Prologue
Napabuntong-hininga ako dahil sa violin na nakamuwestra sa balikat ko. Gusto kong tumugtog pero hindi pa talaga ako nakakaapgsimula. Nagtatalo ang isipan ko. Kakapangako ko lang kasi sa sarili ko na hindi ko na iyon muling tutugtugin. Pero kanina, habang pinagmamasdan ko siya mula sa eskaparate, parang narinig ko ang kanyang mahinang iyak.
Muli akong tinawag ng kanyang malungkot na tinig na nagsusumamo para tugtugin ko siyang muli.
Nakakatawa na nakakainis na nakakagalit. Ganyan ko ilalarawan ang nararamdaman ko. At ganyan ko rin ilalarawan ang nasirang lovelife ko.
Akala ko kasi... tanggap ko na. Marami kasing mga bagay na madaling sabihin kapag wala ka pa sa actual situation.
Ang daling mag-assume. Ang daling magtapang-tapangan.
Ah, tama na!
Lumabas ako ng kwarto ko na dala ko ang aking violin. Wala na siyang silbi sa’kin kaya dapat na siyang itapon!
Pagdating ko sa aming garahe, sh-in-oot ko sa malaking trashbin ang violin. Muli akong bumalik sa pagkatulala.
‘Di ba, dapat bubuti na ang pakiramdam ko?! Tinapon ko na siya, eh! Wala nang magpapaalala sakin ng tungkol kay—
Mainit at basa na naman ang aking mga mata. Nahihilam na ako sa sarili kong mga luha at mugto na ang mga mata ko.
Ang violin... Hindi ako galit sa violin. Katunayan nga, mahal ko ang violin; pero gusto ko nang kalimutan ang mga alaalang dala nito.
Sa prenteng pagtunganga ko, narealize ko ang katangahang ginawa ko. Pinag-initan ko ang walang kamuwang-muwang na musical instrument na hindi naman dapat. Napabuntong-hininga ako at muli kong dinampot ang violin. Hindi ko na matandaan kung paano akong muling nakabalik sa silid ko. Basta sinimulan kong hanapin mula sa mga nagkalat na scores ang paborito kong tinugtugin sa violin—
Asan na nga ba ‘yun? Ah! Heto, nakita ko na—
BINABASA MO ANG
Violin Tears (Edited)
Teen FictionPaano kung mahal ka pala ng taong akala mo ay hindi ka gusto? At paano na kung mahal ka rin ng taong akala mo ay nabuhay para pagtripan ka?