw?" Mabilis kong sagot kay Rho. Eh, ‘yun ‘yung naisip ko na gusto niyang mangyari. May iba pa ba?
Tinawanan lang niya ako. Pati ako ay biglang nahawa sa tawa niya. Nakagaan ‘yun para masubside ‘yung shock ko nang bigla na lang akong iniwan ni Aki kanina.
Ah! Tatawagan ko kaagad si Aki!
"Papasok na ako," paalam ko kay Rho pero bigla niyang hinigit ang isa kong braso. Inilagay niya ang hintuturo niya sa mga labi ko.
"Shhh… ‘Wag kang maingay."
Bakit ‘wag akong maingay? Pinakiramdaman ko siya habang nasa dilim kami. Lumapit siya sa’kin at dahan-dahan niya akong niyakap. Hala? Bumilis ang tibok ng puso ko. Pero mas lamang na kinakabahan ako dahil si Rho ito. Syento por syento— this is TAMANG TRIP. Eh, bakit niya ako kailangang pagtripan sa harap pa ng bahay ko?
"Naririnig mo ba ‘yung music, ha, Lukring?" bumulong siya sa tainga ko. Music... Wala naman, eh! Naramdaman ko na lang na nagsi-sway pala kami sa imaginary music na ‘yun. Ano nga ba ang tunog nu’n? Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakinggan ang paligid.
Oo nga! May naririnig ako... Hmm... Liebestraum?
Liebestraum nga ba talaga o naiimagine ko lang dahil ‘yun ang gusto kong marinig sa mga oras na ito? Ahhh! Ano ba’ng ginagawa ko?! Bakit ako nagpapauto sa kanya?! Marahan akong kumalas sa pagkakayakap namin. "Umuwi ka na sa inyo, Rho!"
Nahila niya naman ang braso ko. Hinawakan niya ang isa kong kamay. "Tsk… Lukring, paano ko ba sasabihin sa’yo na—"
"—Na nangtitrip ka na naman? Alam ko na ‘yun, Rho!"
Bumitaw siya sa kamay ko at sa mga pisngi ko naman dumapo ang mga kamay niya. Jusko, Rho ang keso ng mga pinaggagagawa mo!
Kayang-kaya ko siyang tingnan sa mga mata niya. Kahit pa madilim, may sparkle du’n. Hindi ko pa siya nakitang ganito ka-sincere tingnan.
"Lukring, gusto kitang maging girlfriend."
G-girlfriend?! Ako? Ni Rho?! Ah, trip nga lang talaga ‘to. Ang galing niyang umarte, pang Famas! Hindi ko kasi maisip kung bakit siya magkakagusto sa’kin. All this time, mortal enemies kami. Mortal enemy... Ang sama.
Hayun, habang nakatunganga ako kakaisip, hindi ko na naiwasan ang next niyang ginawa. He kissed me! Marami akong naramdaman pero walang process ang utak ko. At isa lang talagang thought ang nagcirculate du’n nang lumayo ang mga labi niya sa mga labi ko.
AHHHH!! Salbahe talaga siya! Ninakaw niya ang first kiss ko na para kay Aki laaaaang! Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang bugbugin. Kaso kahit ano sa mga choices above, wala akong nagawa. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Fiksi RemajaPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?