Chapter 24
Rho:
Si Lukring at ako, we've been in a relationship for over a year now. Lukring pa rin ang tawag ko sa kanya, in my head. Kapag nasa paligid siya, syempre siya si Ms. Bear.
Mahal na mahal ko siya. ‘Yun na ang pinatunguhan ng attraction ko sa kanya mula pa noong high school days. Hindi ko pinagsisisihang ipinagpilitan ko ang sarili ko sa kanya pagkatapos umalis ni Chi Yamada noon; ‘Yung first love niya.
Kahit minsan, hindi niya ako naipagkamali kay Chi. Alam niyang ako si Rho; at kahit kelan ay hindi niya ako ginawang replacement para kay Chi. Kaya as far as I know, everything went well for us. Kilala na ako ng parents niya at kilala na siya ng pamilya ko.
Both of us have a wonderful college life; nothing like in the old high school days wherein marami nang mabubuting kaibigan si Lukring ngayon. She's becoming popular dahil active siya sa mga extracurriculars lalo na sa charity works. Wala na ang magtatangkang mambully sa kanya sa dami ng tagapagtanggol niya.
Ako naman, hindi na gaya ng dati na may mga na-a-under na mga classmates. Sa block ko, pantay-pantay lang kaming lahat; na gusto ko naman dahil sa wakas ay may mga tao nang hindi ako itinuturing na inferior o superior. Tulungan lang kami, ganu’n. Sina Santi at Clive ay sa ibang University nag-aaral. ‘Pag may time, we hang out. Only the three of us, of course.
Ngunit kagaya noong high school, marami ang nagkaka-crush (daw) sa’kin. Ipinanalo nga nila ako sa botohan noong Mr. ECE last year, eh. Actually, wala naman talaga akong balak at hindi ko binalak na sumali du’n. Nasagad lang ako sa pangungulit ni Lukring. Kalat sa school na 'kami'. Kaya ang mga fans ko at mga fans niya ay wala nang magagawa kundi ang maging masaya na lang para sa’min.
Kring! Kring!
Hinablot ko ang phone ko sa bedside. Mabuti na lang at nag-ring ‘yun, kundi ay baka makalimutan ko. Palabas na kasi ako ng kwarto dahil may lakad ako.
"Hello, Ms. Bear?"
"Ang tagal mo namang sagutin, nasaan ka na ba?!"
Sinipat ko ang tableclock. "Ang aga pa, oh. Excited ka masyado. Sige na papunta na ako diyan."
"Ingat ka." sabi niya bago inend call.
Habang pababa ako ng hagdan, pinagtetext ko ang mga blockmates ko pati na ang mga blockmates niya. Mabuti na lang at tumapat ng Sunday ang araw na ‘to kundi ay inabot kami ng katakut-takot na hassles. Nagconfirm naman ang mga tinext ko. Pagkababa ko ay nakabungguan ko si Kuya na papalabas ng komedor.
"Hoy, Rho, ‘yung ipinabibigay ko kay bunso ‘wag mong kalilimutan, ha? Pakisabing sorry talaga kung hindi ako makakapunta. Gusto ko sana kaso may operation ako ngayon—"
Nagbago na talaga si Kuya. Mas kapatid pa ang turing niya kay Lukring kaysa sa’kin.
Tumango ako. "Goodluck sa first operation mo. Sana hindi manginig ang kamay mo."
Binatukan niya ako pero mahina lang. "Tange, observer lang ako. Tsaka magpeprepare lang ako ng mga gamit. Ano’ng manginig ang kamay na pinagsasabi mo diyan? Ikaw ang dapat kong i-goodluck. Ngayon mo na gagawin ‘yung balak mo, ‘di ba?"
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?