Chapter 8:
Krisha:
Pagpasok pa lang namin ni Aki sa loob ng pavillon, pinagtinginan na kaagad kami ng mga tao. Confident ako kahit pa sinasabi ng mga tingin nila na 'hoy, Lukring, hindi kayo bagay ni Chi!'
Kaso, naiilang naman ako mismo kay Aki. Kaninang-kanina pa niya ako hindi kinikibo since nu’ng sumakay kami ng kotse at kaninang-kanina pa rin niya hawak ang kamay ko. Ano bang ibig sabihin nu’n? Gusto ko na siyang tanungin. Wala nga lang akong guts para tingnan kahit ang kanyang mukha.
Sana, ibig sabihin nun 'akin ka lang, Krisha.' Aweee! Hindi ko keri ‘yuuuun!
Oo, ako na ang feelingera! Ano’ng magagawa ko kung pinapadama niya talaga sa akin na espesyal akong tao sa kanya ngayong gabi?! Puwede naman siguro akong kiligin bago ako magising sa katotohanan bukas, ‘di ba?
Magkatabi kaming nakaupo habang ginaganap ang turnover ceremony. Iyon ‘yung paglilipat ng mga responsibilidad as students ng mga Seniors sa mga Juniors. Mga honor students ang kasali du’n. Kasama din daw dapat du’n si Aki, tinanggihan niya lang.
Hindi kami makapalakpak ni Aki. Nasa ilalim ng tablecloth ang mga kamay namin na magkahawak pa rin. Dahil wala akong magawa, inilibot ko na lang ang paningin ko. Saka ko lang napansin ang grand piano ng school na nakapwesto sa gilid ng stage. Grabe, sa sobrang pagka 'all about Aki' ko tonight, hindi ko nakita ‘yun, eh ang laki-laki nu’n.
Nahagip din ng mga mata ko sa di kalayuan si Rho. Nakatitig siya sa’kin, swear! Pero may katabi siyang kaklaseng babae. Si Marj, ‘yung patay na patay sa kanya. Mabilis na nagbawi ng paningin si Rho nang mapansin niyang nakatingin na din ako sa kanya.
"Pasensya na kung hindi ko naabisuhan ang dalawang taong tatawagin ko," nagsalita sa mic ang aming school director pagkababa ng mga nagturn-over. "Nagbigay sila ng karangalan sa ating school sa larangan ng musika—"
Ay, alam ko na ‘to! Bakit hindi nila sinabi sa amin?!
"Since um-attend sila ng ating JS Prom this year, nirequest ng mga Seniors na magperform sila tonight. Maaari niyo ba kaming pagbigyan, Mr. Chiaki Yamada at Ms. Lucrezia Salvacion?"
As if may choice naman talaga kaming huminde. Hmp. Nagpalakpakan sila.
"Alam mo pa ba ‘yung Gavotte D major ni J.S. Bach?" tanong sa akin ni Aki. Tumango-tango ako. Syempre! Makakalimutan ko ba ang paborito niyang piyesa? Tumayo si Aki at binitawan niya ang kamay ko. Iginiya niya ako paakyat ng stage. May nag-abot sa akin ng violin at bow. Si Aki naman, naupo sa harap ng piano. Lumingon muna ako sa kanya. Tinanguan niya ako. At ‘yun nga, sinimulan kong tugtugin ang violin.
Ang mga Gavotte ay may masiglang himig kaya favorite ni Aki. Siguro kung wala ang piano accompaniment, magiging malungkot ito. Ewan ko ba, nalulungkot ako kapag naririnig ko ng solo concierto ang violin. Kung tutuusin, maraming music instrument ang puwedeng ka-duet ng violin.
Kapag dalawang violin ang magkaagapay, nagiging strong and powerful ang himig.
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?